Chapter 30

153K 1.3K 259
                                    

Zenia's POV

Halos 3 months narin yung nakalipas nung maging kami ni Justin. Wala naman kami gaanong pinagaawayan na malala kasi, di naman siya gaanong umaalis eh? Halos dito na nga siya tumira sa bahay namin. Welcome na welcome kasi siya dito, lalo na pag nandito sila mommy, halos dito na nila patulugin.

Yung first monthsary namin? Ano nga ba nanyari nun? Hmm.. Wala lang, dito lang din sa bahay. Dinalhan niya ko ng foods tapos nanuod kami ng DVD. Para kasi kay Justin hindi naman importante ang 1st monthsary eh? 1st anniversary ang importante sakanya.

Di naman kami gaano madalas magtalo? Di tulad nung una kaming magkakilala.

Ang laki ng pinagbago niya. Akala ko masasanay nalang ako na puro pagtatalo nalang yung manyayari sa relasyon namin pero di ko inexpect na magiging sweet siya. Well, he's kind of a moody sometimes but I think that's normal. I guess, He's still Justin after all. Hindi padin mawawala yung dating ugali niya na napakamoody.

Para na nga kaming magasawa minsan eh? Pero syempre hindi! Pagaaral muna. Ewan ko? Basta ang alam ko mahal na mahal na mahal ko na si justin.

December na! December 8 na ngayon, Saturday. So, walang pasok. Si Justin naman, nanduon daw sa dream 69 na tambayan nila ni Kriston at Flip kasama si Ross. Si Mel? Wala na kasi akong gaanong balita sakanila ni Flip eh?? Ang alam ko wala na sila. Di ko pa natatanong si Flip kung bakit.

Hayyyy! Ano kayang pwedeng gawin? Dapat pala sumama nalang ako sakanila! I'm bored here!

-_- Makapag ayos na ngalang ng mga gamit!

Tumayo ako para magayos ng gamit sa may mini drawer ko. Teka? ito yung cellphone ni Justin diba? Di ba to nabasa nung nagswimming kami dati? Hmmm.

Tinignan ko kung magkaparehas kami ng charger pero hindi. Buti nalang at may charger ako ng ganitong cellphone! hmmm. Mabuksan nga! hihihi. Okay lang naman diba? I'm his girlfriend right?

Chinarge ko yung phone ni Justin. aww! Gumagana pa! ibig sabihin hindi nga to nabasa? hmm. Nag start up na yung phone. Tapos, sunud-sunod yung pasok ng mga messages. Puro, babygirl yung name. Sinong babygirl? hmm.

Binuksan ko yung conversations.

From: Babygirl<3

-Babe, let's talk. I miss you sao badly! I need you. Sorry for what I've done before. I know you miss me too. I still love you babe!



Sino kaya to? Nagbasa pa ako  ng ibang messages.

From: Babygirl<3

-Babe? Dinelete mo ba number ko? Si Ella to. Bakit hindi ka nagrereply? Lumipat ka na daw sa East? Babe, please? Ayusin natin to! I miss you! I'll come back to you soon. Wala na kami ng boyfriend ko. Narealized kong ikaw ang mahal ko. Please! ayusin natin to!

From: Babygirl<3

-Twas been a months. I can't get over with you! I love you Justin! Sorry! Wala ka ba talagang balak bumalik dito sa school natin? I miss you!

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon