Chapter 33

148K 1.1K 342
                                    

Hayyyys! Late nanaman ako! Andito na ako sa school ngayon. Walang teacher kaya pwede namin gawin lahat ng gusto namin. Hindi nanaman kasi ako nasundo ni Justin eh. Akala ko pa naman, okay na lahat pero ilang araw na niya akong hindi sinusundo.

"Sorry na beb ha? Iloveyou." Yan! Lagi namang ganyan ang sinasabi niya sakin pag hindi niya ko nasusundo eh?

"Oo na! okay lang sakin. Wala namang bago dun diba?" I just turned my head down. Nag nap nalang ako. Naiinis kasi ako eh? Kinausap nadin ako ni ma'am Molis na baka mawala ako sa top ngayon dahil sa lates ko. Kung kelang 4th year saka pa ko mawawalan ng top?

Lumabas kami ni Justin para magpunta sa may lounge ng seniors.

"May gusto ka bang kainin?" tanong sakin ni Justin. Hmm? Ano ba masarap kainin?

"WALA!" sigaw ko sakanya. Hanggang ngayon nababadtrip padin ako sakanya.

"Psh! Nagsorry na nga eh! Bahala ka nga jan." umupo siya sa tabi ko then nanahimik. What the actual F?! siya na nga ang may kasalanan tapos siya pa magagalit?!

"Uy! Bakit ang tahimik niyo?" tanong ni....... ......

ELLA!?

ELLA NANAMAN?!

Nagiging close na nga uli si Justin jan sa Ella na yan eh!

"Wala eto kasing si Zenia, tinotopak." Sagot ni Justin kay Ella. What!? So, ako yung mukhang masama dito ganun?!

Umupo si Ella sa pagitan namin ni Justin so nasa gitna siya. Damn! Simula nung lumipat dito si Ella, naging close na sila nni Justin. Tuwing sinasabi ko naman na nagseselos ako, friends lang naman daw sila. Yung lagi niyang sinasabi, friends lang.

"Alam mo? Ayaw ni Justin ng masyadong topakin? Kasi madaling mabadtrip tong si Justin eh? Noong kami nga, ayokong binabadtrip siya eh." explain sakin ni Ella. Did I ask her?! Seriously.

"Oh really? Then?"

"Tapos pag bad mood siya, hindi ko sasabayan yung badmood niya. Mahal na mahal ko tong si Justin nun eh. No offense ha? Pero we slept together na nga eh. Tapos, tuwing kumakain siya, sinusubuan ko siya. Alam mo ba? Mahal na mahal ko si Justin nun eh!" explain uli ni Ella sakin. TInignan ko si Justin pero tahimik lang tapos may headphones sa tenga.

Nakakairita naman tong si Ella. Hello? Di niya pansin na ang awkward?! AKO na CURRENT GIRLFRIEND ni JUSTIN yung sinasabihan niya ng mga nanyari sakanila?

"Talaga? eh bakit sabi nila nabuntis ka daw ng iba?" Okay I know medyo RUDE yung tanong ko sakanya. Sorry!

"Bastos ka ah!" tumayo si Ella tapos.. tapos..

SINAMPAL AKO!? NEVER IN MY LIFE PA AKONG SINASAMPAL. :'( Justin save me!

"Ano ba?! Parang wala kayo sa school ha?!" awat ni Justin kay Ella. Good boyrfriend! Thank you!

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon