Chapter 46

142K 1.2K 338
                                    

Zenia's POV

"Haha! Talo ka naman par eh!" Sigaw ni Flip kay Kriston. Naglalaro padin sila ng xbox. Paskong pasko naman, wala silang ibang ginawa kundi mag xbox. Wala bang mga pamilya to?

Sabagay pare-parehas naman kami ng kalagayan. Yung parents ni Flip nd Kriston, may business din sa ibang bansa. Tuwing New year lang umuuwi yung parents nila same with Ross and Justin. Super seldom magpakita! lol.

Medyo gumaan yung pakiramdam ko nung nalaman ni Justin yung about sa arrange marriage. Akala ko talaga di niya ko maiintindihan. 

Just as I thought, we should face all the trials together.

"Merry Christmas sa inyo. Hindi ko inexpect na magkakasama tayo ngayong pasko." Sabi ni Ross sa amin. Medyo emotional si Ross kapag ganitong panahon ng pasko. Hindi niya kasi nakakasama parents niya.

She got used to it pero syempre iba padin yung nadiyan yung parents mo.

"Drama naman ng mommy ko! Halika nga dito!" Binitawan ni Kriston yung nilalaro niya at pumunta sa kama kung saan nakahiga si Ross.

"Uy gagu to oh! Naglalaro tayo eh!" Sigaw ni Flip habang sinusundan ng tingin si Kriston.

Tumayo naman si Justin para mag-sub sa laro ni Flip. 

"Wag ka magalala. Ako na kasama mo pag may mga okasyon. Araw-araw pa nga eh!" Kriston? Why so bad? You stole my bestfriend!

"Oy eh pano naman ako?" tanong ko kay Kriston.

"Sus andiyan naman si Justin eh!" Sigaw ni Kriston tapos hinug si Ross.

Tinignan ko si Justin. Naka-focus padin siya sa paglalaro ng xbox.

"Ayun nga oh? di ako pinapansin!" Parinig ko kay Justin. Akala ko ba umuwi siya para sakin? Bat mas inuna niya pa yang pag xbox?

"Patay! Nagagalit si misis!" Parinig din ni Kriston. Here we go with the word, misis again! lol.

"Tsk! Talo tuloy! Puking.." Bulong ni Jusitn pero narinig ko padin.

Aba? At hindi manlang ako pinapansin?

Pero okay lang! Dito naman siya matutulog for three straight days eh! hehe! ^_^v

"Pano ba yan tol? Olat ka! hahaha!" sigaw ni Flip kay Justin tapos kumuha ng pizza.

*ring!*ring!ring!*

Huh? Nagulat ako ng narinig kong may tumatawag sa telephone. Usually kasi sa cellphone lang may tumatawag eh?

Sinagot ko yung phone. "Hello?"

"Zenia? baby? Andito na kami ng daddy mo sa airport. Hindi na kami nakapagpaalam sa sobrang daming inaasikaso. By the way, Merry Christmas honey! Sorry we didn't make it today. Babawi kami! Promise!" Explain ni mommy. Hmpf! ano pa nga ba?

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon