Chapter 11

4.3K 45 6
                                    

"Kamusta naman ang jogging in the morning?... Shin said, giving her a wicked smile... Bilib naman talaga ako sa trip niyo ni loverboy!"

"Naku, hindi ko nga alam kung anong pumasok sa utak nun at nagyaya mag jogging eh. Ang aga kaya!"

"Ano ka ba naman sis! Syempre ang motto daw ni boylet ngayon eh "Daig ng maagap, ang puyat! Tsaka wag ka ngang plastic diyan! Excited ka namang nakitakbo diyan eh"

"Haha!...Ginising kaya niya ako!... she responded defensively. Kaya syempre sinamahan ko nalang din siya"

"Oh please! If I know, nakipag-puyatan kayo kay Kuya Germs sa sobrang anticipation sa jogging na yan!...."Walaaang tulugaaaan" lang ang peg niyong dalawa!... tukso sa kanya ng kaibigan... So, what's the real score nga ba sis?"

"Real score? WALA!... sagot niya. Ganun padin sis. Friends kame thats it!"

"Ay, talaga? Sana ako din kaibiganin ni tisoy mo... Tigilan mo nga ako sis! Don't tell me hindi mo napapansin ang malalagkit na tingin ni loverboy at ang mga padikit dikit nya sayo?! Anong tawag mo dun hobby lang?" Shin said, sarcastically.

"Honestly, nagtataka nga din ako sa kanya ngayon sis eh... Ibang-iba na siya sakin...Tingin mo bakit?"

"Naku sis! Baka balak ka niyang gamitin! Lapastanganin o di kaya'y yurakan ang pagkababae mo?!... biglang tugon ng kaibigan. Ang swerte mooo!! Pumayag kana!!! Minsan lang dumating ang ganyang chance!

"Gusto mo ma-experience yung bigla ka nalang mawalan ng malay tao?"... banta niya.

"Naman sis! Basta ba si boylet mo ang sasalo sakin eh?! Gow!... excited na sagot nito... Uy!... Nakita ko yun! Biglang gusto nadin niyang mawalan ng malay tao! Teka nga muna... Ano pala yung iba sa kanya ngayon?

"Ano kaba? Nakalimutan mo nabang allergic na allergic sakin yan dati?!... paalala niya. Ni tignan nga lang ako niyan dati, hindi magawa nun eh! Tapos ngayon, sobra-sobrang atensyon naman ang binibigay niya sakin"

"Eh dati siguro sis talagang little sister lang tingin niya sayo. Tas ngayong nagkita na kayo ulit, eh BIG na bigla tingin niya sayo!... cornying banat ni Shin sa kanya. Eh malay mo naman kasi nagbago na ang feelings niya. It can happen to anyone you know?! Medyo slow nga lang talaga ang development nitong si loverboy mo. Pero, give him time. Malay mo nag-a-adjust pa!"

"Ewan ko ba sis! Pagna-aalala ko yung dati, sumasama padin talaga ang loob ko. Alam ko ang tagal na nun. Pero parang hindi nako naka-move on sa pang-babale wala niya sakin noon. Pano kung na-e-excite lang pala siya ngayon kase ang tagal naming di nagkita tapos ma-realize din niya later on na wala pala talagang nagbago? Na ganun padin pala! Edi ako nanaman ang mahihirapan nun?!"

"Sa bagay sis... I can't blame you na ma-feel mo yan. Masyado ka ngang affected noon eh, to the point na umalis kapa talaga. Pero hindi mo din ba naiisip na....What if?!....What if lang naman...Na eto na pala yun? Na talagang gusto ka na niya at nagising na siya!"

"Eh what if... Ako ang tama at bumalik lang kami sa dati? Baka hindi ko na kayanin ulit un sis" she said softly.

"Eh di one point sayo kase may tama ka! ... napa-buntong hiningang balik nito sa kanya. Sis naman! Pano masasagot yang mga katanungan mo kung hindi mo susubukan? Give him a chance sis!... Malay mo naman diba? At least hindi ka forever mag-wa-wonder na "What might have been"... she said, trying to convince Sarah.

"Bago pako umuwi at bumalik dito sis.. Nakapag-decide nako. I don't want to go through the same heartache again...Tama na yung minsan... Ayoko nang ulitin o maulit pa yun. He had his chance before pero binale wala lang niya!" she replied stubbornly which made Shin frown.

The Missing Piece ( Ashrald Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon