Chapter 15

4.2K 37 3
                                    



Masaya ang naging kwentuhan nilang lahat. Madalas si Fred ang kausap ni Gerald at si Shin, Ken at Paolo naman ang kay Sarah...Buong gabi ay hindi kinibo o tinapunan man lang ng tingin ng binata si Sarah kaya inabala nalang niya ang kanyang sarili sa pakikipag-usap kayla Paolo...

PAOLO: Galing ka pala sa US? Are you here for good o bakasyon lang?

SARAH: Actually, I have no definite plans yet. Pero syempre sila mommy cinoconvince ako na dito na ulit mag-stay... Naiisip ko din mag-put up nalang ng business dito para magamit ko din un pinag-aralan ko... Bahala na!... Hindi pa talaga ako sure eh... Gulo ko no?

PAOLO: Na-pressure kaba bigla sa tanong ko? he asked, with a grin... Ano ba tinake mo and where ka sa US based?

SARAH: I finished a degree in Culinary Arts Management sa New York....

PAOLO: Wow! Ang swerte naman pala ng magiging asawa mo! Swerte ko! Woohoo!... Hindi lang pretty, magaling pa magluto!

SARAH: Asawa talaga agad? Hindi ba pwedeng boyfriend muna?! she said, giggling...

PAOLO: Are you telling me single kapa?! No way!

SARAH: Ano namang surprising or di kapani-paniwala dun?!

SHIN: Oo nga, Paolo! Single pa talaga yang sis ko and ready to mingle! ... Kaya kung may papakilala ka sa kanya bilis-bilisan mo na at baka maunahan pa siya ng iba dyan!...

PAOLO: Bat maghahanap pako?! Pwede bang mag-volunteer nalang?!

KEN: Wooohooo! Ayos yun kuya Pao ha?! ... Nag-pretend itong may tinaas na scoring board "10 yun para sakin!... Lupet! "

Bigla tuloy siyang namula sa sinabi ni Paolo at panunukso ni Ken... Sinilip naman niya ang reaction ni Gerald pero patuloy lang itong umiinom at parang walang narinig.

FRED: Hoy bro, ano nanaman yan?! Tigilan mo na si Sarah at namumula na sa hiya o!... Hindi yan sanay sa mga manyakis na tulad mo!

Pakiramdam tuloy niya ay parang biglang natuyo ng di oras ang lalamunan niya sa mga biruan nila Fred patungkol sa kanya. Inabot niya ang bottled water na nasa may harapan niya at pilit na binubuksan iyon... Papabukas na sana niya ito kay Ken ng biglang sumenyas si Gerald na ibigay at iabot ito sa kanya... Kahit naiinis padin siya sa pang-dededma nito sa kanya kanina ay walang kibo nalang din niyang iniabot ito sa binata... Binuksan naman ito ni Gerald at ibinalik sa kanya.

SARAH: Thanks... mahina niyang balik dito.

Hindi ito kumibo at patuloy nanamang nakipagkwentuhan sa grupo...

SARAH: Haaayy! Nakakatuyo ng utak itong lalaki nato talaga!... Sarap basain ng tubig! Grrrr!!

SHIN: Pero infairness sis ha?! Kahit kunyari dedma siya eh attentive padin naman pla siya sayo! ... bulong nito... Ay, before I forget nga pala sis. Sabi ni cuzin JL tatawagan ka nalang niya bukas tungkol sa dinner niyo.

PAOLO: Sino si JL Sarah? Magpaliwanag ka sakin! Sino siya sa buhay mo?! he asked, faking a pained expression on his face...

FRED: Wag mong takutin, Gago! ... sabay batok sa kaibigan.

PAOLO: Joke lang yun Sarah ha? Sabi ko na nga ba palabiro kadin eh... Kakasabi mo palang kanina na single ka pa tas eto ngayon may JL kana pala!... Pano na ang pag-vovolunteer ko niyan?!

SARAH: Ikaw talaga puro ka biro... Cuzin ni Shin yun tas nakilala ko nung Grad ball namin nung hi-skul..

PAOLO: Wala pala akong laban dun eh. Imagine highschool palang hinihintay ka na! ... Eh buti hindi mo pa sinasagot yan?!

SARAH: Hindi naman siya nanliligaw eh!

GERALD: Yun lang ba ang hinihintay mo? ... biglang singit nito na nakakunot ang noo...

Nabigla ang lahat na napatingin sa sinabi ni Gerald...

SARAH: Ay, andyan ka pala?!... gustong-gusto niya sanang sabihin dito ngunit nag-pigil lamang siya... " Hinihintay?" Hindi naman... Pero kung manligaw man siya eh wala namang problema sakin kase nung nakasama ko sya noon sa Ball eh super bait naman niya sakin at masarap pang kasama..."

PAOLO: Ouch naman Sarah!... Ako kaya super nice din at masarap kasama...Try mo lang!

GERALD: " Tsshh! Isang beses mo lang pala nakasama eh! "

SARAH: Hindi! Tingin ko, talagang mabait siya! Lalo na cousin pa ni sis yun, so alam ko naman na I'm in good hands... Yung iba nga diyan kahit matagal mo nang kakilala hindi mo padin maintindihan ang ugali eh!... Kaya para sakin... I can't really base it sa tagal. Nasa tao talaga yan!

KEN: Oh yeah! Naalala ko nga na buong gabi nun hindi ka na nga iniwanan niyan! ... Anyways, I'm thankful for that kasi dun ko tuloy nakilala at nakasama ang sweetie pie ko! ... sabay halik nito sa pisngi ni Shin...

FRED: Teka, naguluhan ako... Bakit ka naman nasali sa kanila?

SHIN: " Ganito kase yun "....Tinapunan ni Sarah ng warning look ang bestfriend niya dahil ninenerbyos na siya sa maaaring kahantungan ng usapan nila...."GRAD BALL kase namin yun tapos si Sarah dahil walang PARTNER nun, si Ken ang kinuha niyang partner tas ako naman si JL na pinsan ko... Dun sila nag-meet"

PAOLO: Yang itsura na yan walang partner sa BALL?! HOW COME?!... sabi nitong tinapik pa kunyari ang lamesa...

FRED: Oo nga Sarah! Kung nakilala kalang namin ng maaga-aga ang dami sana naming pwede mong pagpilian..

PAOLO: Tignan mo to! Pa-simple kadin kung humirit eh no?! Kanina si JL lang ang kakumpitensya ko ngayon kasali kana din?!

SHIN: Ikaw na sis! Kung nung Ball tinanggihan ka ng date mo ngayon naman pinag-aagawan ka! Oopps!...bigla itong namula ng ma-realize ang mga nasabi niya at sabay tingin agad nito sa kanya na tila humihingi ng tawad...

FRED AT PAOLO: HUWAAATT?!

Hindi tuloy alam ni Sarah kung ano ang sasabihin niya... Lihim niyang sinulyapan si Gerald at nakitang nakakunot nanaman ang noo nito na tila nagtataka.

PAOLO: My goodness! Kita mo to Sarah, habang hawak-hawak nito ang isang butil ng mani sa kamay niya...Ganyan! Ganyan, kalaki ang utak ng kung sino mang lalaki na yan na tumangging maging date mo!

Tawa naman ng tawa ang lahat na binato nila ng mani si Paolo dahil sa kalokohan nito... Lahat ay nagtatawanan, maliban lang kay Gerald na tila malalim padin ang iniisip...

FRED: Pero di nga Sarah, hindi talaga ako makapaniwala na may tumanggi sayo! As in tinanong mo siya tas sabi niya ayaw niya?!

SARAH: Ano ba kayo tigilan niyo na nga ako! Wala namang ganun!... Tsaka teka nga, bakit biglang ako ang nasa hot seat? Pwede change topic?!

KEN: Tama na nga yan! Sorry to end this very interesting session guys pero late na sweetie. I promised your mom, I'll take you home before 12 am dahil maaga kayo bukas.

PAOLO: We better leave nadin bro. Sabay na tayo kayla Ken... Ken hatid mo nalang si Fred ako na maghahatid kay Sarah.

FRED: Tignan mo to! Gusto mo mag-commute?! ... Kotse ko kase ang dala natin baka nakakalimutan mo hoy!! ... Wala kang kotse!

PAOLO: My goodness again! Nakilala lang kita Sarah nakalimutan ko na ang lahat! Hatid nalang kita next time pag-kotse ko na ang dala ko ha? Huwag kanang malungkot, next time masosolo mo nako!... biro niyang muli dito.

GERALD: Sige na. Ingat nalang kayo mga bro!

PAOLO: Oh bro, kamusta?! Gising ka pa pala?!... pang-aasar niya dito. Kanina pa kasi ito tahimik lang at walang kibo masyado.

GERALD: Ikaw, gusto mo matulog na bro?!

PAOLO: Eto naman di mabiro! Wag niyo naman akong i-bully sa harap ni Sarah! Baka isipin nya weak ako!... Sarah, ganyan lang talaga ako kabait. Tinatanggap ko lang lahat... Ngayon palang masanay kana sakin ha?... sabi nito sa malambing na boses sabay tapik ng marahan sa braso ng dalaga.

Nahampas din tuloy ito ni Sarah ng di oras dahil sa mga biro at pagpapatawa nito.

GERALD: Tama na nga yan! Let's go Ken. Ako na mag-dadrive samahan na kita maghatid!... sabi niya at nauna nang naglakad papalayo sa kanila.

The Missing Piece ( Ashrald Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon