Chapter 43

4K 91 51
                                    

SARAH's POV

Muli na naman siyang napangiti ng maalala ang mga nangyari sa kanila ni Gerald kagabi... Hindi din niya mapigilan ang kilig na nararamdaman sa tuwing binabalikan niya ang lahat ng naging pag-uusap nila... Mula sa resto, sa sala, sa kotse at higit sa lahat sa kanyang kwarto...

Bigla tuloy nag-init ng di oras ang buong mukha niya ng maisip na hindi naman puro usap lang ang ginawa nila ng binata sa kwarto niya... Teka pala, pano kaya nakaalis yun kanina?... Nakita kaya niya?!... Sumilip kaya yun habang tulog ako?... Waaaah!

Grabe, eto na ata ang pinaka-masayang araw ng buhay niya... Iba pala ang pakiramdam na magising kang may ngiti agad sa mga labi mo, dahil sigurado kang mahal kadin pala ng taong matagal mo ng pinapangarap...

Kung sana hindi ako pinangunahan ng takot at worries ko noon, eh di sana hindi na kami pareho pang nahirapan... Meron pa akong pa-sign-sign na... Bigla siyang natigilan... Oh no!.. Nawala na sa isip niya ang signs!... Isang linggo nalang at tapos na ang 3 buwan na palugit niya pero hanggang ngayon wala padin yung huling sign....

Pano kung matapos na nga ang 3 buwan at hindi na niya makuha yun? Pano na sila? ... Kung kelan pa namang maayos na sila at nalaman na niyang mahal din siya ng binata... Kaso hindi niya din pwede balewalain nalang basta ang huling sign na yun dahil ipinagdasal niya yun kay Papa God... Yun ang hiningi niyang senyales para malaman kung si Gerald na nga ba talaga ang para sa kanya at kung tama bang buksan na niya ng tuluyan ang puso niya para dito...

Naiisip palang niya na ipagtapat ito sa binata ay na-iimagine na din niya ang magiging reaction nito... Siguradong magwawala na talaga yun! Hay!... Ang guwapo pa naman lalo nun pag-nagagalit! Hihi... At mas lalo pang dumagdag ang pogi points n binata dahil sa ginawa nitong pagpipigil kagabi... Sigh! ... Perfect na sana ang lahat... What will I do now? Pano ang huling sign?....

----------

BREAKFAST

SARAH: Good morning... masayang bati niya sa lahat.

DINA: Oh hija, mag-almusal kana... Hindi na kita ginising kasi baka kako puyat kayo... Anung oras naba kayo nakauwi? ... Hindi ko na namalayan kase maaga akong nakatulog.

GERALD: Maaga po tita... Bago mag 12 umuwi nadin po kami agad.

VANGIE: Kamusta naman yung pinuntahan niyo?

SARAH: Okay naman po ninang. Teka lang po kukuha lang ako ng rice sa kitchen... sabi niya, sabay alis papuntang kusina... Hindi niya maintindihan ang sarili pero parang bigla siyang nahiya na pag-usapan ang tungkol sa date nila ng binata sa harap ng mga magulang.

Ilang sandali lang ay bigla namang tumayo si Gerald...

EDDIE: You done eating, son?

GERALD: Uhm, no dad... May kukunin lang po ako sa kusina sandali. Excuse me po... rason niya at sabay tayo para sundan ang dalaga.

VANGIE: Best, kusina na naman ang punta nung dalawa... Their favorite place!... Alam na!... bulong niya.

DINA: At best, ang manok natin panay ang ginagawang the moves! ... I love him na talaga!

DELFIN: Uh, kayong dalawa dyan... Hindi pa nga kayo natatapos sa almusal niyo binubusog niyo na agad mga sarili niyo... pahapyaw niya.

VANGIE: Nasa breakfast palang tayo nito kumpadre... Can't wait for lunch and dinneeerr!... hirit niya na nakapag-patawa sa lahat.

-----------------------

KITCHEN:

GERALD: Good morning, baby... bulong niya, sabay yakap at halik sa may balikat ng dalaga habang nakatalikod ito sa kanya.

The Missing Piece ( Ashrald Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon