Chapter 2

4.6K 42 1
                                    



Nagmamadaling bumalik si Gerald sa dining room. Inis na inis itong pinupunasan padin ang nabasang pants niya habang pabalik sa kanyang upuan. He was about to take his seat when he noticed someone from the stairs... He lifted his head and saw her... Napatigil sya sa nakita... Nasa hagdan na si Sarah, pababa ito at nakangiti sa kanilang lahat.. Totoo pala yung napapanood niya sa foreign movies minsan na parang tumigil bigla yun oras nung nakita mo siya ulit. Akala niya dati exaggerated yung mga slow-mo moments na tipong hinihintay mong mapatingin sayo yung babae tapos mga 5 seconds kang di humihinga...Possible pala talaga yun?! ...bulong niya sa sarili.

Pero, ibang-iba na talaga siya. She has matured a lot!... and i really mean a lot! Whew! Ge, behave!... sita niya sa sarili. I really can't believe this! She is actually here... Right infront of me and not only that... She looks really lovely and beautiful! He can't help but stare at her. His mouth suddenly turned dry just by looking at her... I think I need water.... again!

Napatingin si Sarah sa kanya. Nagtatanung ang itsura nitong tumingin sa pants niya.

"Bilib kana ba Sasa?! Ganyan ka ka-miss ni kuya! Sa sobrang excited na makita ka, di na umabot sa CR." biro ni Ken.

Natatawa nalang si Sarah na lumapit sa Ninang niya habang si Gerald naman ay tuluyan nang binato ng panyo niya si Ken... Hindi niya mapigilang mapatingin ulit sa dalaga kaya hindi na niya namalayan na nasa harapan na pala niya ito at tinatanong na siya ng: "Gerald, are you okay?"

END OF FLASHBACK

-----------------------------------------------------------------------------

Bata pa sila Sarah at Gerald ay very close na ang family nila. Mag-best friend kase ang mommy nila since highschool kaya ng mag-asawa ang mga ito ay tuloy tuloy padin ang maganda nilang pagsasama bilang matalik na magkaibigan. Tuwing may special ocassions ay naging part na ng tradisyon nila ang magsama ang bawat pamilya.

Dalawa lang na magkapatid sila Gerald at Ken. Phil-Am ang dad nila at nakilala ng mommy niya ito nang minsang magbakasyon sa Amerika. They stayed in the US for almost 3 years and decided to return and settle here in the Philippines ng mabuntis ulit ang mommy niya kay Ken.

Si Sarah naman ay ang nag-iisang anak nila Dina and Delfin. Halos sabay silang ipinanganak ni Ken. Simula palang sa pagkabata ay malapit na ang loob niya kay Gerald. Pero dahil sa mas matanda ito sa kanya at mas ka-age niya si Ken, ito tuloy ang mas madalas makipaglaro sa kanya. Inspite of their age difference at kahit iba ang hilig gawin ni Gerald ay hindi padin nakakalimutan ni Sarah na laging alalahanin ito. Madalas ay kinukulit niya itong sumali at makipaglaro sa kanila ng kapatid.

"Gege, sige na sumali ka na samin please" kulit ni Sarah.

"Sarah naman big boy nako eh. Si Ken nalang pilitin mo! Puro pambabae pa yang toys mo. Ayoko magluto" reklamo nito. "tsaka stop calling me Gege! It's Gerald. Can't you see I'm all grown up now?"

"Ang sungit mo naman! Bakit si Ken, boy din naman siya pero nakikipaglaro siya sakin? Tsaka 12 yrs. old ka palang naman ha?! Parang di pa bagay yung Gerald sayo. Pang mama na kaya yun! Feeling ko nga din parang mas pang daddy pa nga eh! Basta, gusto ko padin Gege!' Sarah complained, teary-eyed.

"Oo nga naman, kuya! You don't really have to cook! Sarah will take care of the cooking. Taga-kain lang naman tayo eh. Tsaka walang bayad sa restaurant niya, libre lang. Uupo lang tayo." Ken interrupted.

Kahit ayaw talaga sumali ni Gerald sa dalawa ay di naman niya matanggihan si Sarah lalo na pag-nagtatampo na ito sa kanya. "Oo na, sige na! Last nato ha? Next time kayo nalang talagang dalawa ni Ken." diin niya.

The Missing Piece ( Ashrald Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon