Chapter 49

2.6K 73 28
                                    



BAR

PAOLO: Yan na nga ba sinasabi ko eh... Tatampo-tampo ka tapos di mo naman pala kayang panindigan!... sumbat niya.

GERALD: Oo na bro, tama kana!... malungkot na pag-sang-ayon niya... Pero please, tulungan mo naman ako oh?!... pakiusap niya... Ayaw nako kausapin eh... Hindi din sumasagot sa mga text ko.

FRED: Tsk... Tsk... Napanuod ko nato eh... Yan madalas ang signs pagnanlalamig na sayo ang isang tao or pag-may nakilala ng iba... gatong niya.

GERALD: Gago!... balik niya, sabay tapon ng hawak niyang table napkin sa direksyon nito...

Argh! Kasalanan naman kasi niya talaga eh... Kung di siya nagtampo ng ganun katagal, hindi sana magagalit sa kanya ng ganito si Sarah... Ngayon, halos 2 linggo nadin siyang di kinakausap nito at pakiramdam niya malapit na talaga siyang masiraan ng bait. Halos mag-iisang buwan na silang walang communication.

Pero kahit na ganun, araw-araw padin niyang tinetext ang dalaga at halos 6x niya itong kinakamusta sa bawat araw. Hindi siya hihinto hanggang di siya mapatawad ng baby niya.

MARCO: Hoy! Ang lalim na naman ng iniisip mo diyan!... sita niya.

GERALD: Teka, anung oras na nga pala?... bigla niyang tanong ng mahimasmasan.

MARCO: Mag-12am na... sagot naman niya.

Dali-dali namang kinuha ni Gerald ang kanyang celphone at nagmamadaling nagtext habang naiiling na lamang na pinanunuod siya ng mga kaibigan.

MESSAGE TO MY BABY: Hi baby! Lunch time na... Wag mo kalimutan kumain on time ha? I miss you so much... Patawarin mo nako babe, pls! Hirap na hirap nako dito. Love u.

Matapos niyang matext ang kasintahan ay isa na namang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago tuluyang binaba at nilapag ang kanyang celphone sa lamesa.

PAOLO: Buti nalang bro, pogi ka! Kung araw-araw na ginawa ng diyos eh ganyang itsura mo ang ihaharap mo samin tas ang pangit mo pa eh malamang hinampas ko natong beer ko sayo!

FRED: Tama ka diyan!... segunda niya... Nakakahiya naman sating mga smiling face at mestizo.

MARCO: Smiling face bro pwede pa... Pero yung mestizo ka?!... namamangha niyang balik sa kaibigan... Kelan pa?!

FRED: Hoy!... balik niya... Tisoy kaya ako dati, nabarkada lang ako!

PAOLO: Ano, araw-araw kang naarawan at di kana naka-recover?... pang-aasar niya, sabay hagalpakan nila ni Marco.

FRED: Kita niyo hindi natatawa tong si Ge sainyo?!... Alam kasi niya na kung sa kaguwapuhan lang ang labanan eh tiklop agad kayong dalawa sakin!

MARCO: Gago!... Pano sasali satin yan eh lutang nga... Parang yang utak mo lang, lutang din!

PAOLO: Pst! Tama na bro!... awat niya kay Marco... Tandaan mo, lahat tayo ginawa ng nasa taas na pantay-pantay... Kaya kita mo nga tayo guwapo tas siya mabait!... sabay hagalpak na naman nila ng kaibigan.

FRED: Hoy Ge, kampihan mo naman ako dito!... angal niya... Wala kang silbi diyan eh!

GERALD: Hoy, kayong dalawa diyan, tigilan niyo na nga itong si Fred!... Buti nalang talaga mabait ito!... pagtatanggol niya, sabay tawanan nilang tatlo.

FRED: Gago, isa kapa!... Sana di kana talaga batiin ng baby mo!

GERALD: Ang sam... bigla siyang napatigil ng makitang umilaw ang celphone niya... Dali-dali niya itong kinuha para basahin ang text message na natanggap.

FROM My Baby: Tapos na.... Babasahin palang sana niya ang message ng dalaga ng biglang mamatay ang phone niya. SHIT!

MARCO: Oh, san ka pupunta?... tanong niya ng makitang natatarantang tumayo ang kaibigan.

The Missing Piece ( Ashrald Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon