Chapter 31

4K 66 19
                                    



A/N: Dahil po sa mga comments niyo na patuloy na nagpapasaya sakin, eto napo yung request niyo... Hope you'll enjoy this chapter! ... Please continue to support my story by voting and leaving your comments for every chapter... Remember po, the more na nababasa ko ang comments niyo, the more akong ginaganahan :) Thanks to all of you again and happy reading :)

Naiisip pa din niya ang mga kaganapan kanina... Hanggang ngayon ay hindi padin siya makapaniwala... Sa dami kasi ng mga nangyari sa kanila nitong nakaraang linggo, napag-isip isip niya na mas makabubuti para sa kanya kung kakalimutan na lamang niya ang binata... Hindi niya inaasahan ang nangyari kanina... Lalo lang tuloy siyang naguluhan at napa-isip.... Ano pa ba ang saysay nung kanina kung tumigil nadin naman ang binata sa panliligaw sa kanya?... Napa-buntong hininga na lamang siya at sa pangalawang pagkakataon ay muli na naman niyang binalikan ang mga nangyari kanina.....

FLASHBACK

GERALD: So, it's Paolo now huh? What happened to JL?!... he asked in a sarcastic tone of voice.

Bumilang muna siya ng hanggang tatlo, para pa-kalmahin ang sarili bago tinapunan ng tingin ang binata para sagutin ang tanung nito sa kanya... Parang may kung anong bumara sa lalamunan niya ng tumambad sa kanya ang itsura ng binata... Oh my G!... she could barely catch her breath... She closed her eyes for a moment and tried not to feel the pounding in her blood... Tama ba yung nakita ko?!...Yun na nga ba un or were my eyes just playing tricks on me?... She drew in a deep breath, trying to compose herself.... Ilang sandali pa ay muli niyang binuksan ang kanyang mga mata....

GERALD: Is something wrong?.... nag-aalangan niyang tanong ng makitang nabigla at tila parang namumutla ang dalaga...

Nakatulala siyang pinagmamasdan padin si Gerald... He was now watching her with puzzlement, a look of faint concern already etched on his face... Nakakunot nadin ang noo nito habang naghihintay sa sagot niya.... Ilang segundo pa ang lumipas, bago siya tuluyang mahimasmasan....

SARAH: Uhm... Ano kase Ge eh... Yung ano mo.... hindi na niya naituloy pa ang gusto sana niyang sabihin, dahil bigla siyang nakarinig ng malakas na hagalpakan sa likuran niya.

PAOLO: Rico J, is that you?!... tanong niya, sabay apir kay Fred, na hindi din mahinto sa kakatawa....

GERALD: Huh?! ... Anong Rico J?... naguguluhan niyang tanung sa mga kaibigan.

FRED: Gago! Si Paquito Diaz yan!... hirit niya.

MARCO: Sorry, mga bro natag....... napahinto siya sa sasabihin nang mapatingin kay Gerald....." Daboy?! "... sabi niya, sabay upo at hawak sa tyan dahil sa hindi mapigilang tawa.

GERALD: What the hell is going on?!... tanong niya, habang ramdam niyang namumula na ang tenga niya sa pikon ... I'm warning you guys! You're REALLY starting to piss me off, big time!!... Pag-hindi pa kayo nagsi-tigil diyan baka gusto niyong sumunod kay Paquito!

SARAH: Ano kasi Ge... May ano ka kasi... sabat niya, sabay nguso sa may bibig ng binata...

GERALD: Ano nga?!.... naiinis na niyang tanong sa mga kasama.

SARAH: Here, let me... nahihiyang alok niya dito. Pupunasan na sana niya ang nasa taas ng labi nito ng bigla itong umiwas.

GERALD: Ako nalang... Ano ba kasi un?!.... tanung niyang iniiwas ang tingin sa dalaga.

Napalunok nalamang siya at mabilis na yumuko para pa-kalmahin ang sarili. Ramdam niya ang mga namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata. Hindi naman ito nakaligtas kay Paolo na kanina pa sila ino-obserbahan.

PAOLO: Asshole!... he hissed to himself.... Ayan! Diyan sa taas ng labi mo, may bigote ka!... singhal niya, sabay turo sa bibig ng kaibigan.

The Missing Piece ( Ashrald Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon