Chapter 19

4.6K 44 8
                                    

SARAH'S POV

Galit nga siya talaga sakin.... Buong araw niyang hinihintay ang sagot ni Ge pero halos mag-9 pm na ay wala pading tawag o text man lang ang binata... Nagbago na siguro ang isip nun. Baka na-realize niya na lasing lang siya talaga kagabi at nagsisisi na siya sa mga nasabi niya sakin... Ang tanga ko naman kasi eh!

Tok...tok...tok..

SARAH: Bukas po yan! Pasok!... sigaw niya.

DINA: Hi hija. bati ng mommy niya na bahagyang nakasilip sa may pintuan ng kwarto niya. Matutulog kana ba?

SARAH: Maya-mayang konti ma. Nagbabasa lang muna po ako para magpa-antok..

DINA: Ganun ba? Hindi ka naba ulit
bababa?

SARAH: Hindi na ma. Gusto ko nadin po kasi magpahinga eh.

DINA: Ah ok sige anak. Asa baba kasi si Ge ngayon. Eh kaso matutulog kana pala. Pauwiin ko nalang siya para makapagpahinga kana din. Goodnight hija!... paalam nito sa kanya.

Natulala si Sarah at ilang segundo ding napatigil at hindi agad nakakilos sa kanyang kama... Ano daw? Asa baba si Ge?!... Doon pa lamang siya nahimasmasan ng maisip ulit ang binata... Waaaaahhh!... nagmamadali siyang tumayo at halos magkandarapang lumabas ng kwarto niya.

Pag-bukas niya ng pintuan ay lalo pa siyang nagulat ng makita ang mommy niyang nakatayo padin doon at tawa ng tawa...

DINA: Oh anak, san ang punta mo? Akala ko ba gusto mo nang magpahinga?

SARAH: Mommy naman eh!... ngawa niya. Yung totoo, andyan po ba siya sa baba?

DINA: Oo nga asa baba talaga siya!... compirma ng mommy niya. Kaya bilisan mo na diyan at tama na yang pagha-hibernate mo diyan sa kwarto mo. Babain mo na po ang prinsipe dahil kanina pa naghihintay sayo!

SARAH: Thank you ma!... sambit niya sabay yakap dito. Matapos nun ay agad na siyang bumaba para puntahan ang binata.

----------------------------------------

Hindi niya nakita si Gerald sa may sala nila kaya ang buong akala niya ay naisahan na naman siya ng kanyang mommy... Paakyat na sana siya ulit at pabalik na sa kanyang kwarto ng biglang lumabas si Manang galing sa kusina.

MANANG: Sa!... tawag sa kanya nito. Andun sa labas si Ge. Doon nalang daw siya maghihintay. Pinapapasok ko kaso ayaw eh!

SARAH: Ah ganon po ba?... Sige puntahan ko nalang siya don. Thank you Manang!

MANANG: Naku basta para sainyo ni pogi, hahamakin ko ang lahat, mauwi lang ito sa kasalan!

Paglabas niya ay si Gerald na agad ang kanyang nakita. Naka-park kasi ang sasakyan nito sa may tapat lang ng gate nila. Halos hindi tuloy siya makahinga sa sobrang kilig ng mapatingin din ang binata sa kanya. Tahimik lang itong nakatitig sa kanya habang nakasandal sa may pintuan ng kotse nito... Maryosep ang guwapo! Diba dapat sa sitwasyon namin eh siya ang pinahihirapan ko?!... Eh bakit parang baligtad ata at ako ang hirap na hirap dito?! Oxygen please!

SARAH: Oh bakit andito ka sa labas, hindi ka pumasok sa loob?... she said, smiling shyly at him... Hindi padin niya matignan ng diretso ang binata lalo na't hindi siya sigurado kung galit ba ito o nagtatampo sa kanya.

GERALD'S POV

Pambihirang buhay ito oh! Pano ko naman titiisin 'tong babae nato, eh isang ngiti palang niya sakin biglang nakalimutan ko na lahat nang galit ko?!... he said to himself, gazing at her...

Nakalugay ang buhok nito at naka-sleeveless lang na puti... As usual, hindi pwedeng mawala ang favorite nitong short, shorts na laging nagpapainit ng ulo niya! Wala bang pajama o pants sa US?!

The Missing Piece ( Ashrald Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon