Chapter 39

3.9K 71 17
                                    



GERALD's POV

As usual, hindi na naman siya nakatulog ng gabing yon... Ano ba?! Meron ba siyang balat na nakatago na di niya alam? ... Pag masaya kami sa umpisa, hindi talaga puwedeng magtapos sa masaya din?! Hindi pa nga siya nakakapag-umpisa eh... Supalpal na naman agad siya!... bulong niya sa sarili, sabay hawi ulit sa buhok niya...

Wala! Hindi na talaga ako makakatulog nito!... Tumindig nalang siya sa inis at dumiretso na sa kusina...

VANGIE: My goodness son! ... Ba't ganyan ang ayos mo?! ... Para kang tinorture o kinuryente ng kung sino!... Go back to your room now!... Utang na loob magsuklay ka muna bago ka magpakita sakin!... utos niya.

GERALD: Ma naman eh... Aga-aga, ayan ka na naman eh!

VANGIE: Hijo, mukha kang aburido!... Sino ang matutuwang makita ka?

GERALD: Eh hindi ako nakatulog ma eh... parang maliit na batang, angal niya.

VANGIE: Awww, kawawa naman ang panganay ko... sagot niya, sabay lapit sa anak... Tell mommy, masama ba pakiramdam mo? ... Is something bothering you son?!... tanung niya, habang inaayos at sinusuklay nalang sa kamay niya ang buhok ng anak....

GERALD: Hindi ko napo talaga alam ang gagawin ko kay Sarah eh... malungkot niyang pag-amin.

VANGIE: Huh?... Bakit naman, hijo?... Anong meron kay Sarah?!... halos lumuwa na ang mata niya sa sinabi ng anak...

GERALD: Best actress ka ma!

VANGIE: Tignan mo tong loko nato...

GERALD: Eh parang wala nakong ginawang tama eh!

VANGIE: Sige nga hijo... Ano ba sa tingin mo ang nagawa mo nang tama?

GERALD: Sumunod po ako dito?... medyo alinlangan niyang sagot na tila nagtatanung pa ang dating.

VANGIE: So yan palang ang tingin mong tamang nagawa mo?

GERALD: I think so... he confirmed with a heavy sigh.

VANGIE: At pano mo naman nasabi na tama nga yang ginawa mong pagsunod dito?

GERALD: Kasi ano... kasi alam kong mas maaayos ko po ang lahat pag andito ako.

VANGIE: Ayan! Ikaw nadin mismo ang sumagot diyan sa problema mo... Tama ka nga sa naiisip mo hijo... Mukhang wala ka pa ngang ginagawang tama... sang-ayon niya sa anak.... Pano mo masasabing tama ang isang bagay na ginawa mo kung wala pa ngang magandang resulta?!... bulyaw niya dito... Ano ba hinihintay mo bata ka? Pasko?!... Sabagay, 3 days nalang yun... dagdag niya.

GERALD: Kakausapin ko naman talaga ma eh, humahanap lang ako ng perfect timing!

VANGIE: Lintek na perfect timing yan, hijo! Kami nga eh inip na inip na sayo at malapit nang sumuko eh! si Sarah pa kaya?! ...

GERALD: Ma naman eh!! he groaned.... Lalo lang akong naaaburido niyan eh!

DINA: Okay Ge, sakin ka nalang makinig!... sabat niya, na dali-daling umupo sa harapan ng binata... Nakita niyang napatingin lang at bahagyang napa-nganga ang mag-ina sa kanya, wala ni isa man lang ang nagsalita sa mga ito... WHAT?!... nagtataka niyang bulyaw sa dalawa...

VANGIE: Really, best?! ... Eavesdropping, early in the morning?!

GERALD: Uhm, kanina pa po ba kayo diyan tita?... nag-aalangan niyang tanong dito.

DINA: Hindi naman, mga 2 mins ago palang... she assured him... Nagbibiro lang yang mommy mo... she added, giving her best a pointed look... So tell me, bakit hindi ka nakatulog, hijo?

The Missing Piece ( Ashrald Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon