Chapter 50

2.8K 67 29
                                    



RING... RING....

SARAH: Hello, tita.

TITA: Hi hija! Tanong ko lang sana kung may lakad ka mamaya?

SARAH: Wala naman tita. Bakit po?

TITA: Na-invite kasi kami ng tito mo sa isang charity event. Isasama sana kita... she explained. Tulog kana nung dumating kami kagabi tas kanina naman maaga ako umalis kaya diko na nasabi sayo.

SARAH: Okay lang po tita. Saan po ba?

TITA: I'll text you the address hija. Sumunod ka nalang ha kase diretso na kami ng tito mo dun. Mga 7pm yun and it's a formal event by the way.

SARAH: Sure Tita. Sige, sunod nalang po ako dun.

TITA: Call me pag-andun kana para masalubong ka namin.

SARAH: Okay po, thanks! ... See you later!

Napabuntong hininga na lamang siya matapos maibaba ang telepono. Sa totoo lang ay wala siya talagang gana na lumabas nung araw na yun ngunit nahihiya naman siyang tanggihan ang tita niya.

Walang nagawang lumapit na lamang siya sa kanyang closet para i-check kung ano ang pupwede niyang suotin para sa event na yun mamayang gabi.

Gusto niya sana ay simpleng evening wear lamang pero elegante... Matapos niyang isa-isahin lahat ng kanyang mga pormal na damit ay nakita din niya sa wakas ang hinahanap niya ... Pulling the formal dress out of her closet, she stepped back to get a better view of her favorite floor-length, strapless dark blue gown with fitted bodice... Perfect!... she whispered, a satisfied smile curling her lips.

-----------

SARAH: Hi tita! Andito na po ako sa may reception area.

TITA: Naku hija, we're so sorry late kame ng tito mo pero papunta na kami diyan... Pakibanggit mo nalang ang pangalan namin at may naka-reserve na tayong table. Pasensya kana, hija!

SARAH: No worries tita... My fault, napa-aga din po kasi ako... paliwanag niya... Sige hintayin ko na lang po kayo ni tito sa loob. See you!

Matapos niya makausap ang kanyang tita ay dumiretso na siya sa babaing nakatayo sa may reception area.

SARAH: Uhm, excuse me.

RECEPTIONIST: Good evening, ma'am. How can i help you?

SARAH: Yes, good evening. I'm a guest of Mr. and Mrs. Stevens. Could you help me find their table please?... pakiusap niya.

RECEPTIONIST: Sure ma'am. Just hold on a sec please, while i check the guest list.

SARAH: Okay, thank you.

After a few seconds...

RECEPTIONIST: Okay, found it... she confirmed, giving her a warm smile... Ms. Geronimo, right?... This way please... she said and ushered her inside.

Konti pa lamang ang nadatnan niyang asa loob kaya hindi naman siya gaanong nailang. Habang naghihintay ay nabigyan din muna siya ng pagkakataong malibot ng kanyang paningin ang buong paligid.

Napaka-elegante at cozy ng lugar. Naaaliw tuloy siyang pagmasdan ang bawat ayos at disenyo nito.

Ilang minuto pa ay nadako naman ang kanyang atensyon sa isang magandang babaeng pumwesto na sa may harapan. Umakyat ito sa may stage kasunod ang ilan pang kalalakihan na nakabihis din ng pormal.

Hindi pa man sila nag-uumpisa ay naaaliw na siyang panoorin at obserbahan ang mga ito habang inaayos ang mga instrumento nila. Ang dating kasi ng banda ay parang tulad sa mga classic films na napapanuod niya.

The Missing Piece ( Ashrald Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon