Chapter Thirty Two

15K 578 131
                                    

Note:

Here's the next chapter. Enjoy!~

-Jihwanxxi


"Luhan-Oppa?" Kanina mo pa pinipilit na idigest ang sitwasyon pero syntax error talaga! Napakurap-kurap ka pa ng ilang beses para masigurong siya nga ang nasa harapan mo na nakasuot ng bridal gown. Gusto mong magmura ng paulit-ulit. Anong kalokohan to?! Sabi na may mali eh! Kaya pala di ko siya mahagilap kahit saan. Sayang nung luha ko!


"Ako nga. Sorry" Sabi nya habang nagkakamot ng batok.


"P-pero..Bakit??" Naguguluhang tanong mo. Hindi mo alam kung matutuwa ka o maiinis o magagalit dahil siya lang naman pala ang bride kuno ni Sehun.


"Sorry Hyung. Nadamay ka pa" Kakamot-kamot ding sabi ni Sehun. May kuto ba sya at kanina pa siya kumakamot??


"Okay lang maknae." Naaasiwa pa ring turan ni Luhan at nag-usap pa sila ni Sehun.


Wala ka talagang maintindihan sa pinag-uusapan nila. Mukhang napansin naman nila kaya pinaupo ka nila para makwento sayo kung bakit ganito ang kinalabasan ng WGM ni Sehun. Umupo ka naman ulit sa pwesto mo kanina at pinaliwanag naman nila sayo ang lahat.


Nalaman mong may kapartner pala dapat si Sehun pero tumanggi ito dahil may non-showbiz boyfriend din daw ito at takot ito sa mga fans ng EXO. Hindi rin daw nila alam kung sino. Si Manager Hyung lang ang nagsabi sa kanila at siya lang rin ang nakakaalam. Ayaw naman daw icancel ng organizers ng show ang WGM ni Sehun kaya nag-isip sila ng paraan. Hindi rin sang-ayon si Sehun na sumali sa show na ito kaya naman inisip nilang si Lay na lang dahil siya ang willing pero ayaw naman ng staff. Wala na silang choice pero bigla silang nagsuggest na si Luhan na lang daw para hindi magalit ang fans dahil shiniship silang dalawa. Kaya pala sabi nila ay surprise daw ito para sa mga fans. Hindi mo naman inaasahang si Luhan pala talaga. Pero nagpapasalamat ka na rin dahil pumayag siya.


"Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kung natuloy yun" Sabi ni Luhan na parang nabunutan ng tinik. Natawa naman sila sakanya.


"Grabe. Ang ganda mo kanina hyung. Mukha ka talagang babae" Natatawang sabi ni Chen. Sumimangot naman si Luhan.


"Hindi ah! Manly ako! Manly!"


"Oo na. Manly ka na hyung" Parang di kumbinsidong sabi nila at may malalaking ngisi sa labi. Dahil na rin sa ginawang pag-eeskandalo kanina ni Sehun ay kinancel na lang ng buong staff ang WGM. Nakahinga naman kayong lahat ng maluwag.



"Ikaw na lang ang magdala nito kay Sehun" Sabi sayo ni Suho sabay bigay ng isang ballcap.


"Sige Oppa. Nasan ba siya?" Tanong mo naman. Nasa SMent kayong lahat ngayon. Nanonood ka ng practice ng EXO para sa performance nila sa Gayo Daejun. Pagkatapos ng nakakawindang nilang WGM kanina ay pinabalik na silang lahat ni Manager Hyung sa SMent dahil may guesting pa pala sila sa Gayo Daejun at Inkigayo.

OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon