Chapter Thirty Nine

14.1K 642 279
                                    

Note:

Your votes and comments are highly appreciated. I may not always reply to your comments but that's only because of my ineffable emotions and my strong debt of gratitude that triggers my loss for words. Rest assured that all your comments have been read and I would like to express my deepest gratitude for all the supporters of Oh Sehun's Wife.

-Jihwanxxi

--

Naglalakad ka papasok sa village ng bahay nyo ni Sehun habang pinag-iisipan kung sasabihin mo pa ba kay Sehun na may alam na yung mga fans tungkol sainyo. Kahit naman kasi hindi ka pa nila kilala, alam mong hindi magtatagal ay makikilala rin nila kung sino ka. FBI ang fandom nyo at iniisip mo pa lang kung anong maaaring gawin nila sayo ay natatakot ka na.


Pagkadismiss sainyo ng prof nyo ay agad mong tinawagan si Manager Hyung. Sinabi nya sayo na ginagawan na raw ng solusyon ng SM ang kumakalat na balita. Pagkarating mo sa bahay nyo ay hinanap mo agad si Sehun pero hindi mo sya makita sa baba.


Nasa kwarto nya siguro.


Tinatamad ka pang umakyat kaya umupo sa sofa at tinawagan si Kris para ipaalam ang nangyari at para na rin humingi ng advice tutal sya naman ang leader ng EXO-M. Nakausap mo na kanina si Suho at sinabi nya sayong wag kang mag-alala.


"Anong kailangan mo?" Yan agad ang pambungad nya sayo pagkasagot nya kaya umismid ka kahit di naman nya nakikita.


"Yeoboseyo din duizhang" Sarkastiko mong sagot na ikinatawa nya sa kabilang linya.


"Ano nga?"


"May alam na sila" Panimula mo.


"May alam na sino?" Naguguluhang tanong nya.


"Ang fandom" Sagot mo. "Nakunan kami ng picture ni Sehun. Hindi pa nila kilala kung sino ako dahil nakatalikod ako dun pero ramdam kong malapit na nila akong makilala" Nag-aalalang wika mo. Sandaling natahimik ang kabilang linya. Akala mo ay binaba nya na kaya nagulat ka nang bigla syang magsalita.


"Alam na ba ni Sehun to?" Tanong nya sayo pero hindi ka sigurado kung alam nya na o hindi.


"Hindi ko alam"


"Ang mabuti pa sabihin mo na muna sakanya tapos ay pag-usapan nyong dalawa. Hindi naman namin kayo pababayaan." Wika nya sa kabilang linya.


"Salamat Kris. Matino ka naman palang kausap benben" Pang-iinis mo sakanya pero sa totoo lang ay nagpapasalamat kang nandyan sya. Hindi mo na narinig ang susunod na sinabi nya dahil nagulat ka sa ingay na nanggagaling sa kusina. Nagpaalam ka kay Kris at ibinaba na ang tawag.


"Oppa?" Tanong mo pero walang sumasagot.


"Sehun Oppa?" Tawag mo ulit. Pumasok ka sa kusina at nanlaki ang mga mata mo nang makita si Sehun sa baba at pinupulot ang mga bubog ng nabasag na plato.

OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon