Chapter Fourteen

16.3K 618 115
                                    

Note:

Oh Se Hun.. and the heartaches you bring..

I have a million reasons why I should give you up, but the heart wants what it wants.

As promised, dedicated sayo Yash. Sorry kung natagalan, Saturday kasi ang UD ko eh. *insert Chanyeol's peace sign* Hehe.

Nwei, salamat sa paghihintay. Vote and comment chingus!

-Jihwanxxi

--

Umakyat ka naman sa kwarto nyo ni Sehun at naabutan siyang nakaupo ng patalikod sa kama nyo.

"Oppa.." Mahinang tawag mo sakanya pero di ka niya nilingon

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig nyang tanong.

"Si-sinundan kita"

"Hindi kita kailangan. Umalis ka na"

"P-pero--"

"Ang sabi ko umalis ka na!" Bigla siyang humarap sayo at sinigawan ka. Napaatras ka naman dahil sa gulat.

"Hindi ko sinabing sundan mo ko kaya umalis ka na. Dun ka na lang sa baba tutal masaya ka namang kausap si Kris hyung diba?! Pero kung ayaw mo eh di sige, ako na lang ang aalis" Galit na sabi nya at binalibag ang pintuan.

Umiiyak na napaupo ka naman sa kama dahil sa sobrang inis.

Magkaayos na kayo eh! Akala mo unti-unti ka nang natatanggap ni Sehun, akala lang pala yun.

--

SEHUN

Tuloy-tuloy kong nilagok ang Soju na iniinom ko. Naramdaman ko naman agad ang init na dumaloy sa lalamunan ko.

Nakakainis talaga anng babaeng yun!! Sasabihing mahal ako tapos kung makapaglandian kay Kris hyung wagas!

Hindi ko alam kung bakit ako inis na inis sakanya. Naiinis lang siguro ako dahil pagkatapos niyang sirain yung buhay ko ay masaya siyang nakikipaglandian sa iba. Oo tama yun nga.

Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parang tinutusok ng maliliit na karayom ang puso ko nang makita ko siyang nginingitian si Kris hyung ng ganun.

Mukhang napaparami na ata ang inom ko kaya lumalabo na rin ang paningin ko. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari sa paligid ko.

May mga babaeng lumapit sakin pero tinulak ko sila palayo. Bigla ko kasing nakita sa mukha nila ang nakakainis na mukha ng babaeng yun.

"Bwisit!" Inis na sabi ko at binato ang boteng hawak ko. Umiikot na rin ang paningin ko.

"Sabi mo wala kang gusto sa kanya pero mas pinapaboran mo siya!" Alam ko namang mas hunk talagang tingnan si Kris hyung kesa sakin pero t*ngna lang! Mas gwapo ako sakanya! Mas lamang ako ng dalawang paligo sakanya! Oo mas sagana siya sa BB Cream pero kami kaya ni Suho hyung yung nanalo sa perfect facial ratio. Kahit sang anggulo alam kong gwapo ako!

Pero wala naman siyang sinabing di ka gwapo. Kontra ng isip ko. Tsk. Nababaliw na ako.

Pero kahit na! Mas gwapo pa rin si Kris hyung para sakanya . Ano ka ngayon Sehun? Sigaw naman ng natapakan kong male ego. Lecheng babae yun talaga. Ang hirap alisin sa sistema. Nagpapakalasing na nga ako para makalimutan ko siya pero pati ata alak kakuntsaba niya.

Sa sobrang galit na nararamdaman ko ay inihagis ko lahat ng mahahawakan ko. Mabuti na lang at exclusive ang bar na to kaya konti lang ang tao at nag-iisa lang ako dito sa sulok.

OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon