Chapter Sixty Six

13.9K 605 147
                                    

Note:

Vote ang comment!~

-Jihwanxxi

--

Hindi mo alam kung ilang beses kang napalunok. Nang mapagtanto mong seryoso talaga si Sehun ay saka ka sumuko.


Malay mo naman kung totohanin nya talaga diba? Nang umalis sya sa ibabaw mo at tinungo ang maliit na sala ng kwarto ay agad mong kinuha ang cellphone mo at nagtext kay Taejun na magkita kayo. Nakapagdesisyon ka na. Hindi mo na kayang lokohin ang sarili mo. Mahal mo pa talaga si bulol.

Nang magreply sya ay kinuha mo na ang maliit mong bag at tinext sakanya kung san kayo magkikita. Nakita mo naman si Sehun na prenteng nakaupo sa sofa at nanonood ng tv. Oo nga pala, marunong na sya mag-Filipino. Saan naman kaya sya natuto nun?

"Saan ka na naman pupunta?!!" Nagdududang tanong nya sayo. Napamaang ka naman.

"Hindi kita iiwan dito okay?! Aalis lang ako saglit babalik ako agad! Hwag na hwag kang magkakamaling ipost yang picture natin sa IG!"

Dali dali ka namang umalis at sumakay na.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating ka na rin sa tagpuan nyo ni Taejun. Nakita mo syang nakaupo habang nagihintay. Kinawayan mo sya at kumaway naman sya pabalik.

"Oppa"

"Upo ka" Tumalima ka naman.

"Tungkol to kay Sehun diba?" Walang paligoy-ligoy na tanong nya. Napaiwas ka naman ng tingin at tumango.

"Oppa-"

"It's okay. I understand" Muli mo syang tiningnan. "Alam kong nung una pa lang ay sya na talaga ang mahal mo."

"Sorry" Yan lang ang nasabi mo.

"Wala kang dapat na ihingi ng tawad. Naiintindihan ko naman. Buti na lang at hindi pa ganun kalalim ang nararamdaman ko sayo kung hindi aagawin talaga kita kay Sehun" Pareho kayong natawa sa sinabi nya.

"Salamat sa lahat ng tulong mo Oppa"

"Walang anuman. So friends?" Nakangiting tanong nya habang nakabukas ang mga braso. Agad ka namang tumakbo papunta sakanya at niyakap sya.

Napapitlag kayong dalawa nang biglang magring ng sunod-sunod yung cellphone mo. Natatawang binitiwan ka ni Taejun.

"Possessive bastard" Nakangising saad nya. Kinuha mo ang cellphone mo at nagmake-face nang makita ang pangalan ni Sehun.

97 missed calls.

88 messages. Sa totoo lang kanina pa tunog ng tunog ang phone mo. Puro missed calls at messages na galing kay, sino pa ba, eh di si Sehun. Bahala sya dyan! Sabing babalik din agad eh. Binuksan mo ang iba sa mga message.

'Damnit, Aegi! Answer your phone or else!'

'WHAT THE HELL AEGI! NASAN KA?! SINONG KASAMA MO?! PAPATAYIN KO ANG KUNG SINO MANG KASAMA MO! UMUWI KA NA! NGAYON NA!'

'Where the hell are you?! Sabi mo saglit ka lang! BUMALIK KA NA DITO!'

"Mukhang kailangan mo nang umalis." Napairap ka naman na syang ikinatawa nya.

"Hayaan mo sya saka as if namang hinahanap ako nun"

"Can I hug you for the last time?" Tanong nya. Tumango ka naman. Hindi na sya nagdalawang isip na lumapit at muli kang niyakap.

OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon