Chapter Twenty

16.7K 590 105
                                    

Note:

Busy-busyhan po ako ngayon kaya late ang update hahaha. Vote and Comment chingus!

-Jihwanxxi

--

Maayos kang nakatulog kagabi. Napanaginipan mo yung mga masasayang alaala mo nung fangirl ka pa lang at napagtanto mong miss na miss mo na silang lahat lalo na yung mga kaibigan mong kapwa mo fangirl.

Bumaba ka sa kusina ang nakita mong paubos na ang stock nyo sa ref kaya naman umakyat ka sa kwarto ni Sehun para ayain siyang mag grocery.

Naabutan mo naman siyang nagsesearch sa Naver ng kung ano-ano.

"Oppa!!~" Masayang tawag mo sa kanya.

"Ikaw na naman? Umalis ka nga. Psh." Sabi na nga ba at yan na naman ang isasagot nya sayo. Hindi na nakapagtataka.

"Ubos na ang pagkain sa baba. Gusto mo ba akong samahan bumili?"

"Ayoko. Bumili ka mag-isa mo."

"Sige na oh?"

"Ayoko sabi. Leave. Me. Alone." Ni hindi ka man lang nya tinapunan ng tingin.

"Sige na?" Pamimilit mo pa rin at sumiksik sa tabi nya. Bigla naman siyang nairita kaya umusog siya palayo.

"Alis na sabi eh! ALIS!" Sigaw nya sayo pero hindi ka nagpatinag.

"Samahan mo na ko please? Ayoko mag-isa."

"Tantanan mo ko sabi eh!"

"Gusto ko lang namang makasama ka"

"Pwede ba? Wala akong oras makipag-usap sayo kaya umalis ka na"

"Kahit naman may oras ka ayaw mo pa rin akong kausapin eh" May bahid ng pagtatampo at hinanakit sa boses mo.

"Pwes wala akong pakialam kaya lubayan mo ako" Madiing sabi nya kaya laglag ang balikat na tinalikuran mo siya. Bumuntong hininga ka na lang at iniwan siyang mag-isa pero hindi sinasadyang napatid ka sa wire ng charger nya kaya nahulog ang laptop nya.

"WHAT THE HELL! ANO BA?! WALA KA NA BA TALAGANG MAGAWANG TAMA?! KASALANAN MO LAHAT NG TO!. KUNG SANA HINDI KA DUMATING SA BUHAY KO HINDI AKO NAGKAKAGANITO! BASURA KA LANG SA PANINGIN KO AT KAHIT ANONG GAWIN MO, HINDI KITA TATANGGAPIN KAYA UMALIS KA NA SA HARAP KO AT PATI NA RIN SA BUHAY KO!!"

Hindi ka nakapagsalita sa sinabi ni Sehun. Masyado kang nagulat at nababara na rin ang lalamunan mo dahil sa paghikbi mo.

Hindi mo naman sinasadyang mapatid eh. At hindi mo rin naman alam na ipapakasal sya sayo. Naiinis ka. Naiinis ka hindi sakanya kundi sa sarili mo. Sana pinakinggan mo na lang yung utak mo at hindi ka na lang pumayag na pakasalan sya. Tama naman si Sehun eh. Kasalanan mo lahat ng to kasi kung hindi mo pinairal ang pagiging obsessed fangirl mo at inisip mo muna ang kahihinatnan ng mga tao sa paligid mo ay hindi sana mangyayari to.

"MASYADO KANG MAKASARILI! NI HINDI MO MAN LANG INISIP NA TAO RIN AKO. BAKIT?! PORKE BA IDOL AKO AY WALA NA RIN AKONG KARAPATAN MAGMAHAL?! YAN KASI ANG PROBLEMA NYONG MGA FANGIRL EH. GUSTO NYO KAYO NA LANG PALAGI ANG PRIORITY. GUSTO NYO KAYO LANG ANG PWEDENG MAHALIN. HINDI NYO MAN LANG INIISIP NA MAY SARILI DIN KAMING DESISYON!"

Walang imik na pinagmamasdan mo lang ang galit na si Sehun. Hindi ka makapagsalita. Tama naman kasi siya. Siguro makasarili ka nga. Nasobrahan ka na ata sa paghahangad na magkakatotoo ang mga fairytales at fanfictions na nababasa mo sa Wattpad noon. Pero alam mo naman na kahit hindi hinihingi ni Sehun ang pagmamahal at atensyon mo, sapat bang dahilan yun para tratuhin ka nya ng ganito? Hindi mo naman hiniling sakanyang mahalin ka rin nya. Lahat naman tinitiis mo para sakanya. Kulang pa ba?

"So-sorry Oppa. Aalis na ako" Dali-daling sabi mo at tumakbo palabas ng bahay. Hindi mo alam kung san ka pupunta pero patuloy ka lang sa pagtakbo hanggang sa mapagod ka na at umupo sa isang bench. Napagtanto mong sa isang parke ka dinala ng mga paa mo. Ibinaon mo ang mukha mo sa mga tuhod mo at patuloy na humikbi. Hindi mo na inalintana ang mga taong napapadaan at tinitingnan ka ng nagtataka.

Ang sakit sakit na. Masama bang mahalin siya? Hindi mo naman sinasadyang mahulog sakanya. Pagkakataon lang naman ang gusto mong makuha sakanya pero hindi pa rin nya kayang ibigay. Masama bang maghangad na kahit konting parte ng puso nya mabigyan ka nya? Sana hindi mo na lang siya nakilala. Sana hindi ka na lang naging kpop fan. Sana nakuntento ka na lang sa kung anong klaseng buhay meron ka noon dahil ngayon, hindi mo na alam kung anong gagawin mo. At hindi mo maikakailang ang sakit na. Sobrang sakit na.

"Umiiyak ka na naman" Napatigil ka sa pag-iyak nang makita si Kris na nasa harap mo.

"Sinaktan ka na naman ni maknae" Sabi nya habang inaabutan ka ng panyo. Tinanggap mo iyon at pinunasan ang mga luha mo. Umupo naman siya sa tabi mo.

"Bakit Kris? Hindi ko naman sinabing mahalin nya ako, bakit nya ako ginaganito?"

"Siguro kasi hindi nya lang matanggap na kasal na siya. Bata pa si Sehun pero mas bata ka sa kanya. Siguro kaya siya nagkakaganyan ay dahil hindi nya pa alam kung pano humawak ng responsibilidad. Marahil ay naguguluhan din sya sa mga nangyayari sakanya ngayon. Mahal na mahal nya ang fandom at nangako sya na hinding-hindi nya kayo bibiguin. Kaya siguro sya ganyan ay dahil alam nyang binigo nya ang fandom sa sikretong pagpapakasal nya. Ayaw na nyang maulit ang nangyari kay Baekhyun noon. Pero hindi naman kita sinisisi dahil alam kong naiiipit ka rin lang sa sitwasyon. Kaya mo pa bang maghintay?" Bigla kang naguilty sa mga sinabi ni Kris sayo. Nangako nga noon si Sehun sa buong fandom at dahil sa mali mong desisyon, napilitan syang biguin ang pangako nya.

"H-hindi ko alam" Sa totoo lang ay hindi mo alam kung anong nararamdaman mo. Gusto mo nang sumuko pero nanghihinayang kang bumitaw. Kapag kasi naiisip mo ang mga hirap na pinagdaanan mo makapunta lang ng Korea, lahat ng ipon mo, yung dugo at pawis na ibinigay mo sa pag-aaral mo, at yung pagpupursigi mong makakuha ng slot para maging exchange student dito. Kapag naiisip mo ang lahat ng iyon ay nanghihinayang kang itapon na lang ang lahat ng pinaghirapan mo. Tutal nasimulan mo na lang naman ito, siguro kailangan mo na lang tapusin ito. Hindi man maganda ang kalabasan nito, kailangan mo yung tanggapin. Masyado nang malaki ang atraso mo kay Sehun at kailangan mong pagbayaran yun.

"Wag kang susuko kay Sehun hanggat kaya mo pa. Ramdam ko namang may nararamdaman din siya para sayo. Napatunayan na natin yan noon diba?"

"Pero hindi sapat yun. Hindi na ako umaasang mamahalin din nya ako duizhang. Matagal ko nang tanggap yun. Gusto ko lang na mapalapit sa kanya kahit bilang EXO-L na lang." Nginitian ka lang nya at ginulo ang buhok mo. Umilag ka naman. Hinampas mo siya pero tumawa lang siya. Ayaw mo kasing ginugulo ang buhok mo. Hindi ka kasi mahilig magsuklay dahil masyadong makapal ang buhok mo at mahaba na rin.

"Ganyan talaga si Sehun. Natatakot siyang ipakita kung ano talaga ang nararamdaman nya. Katulad nung pag-alis namin ni Luhan noon. Pero sana, wag mo siyang iwan. Dahil baka hindi na talaga nya kayanin ngayon. Pero kung hindi mo na talaga kaya, sige. Hahayaan kita. Darating din yung taong magpapalimot sayo ng mga bagay na tungkol sakanya. Maghintay ka lang. Pero hanggat kaya mo pa, wag ka munang bibitaw sakanya." Natigilan ka sa sinabi ni Kris at bahagyang naguluhan. Teka, nalaglag ata yung brain cells mo sa bahay nyo ni Sehun kaya hindi mo makuha ang pinupunto nya pero bago ka pa man makapagsalita para tanungin sya kung anong ibig nyang sabihin,

Naglakad na siya palayo habang naiwan ka namang naguguluhan at natutulala.

Ano ba kasing ibig nyang sabihin??

OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon