Epilogue

22.2K 799 501
                                    

Final Author's Note:

Thank you so much for being with me through this journey. See you in the next installment- Never An Option (Chanyeol). I already posted the prologue. :) Check it out on my profile or click the external link.

-Jihwanxxi

--

SEHUN

Siguro kaya hindi minamahal ng mga idol ang kanilang mga fangirl sa paraang gusto nila ay dahil sa katotohanang hindi lang sila ang idol na mahal nila. Oo, maraming nagsasabi saking mahal nila ako pero alam ko ring mahal din nila ang ibang idol na katulad ko. Kaya nung sinabi ng asawa kong mahal nya ako, hindi ako naniwala. Bakit naman ako maniniwala? Pare-pareho lang naman sila.


Sasabihing mahal ka nila pero pag nakakita ng bagong idol group, papalitan ka na.


Nadistract ako sa pagmomonologue nang makita ko syang lumabas mula sa condo ko.


"Akala ko di ka na lalab--what the hell are you wearing?!!" Halos pumutok ang ugat ko sa leeg nang makita syang nakashort-shorts at strapless blouse. Sinimangutan ko sya.


"Ugh, shorts?" Tinaasan ko sya ng kilay.


"Pupunta ka ng Korea na ganyan ang suot mo?" Ngayon ang balik namin sa Korea. Susunduin lang namin ang mga magulang ko para sa kasal namin dito sa Pilipinas.


"Bakit hindi? Eh diba gusto nyo ng mga babaeng nagpapakita ng legs?" Tiningnan ko sya ng masama.


"Ako lang ang may karapatang makakita nyan" Asik ko sakanya. Pinikit ko ang mga mata ko at inihilamos ang kamay ko sa mukha ko. "Magpapalit ka o dito na lang tayo maghohoneymoon?" Agad nanlaki ang mga mata nya at kumaripas pabalik sa loob. Paglabas nya ay nakasuot na sya ng jeans at peter pan collared shirt. Inakbayan ko sya at hinalikan sa buhok.


"Good girl"

--

"Aegi" Ginagap ko ang kamay nya habang nagddrive ako papuntang airport. Kinakalikot nya ang stereo nang biglang tumunog ang Promise. Naalala ko ang unang beses na nakilala ko sya.


"Siya. Siya ang babaeng papakasalan mo"

"Ano?!"

Hindi ako nakagalaw sa sobrang gulat. Bakit kailangan kong magpakasal sa isang di ko kakilala?Pumasok agad sa isip ko na binayaran nya ang mga tao sa paligid ko para pakasalan ako. Nangako ako sa sarili kong gagawin ko ang lahat para mahirapan sya para sya na rin ang kusang bumitaw.


Kinumbinsi ko ang sarili ko na dapat lang sakanya ang mga paghihirap na binibigay ko. That she deserves it for ruining my life. Sa sobrang pangungumbinsi ko sa sarili ko, di ko namalayang nahuhulog na rin ako.


"Oppa aalis muna ako at makikipagdate sa sarili ko"

Hindi nya alam pero sinundan ko sya ng araw na yun. Madali ko yung nagawa kasi nilagyan ko ng tracker ang singsing nya. Hindi dahil wala akong tiwala sakanya kundi dahil napapraning ako kapag nawawala sya sa paningin ko. Kaya naman labis ang inis ko nang makita syang kasama ni Kris hyung. Akala ko ba mag-isa lang sya? Bakit sila magkasama?

OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon