Chapter Twenty Three

17.2K 579 37
                                    

Note:

Malapit ko nang matapos ang OSHW HAHAHA. Sml. Vote and comment chingus!

-Jihwanxxi

--

Ikalawang araw mo na ito sa dorm ng EXO. Hindi ka pa rin umuuwi sa bahay nyo ni Sehun. Sabagay ayaw ka rin naman nyang makita dun. Hindi mo alam kung alam nyang nandito ka kasi hindi ka naman nagpaalam sa kanya. Isa pa, mukhang wala naman siyang pakialam kaya hindi ka na nag-abalang sabihin sakanya kung nasan ka.

"Hindi ka pa ba uuwi? Hinahanap ka na ni maknae" Nag-aalalang sabi ni DO sayo. Siya lang ang tao ngayon dahil may kanya-kanyang project ngayon ang EXO, syempre kasama si Sehun dun.

Hindi mo pinakita sa kanyang nagulat ka sa sinabi nya. Panigurado kasi magtatanong siya at baka malaman pa nya ang totoong estado nyo ni Sehun. Tama nang si Kris lang ang nakakaalam. Nung nagtanong sila kung bakit ka nandito ay sinabi mo na lang na may konting tampuhan kayo ni Sehun kaya hindi na sila nagtanong.

"Dito na lang muna siguro ako Oppa" Sabi mo sakanya.

"Naku, ubos na pala yung stock namin sa ref. Kailangan ko nang mag-grocery. Gusto mo bang sumama? Ayaw ko naman kasing iwan ka dito mag-isa, baka mapano ka pa" Alok nya sayo.

"Dito na lang muna siguro ako Oppa. Hihintayin kita"

"Sige, aalis na muna ako. I-lock mo yung pinto ha?" Paalala nya bago tuluyang umalis. Sanay ka namang mag-isa kaya wala namang problema kung mag-isa ka dito. Manonood ka na lang ng bagong drama ni Lee Jong Suk.

Maya-maya pa ay nakaramdam ka ng gutom kaya naman pumunta ka sa kusina para tingnan kung may pagkain pa bang iniwan sayo si DO.

Papunta ka na sa ref nang hindi sinasadyang masagi mo ang kutsilyo sa lababo kaya naman bumagsak ito sa sahig at tinamaan ang paa mo. Napadaing ka sa sakit. Ang tulis pa naman nun kaya dumugo ng sobra ang paa mo.

Ito ang unang beses na nagkasugat ka sa paa kaya naman hindi mo alam na sobra pala kung dumugo ang sugat dito. Naghanap ka ng first-aid kit sa mga drawer nila pero wala kang nahanap. Hindi ka naman pwedeng lumabas dahil masyadong malayo ang supermarket dito at wala kang pwedeng bilhan. Isa pa, masyadong mataas ang dorm ng EXO at hindi mo kakayaning bumaba at hindi mo rin naman pwedeng iwan ang dorm nila.

Iika-ikang pumunta ka sa kwarto nina Tao para maghanap dahil iyon ang pinakamalapit pero masyadong magulo ang kwarto nila at masakit na talaga ang paa mo. Nilibot mo na rin ang dorm nila para maghanap pero wala ka pa ring mahanap kahit band-aid man lang.

Saang lupalop ba nila nilalagay ang first-aid nila?? Inis na wika mo.

Tiningnan mo ang buong silid at nagkalat ang dugo mo sa sahig. Kung titingnan ito ay parang may patayang naganap dahil mukhang may namassacre sa loob sa sobrang dami ng dugo.

Mamaya mo na lang siguro ito lilinisan pag nagamot mo na ang sugat mo. Pumunta ka sa banyo ng kwarto ni Sehun at nilinisan ito.

Bigla kang kinabahan nang may kumalabog sa labas.

May magnanakaw ba??

Dahan-dahan kang lumabas at kinuha ang baseball bat sa gilid ng ng kwarto ni Sehun. Bigla namang bumukas ang pinto at hahampasin mo na sana ito pero natigil sa ere ang hawak mo nang makita kung sino ito.

"Sehun-Oppa?"

Hindi ka pa nakakarecover sa sobrang gulat nang bigla ka nyang niyakap at pinaupo sa kama.

"Akala ko may nangyari na sayo. Tinawagan ako ni DO hyung na mag-isa ka lang dito tapos pagkapasok ko dugo agad ang naabutan ko. Akala ko talaga may nangyari nang masama. Kinabahan ako" Sunod-sunod na sabi nya habang iginagaya ka sa kama. Pinaupo ka nya sa gilid at kinuha ang first aid kit sa ilalim nito.

OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon