Chapter Fifty Nine

13.9K 600 182
                                    

Note:

I was meant to break hearts hahahaha. Anyway, the clouds will soon dissipate. The sun will come out sooner than you think. Vote and Comment!~

-Jihwanxxi

--

Napaawang ang bibig mo dahil sa mga katagang binitiwan ni Sehun at napailing. Hindi mo ugaling balikan pa ang nakaraan. Hindi ikaw yung tipo ng tao na ipagsisiksikan ang sarili sa mga taong ayaw naman sayo.


"Ano ba talagang gusto mong mangyari Sehun?" Lumayo sya sayo at napasabunot sa buhok.


"Aegi naman, di ka pa ba pagod?" Naiinis nyang sigaw.


Sa'yo, pagod na ako sa'yo - yan ang gusto mong sabihin sakanya pero hindi ka na nagsalita.



"Gusto mong hayaan kita dito? Mas gusto mo dito kaysa doon?" Parang batang tanong niya. "Sasaktan ka rin nila dito!"


"Hindi nila ako sasaktan kung hindi nila malalaman. Saka sinasaktan mo rin naman ako. Mas kaya kong tiisin ang pananakit ng ibang tao sa akin kaysa sa'yo."


Bigla siyang tumalikod. Napabuntong hininga ka na lang.


"Aegi" Muli nyang tawag sayo. Biglang lumukso ang puso mo. Pinagmasdan mo ang mga mata nya. Maitim pa rin iyon pero wala na ang galit at talim.


"Aegi, nandito na ako." Mariin ang bawat katagang binitiwan niya. Napasinghap ka. Nanginginig ang buong katawan mo. Isang tingin mo lang ay alam mong baliktad na ang sitwasyon. Siya na ngayon ang humahabol at ikaw naman ang hinahabol.


Pakiramdam mo ibang Sehun ang kaharap mo ngayon, something in him was missing. Walang laman ang mga mata nya. Nanatili lamang syang nakatitig sayo. Nakakaramdam ka ng awa sakanya, pero di mo pa kaya.


"Aegi, nandito na ako." Muling ulit niya. Sinubukan ka nyang lapitan pero umatras ka.


Hindi mo alam pero kusang nagbagsakan ang mga luha mo. Nanginginig na rin ang mga tuhod mo.


"Ayoko na, Sehun." Nanginginig ang mga labing wika mo sa kanya. Masakit pa rin. Dama mo pa rin ang bawat latay ng mga salita niya. Patuloy pa ring dumadagsa sayo ang mga malagim na alaala nung kasama mo sya.


"Aegi."Muli syang humakbang palapit sayo at hinawakan ang braso mo. "Aegi, please."


"Sehun, wag muna." Naiiyak na sabi mo. Namasa na rin ang mata nya kaya agad kang nag-iwas ng tingin.


Marahan mong inalis ang pagkakahawak nya sayo at umiling na lamang. Mabilis mo siyang nilagpasan. Bakit ganoon? Kung kailan gusto mo nang bumitaw sya naman yung kakapit.


Hindi mo sigurado kung anong ibig sabihin ng mga salitang binitiwan niya. Ayaw mo munang isipin. Masyadong pang magulo ang sitwasyon pero naramdaman mo ang biglaang paghatak ni Sehun sayo. Pinulupot nya ang mga braso nya sayo at niyakap ka ng mahigpit - dama mo sa leeg mo ang mainit niyang hininga.

OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon