Chapter Sixty Two

13.9K 586 157
                                    

Note:

Follow me on my twitter account-jihwanxxi. Kagagawa ko lang nyan last week. Taong bundok kasi talaga ako. Hahaha. Vote and comment chingus!~ Kamsahamnida!

-Jihwanxxi

--

Hindi mo alam kung sinasadya ba ni Sehun o hindi dahil masyado siyang magalaw na parang kiti-kiti sa kinauupuan nya. Paminsan-minsa'y nasasagi nya pa ang braso mo at hindi mo maikakaila na nakukuryente ka kapag tumatama ang braso nya sa braso mo.


Bakit ba ang tagal ng byaheng to?


"Aegi"


"Wag mo kong tawaging Aegi!" Asik mo sakanya pero di ka nya pinansin.


Napalingon ka sakanya at halos maduling ka sa lapit ng mukha nyo sa isa't-isa. Too close for comfort.


Tinitigan ka nya ng diretso sa mga mata. Napansin mo ang mahaba nyang pilik mata. Pababa sa matangos nyang ilong at sa mapupula nyang labi. Damn those lips.


Bumalik sa alaala mo ang lahat ng nangyari sainyo. Naramdaman mong unti-unting lumiliit ang distansya ng mukha nyong dalawa. Para kang tuod na natulos sa kinauupuan mo. Pinapakiramdaman mo lang ang susunod nyang gagawin.


Ipipikit mo na sana ang mga mata mo nang rumagasa bigla ang mga alaalang gusto mo nang kalimutan.


TANG INA, WALA AKONG PAKIALAM SA KANYA KAYA PWEDE BA WAG MO AKONG KONSENSYAHIN NA PARA BANG HINDI MO AKO GINAGAMIT!

WALA NGA SABI AKONG PAKIALAM! BINGI KA BA?! HINDI SYA IMPORTANTE SAKIN, PAMPALIPAS LANG SYA DAHIL HINDI SIYA MAHALAGA!

HINDI MO BA AKO NAIINTINDIHAN?! WALANG KWENTA SA PANINGIN KO ANG ASAWA KO! SA PAPEL LANG KAMI MAG-ASAWA! HINDI KO SIYA MAHAL! SHE'S JUST A FANGIRL! ISA LANG SYANG WALANG KWENTANG FANGIRL NA SUNOD NG SUNOD SAKIN! BAKIT KA BA TANONG NG TANONG TUNGKOL SA KANYA?!

She's just a fan.


Para kang binuhusan ng malamig na tubig.


"Hajima" [Don't] Sabi mo sa maliit na boses. Halos bulong.


Napahinto siya sa paglapit sayo. Bumuntong hininga ka at umiwas ng tingin sakanya. Siniksik mo ang sarili mo sa bintana at piniling tumahimik na lang.


"May nararamdaman ka pa para sakin." Mariin nyang bulong sa siguradong tinig. No, it wasn't a question. It was a statement.


"Wala na akong espesyal na nararamdaman para sayo. Di na kita mahal. Bias na lang ulit ang tingin ko sayo" Balewalang sabi mo.


Biglang dumilim ang mukha nya at napatiim-bagang.


"Manahimik ka nga! Kahit ulit-ulitin mo yan di ako maniniwala sayo. At san ka naman nakakita ng fan na di mahal ang bias niya?" Nagulat ka sa bigla nyang pagsigaw at tuluyan kang napanganga ka sinabi nya.

OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon