Chapter Fifty One

15.6K 653 217
                                    

Note:

Kinabahan ako ng sobra nang iclick ko to para iupdate at ang sabi sakin ng Wattpad ay Story Not Found. Imagine my relief nang ireload ko. Anyway, hell week na naman. Can I ask for your prayers na sana makapasa ako sa history? HAHAHA. But seriously, hindi ko alam kung paano ko imememorize ang 7 chapters na hindi tinuro. Vote and comment chingus! Kamsahamnida!~

-Jihwanxxi

SEHUN

Pagkarinig ko ng mga katagang yun ay para akong naubusan ng lakas.


Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko hanggang sa bigla ko na lang maramdaman ang kamao ni Kris hyung na dumapo sa pisngi ko. Natumba ako pero hindi ako gumanti. I deserved it anyway.


"Uupo ka na lang ba diyan?! Wala ka ba talagang pakialam sa asawa mo?!" Galit niyang saad. Para akong binuhusan ng mainit na tubig at agad akong napatayo.


"Salamat hyung" Sabi ko at kumaripas ng takbo pabalik sa kotse ko.


Halos paliparin ko na ang kotse ko habang nagdadrive pauwi. Swerte ko na lang at hindi ako naaksidente.


Kinuha ko ang iphone ko para tawagan sya. Nanlalamig ako at nagwawala ang dibdib ko.


No.. No.. Hindi.. Hindi nya ako iiwan.


"The number you have dialed cannot be reached. Please try again later"


"Shibal!"[Fuck!] Sigaw ko sabay tapon sa backseat ng cellphone ko.


Hindi. Nagsisinungaling lang si Kris-hyung. Hindi nya talaga ako iniwan. Hinihintay nya ako sa bahay.


Pilit kong inisip na nandun pa rin sya sa bahay namin dahil iniisip ko pa lang na wala na sya at iniwan na nya ako ay parang mababaliw na ako.


Sinaklot ako ng kaba nang marating ko na ang pintuan ng bahay namin. Nanginginig na kinuha ko ang susi at binuksan ang pintuan. Dumoble ang lakas ng tibok ng puso ko nang makitang nakapatay ang ilaw at walang bakas ng buhay sa loob ng bahay. Napailing na lang ako sa mga iniisip ko.


Kalma, Sehun. Baka natutulog lang yung asawa mo.


"Aegi?" Sinubukan ko siyang tawagin pero walang sumasagot. Hindi ko alam kung bakit sobrang lakas ng tibok ng puso ko at kinakabahan ako.


Natataranta akong pumanhik pataas ng kwarto niya. Huminga muna ako ng malalim at nagdasal na sana pagbukas ko ng pintuan ay naroon siya sa kama nya at mahimbing na natutulog.


Aegi naman eh.


Unti-unti kong binuksan ang pinto at bumagsak ang balikat ko nang makitang walang tao. Agad nagpanic ang utak ko at mabilis pa sa alas kwatrong binuksan ko ang ilaw at tinungo ang walk-in closet nya.


Nanlumo ako at pakiramdam ko naubos lahat ng kulay sa mukha ko nang makitang wala na rin itong laman.

OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon