Chapter Sixteen

15.8K 581 59
                                    

Note:

As promised, 2 chapters for today. Pag-iisipan ko pa kung lalagyan ko ng BS o hindi. Hahahaha.

-Jihwanxxi

--

6:45 am.

Tinatamad na bumangon ka at bumaba sa kusina nyo. Nakauwi na kayo ni Sehun. Bumalik na naman siya sa dati. Wala na namang siyang pakialam sayo at pakiramdam mo back to zero na naman kayo.

Habang nagluluto ka ay naisip mo lahat ng nakaya at natutunan mong gawin para kay Sehun. Dati hindi ka marunong magluto pero ngayon, marami ka ng alam. Pinagtiyagaan mo talagang matuto sa youtube at sa mga recipe books. Mas naging responsable ka na rin sa mga kilos mo di tulad nung fangirl ka pa lang at okay lang na halikan mo yung mga poster nya sa pader. Ngayon

hindi mo na yun pwedeng gawin, dahil bukod sa dapat maging mature ka na, nakakahiya kung mahuhuli ka nyang pinagpapantasyahan siya.

Naligo ka na rin at nagbihis tulad ng dati mong ginagawa.

Kumatok ka sa kwarto ni Sehun kahit alam mo namang tulog pa siya. Dumiretso ka sa walk in closet nya at ikinuha siya ng mga damit na isusuot nya.

Katulad ng dati ay madumi pa rin ang kwarto ni Sehun. Nagkalat ang mga damit nya sa sahig at isa-isa mo itong pinulot.

Nilinisan mo na rin ang kwarto nya.

Pagkatapos mong maglinis sa kwarto nya ay naghugas ka naman ng mga pinggan. Hindi ka masyadong hiyang sa dishwashing liquid ng Korea kaya nagkakasugat-sugat ka pag minsan pero syempre kailangan mo itong tiisin para kay Sehun. Kahit alam mong wala naman siyang pakialam.

Pagkatapos mong malinisan ang buong bahay ay umakyat ka ulit sa kwarto nya para gisingin siya. Alam mong magagalit siya pag ginising mo siya. Ayaw kasi nyang iniistorbo sa pagtulog pero sanay ka na rin naman.

"Oppa, gising na. May practice ka pa" Mahinang niyugyog mo siya at gumalaw naman siya patalikod sayo.

"Umalis ka na" Yan ang sagot nya sayo.

"Gising na Oppa, baka lumamig yung niluto ko" Pangungumbinsi mo pa rin sakanya.

"Sige na! Sige na! Umalis ka lang pwede ba?!" Sigaw nya sayo at husky pa rin ang boses nya.

"Baba ka na ha? Saranghae!" Sigaw mo rin at tumakbo palabas ng kwarto.

"Tch"

Pagkatapos ng ilang segundo ay bumaba na rin si Sehun. Padabog na umupo siya sa harap mo at pilit na kumain.

Oo pilit, halata naman kasi. Ito pa lang ang pangalawang beses na kinain nya ang niluto mo. Ang una kasi ay nung akala nya

ibibigay mo raw ito sa lalaki mo na hindi mo alam kung sino.

Sabay kayong kumakain at sobrang katahimikan ang nakapaligid. Mabuti nga at di nya naisipang paalisin ka na naman katulad ng ginawa nya noon.

"Uhm, pwede mo ba akong samahan sa party ni Hae Jin?" Pagbabasag mo sa katahimikan. Si Hae Jin ay kaklase mo at alam nya ang tungkol sainyo ni Sehun. Ayos lang naman na ayain mo siya dahil exclusive naman yung party dahil mayaman sila. Wala kang kasama kaya nagbabakasakali kang samahan ni Sehun.

"At bakit ko naman gagawin yun? Ano ba kita? Sino ka ba para samahan ko?"

Asawa mo lang naman ako. Gusto mong sabihin yan sakanya. Ayan na naman siya. Asawa mo nga siya pero kahit kailan hindi pa nya binanggit na mag-asawa kayo. Palaging may kasunod na 'sa papel lang' kung sasabihin naman nya ito.

"Nagbabakasakali lang naman ako Oppa"

Ibinaba mo na lang ang tingin mo. Umalis naman agad si Sehun pagkatapos nyang kumain.

--

Alas Otso na ng gabi nang makauwi ka sa bahay nyo ni Sehun. Nag-extend kasi yung prof mo dahil hindi siya nakapasok nung isang araw. Dumaan ka na rin sa paboritong restaurant ni Sehun at bumili ng makakain. Kung sakaling hindi pa nga siya

kumakain kahit imposible dahil palagi naman siyang dinadalhan ni DO.

"Good Evening Oppa!" Bati mo sakanya pagkapasok mo ng bahay. Naabutan mo kasi siyang nanonood ng tv.

Agad naman siyang tumayo at pinatay ang tv pagkakita sayo.

"Hindi ka ba kakain? May dala ako para sayo"

"Nawalan na ako ng gana pagkakita sayo. Dumating ka pa kasi" Malamig nyang sagot.

"S-sige. Ako na lang ang kakain nito" Mahina mong sabi at dumiretso na sa kusina para ihanda ang binili mo. Ayaw mo namang magmukmok dahil sa mga sinabi nya. Nakakagutom yun!

"At pagkatapos mong kumain linisin mo ang kalat mo. Wag kang pupunta sa kwarto ko dahil ayokong makita yang pagmumukha mo"

Naramdaman mo ang pagtuyo ng lalamunan mo sa pagpipigil ng luha. Kahit naman masasakit ang mga salita ni Sehun ay hindi ka pa rin naman umiiyak sa harap nya. You will never give him the satisfaction. Yun na lang ang natitira sayo

Kailangan mong ipakita sakanya na kaya mo pa, kahit alam mo sa sarili mo na konti na lang ay bibigay ka na.


OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon