Chapter Thirty

15.9K 595 72
                                    

Note:

Happy Birthday ZiTao!~ Stay happy and healthy. We love you.

Vote and comment chingus!~

-Jihwanxxi

-

"Waaahh!! Nooo!!! Kriiiiss!!!" Mangiyak ngiyak ka na umiinom ka ng Bubble Tea ngayon. Ganyan talaga ang ginagawa mo kapag stressed, kumakain.


Umalis kanina ang ibang miyembro ng EXO pwera na lang kina Kris at Suho para sa magiging role nila sa We Got Married. Ayaw pa ngang umalis ni Sehun pero kinaladkad na siya palabas ni Manager Hyung. Kaya heto ka ngayon, nagdadrama sa harap ni Kris dahil bumili ulit ng makakain si Suho. Naubos mo na kasi kanina dahil sa sobrang pagdadrama.


Makita ko pa nga lang na may kasamang babae sa picture si Sehun gusto ko nang basagin yung screen ng laptop tapos We Got Married?! Nagdadabog na sabi mo sa utak mo habang nilalantakan ang pizza na natira.


Rumor pa nga lang na nagdedate ang kahit sino sa EXO nagwawala na ang puso mo, pano pa kaya kapag yung ultimate bias mo na?? Kaya hindi mo rin masisisi ang mga fans na umaalis ng fandom eh. Masyado na kasi silang nasaktan at hindi na nila kaya yung sakit kaya imbes na mas lalo silang masaktan sa mga pwedeng mangyari, mas pinili na lang nilang umalis. It's not immaturity, it's what you call self respect. May sarili ding buhay ang mga fans, at siguro kaya nila nakayang umalis ay dahil hindi nila nakakalimutan ang katotohanang hindi mapapasakanila ang bias nila. Tanggap mo na rin dapat yun ngayon eh, kung hindi ka lang kasal kay Sehun.


Kaya paano mo magagawang talikuran ang fandom kung hindi lang basta fangirling ang nagbibigkis sayo dito?


"Kanino bang kasalanan?" Natigil ka sa pagdadrama nang may biglang nagsalitang kapre sa harap mo.


"Akin. Di naman kita sinisisi. Huhuhu. Hindi ko kaya! Hindi ko kayang makitang makipag We Got Married si Se! Huhuhu"

"Eh di wag kang tumingin. Pumikit ka nalang." Nakairap na sabi nya sayo. Sinamaan mo naman siya ng tingin. Bwisit talaga tong lalaking to.


"Sino ba kasing nag-imbento ng bwisit na We Got Married na yan eh!" Hindi lang kasi simpleng selos ang nararamdaman mo. Bukod dun, mas nangingibabaw ang takot. Takot na baka maagaw si Sehun ng iba. At naiisip mo pa lang ang posibilidad na mainlove siya sa iba ay naiiyak ka na.


Kahit pa kasi sabihing reality show lang yan, kadalasang nagkakatuluyan ang mga sumusubok niyan. Ni hindi pa nga naaayos ang relasyon nyo ni Sehun eh. At isa pa, malabo pa rin sayo ang mga sinabi ni Sehun nung birthday mo. Wala pa ring kasiguraduhan kung ano ka nga ba sakanya. Baka yung pagkahulog nya sayo biglang maudlot dahil sa We Got Married na yan. Baka yung 'almost there' nya ay biglang mag U-turn at maging 'never there'.


-


Naglalakad ka pauwi habang nakabusangot pa rin. Hindi mo pa rin maalis sa isip mo ang WGM ni Sehun. Bakit ba kasi sa tuwing may nangyayari sainyong maganda ni Sehun ay bigla na lang na may mangyayari para maudlot ito.


Sino kayang magiging partner ni Se? Maganda kaya? Sinisipa sipa mo pa ang lata ng softdrinks na nakita mo sa kalsada.

OH SEHUN'S WIFEWhere stories live. Discover now