Chapter Sixty

16.4K 616 333
                                    

IMPORTANT NOTE:

I will not tolerate any form of plagiarism. If ever i found out that someone is plagiarizing my story, I will DISCONTINUE OSHW and privatize all the chapters. I am trying my best to give you the best Sehun fanfiction I could offer so please, respeto lang po. Please report to me if you encountered a story similar to this. Kung ayaw nyong matulad to sa OSC o sa Bedroom Negotiations, makisama kayo. Wag ako guys, wag ako.

Anyway di naman ako galit. This is just a reminder for all of you.

-Jihwanxxi

--

Isang linggo. Isang linggo mo nang hindi nakikita si Sehun. Siguro tinotoo na nya talaga yung sinabi mong layuan ka na nya. Dapat masaya ka na pero bakit may nararamdaman ka pa ring pangungulila?


Hindi mo na rin maintindihan ang sarili mo. Ikaw naman ang nagsabi sakanyang lumayo pero ikaw rin naman ang nasasaktan ngayon.

Ipinagkibit balikat mo na lamang ang mga nararamdaman mong hindi kaaya-aya at bumalik sa pagtatrabaho.

Maghapon mong inabala ang sarili mo sa kung ano-ano hanggang sa di mo namalayan ang oras. Napansin mo na lang na hapon na nang makita mo ang mga katrabaho mo na nag-aayos ng mga gamit nila. Tinapos mo na rin ang trabaho mo at niligpit ang mga gamit mo.

Naglalakad ka papunta sa sakayan nang maramdaman mong may nakatingin sayo. Tumigil ka sa paglalakad at lumingon sa likod mo. Wala kang ibang napansin kundi ang isang itim na kotse sa di kalayuan. Nagpatuloy kang muli sa paglalakad pero bigla na namang bumalik yung pakiramdam na may nagmamatyag. Kinuha mo ang salamin sa bag at pasimpleng tiningnan kung may sumusunod sayo at tumambol ng malakas ang puso mo nang makitang ang itim na kotse ang sumusunod sayo.

Inihanda mo na ang sarili mo sa pagtakbo pero bago ka pa makahakbang ay bigla na lang may nagtakip ng panyo sa ilong at bibig mo.

"Hmpph!" Sinubukan mong magpumiglas ngunit unti-unti ka nang nanghihina. Nanlalabo na rin ang paningin mo habang nauubusan ng supply ng oxygen.

"Sorry" Rinig mong sabi ng kung sino mang may hawak sayo bago dumilim ang lahat.

--

"Hyung buhay pa ba siya?" Naalimpungatan ka nang marinig ang mga SOBRANG pamilyar na boses na bumubulong na parang mga bata na nagkukuntsaba upang mangupit ng kendi.

"Uy hyung" Pangungulit nito ulit nang hindi sya pinansin ng kausap nya.

"Hyuuuuung!" Medyo malakas nang sabi nya at agad mong napagtantong kay Yixing ang boses na iyon.

"Shhh!"

"Hala pinatay nyo sya?! Patay tayo kay Sehun!" Pabulong na pasigaw ng isa ng isang pambatang boses na alam mo namang walang ibang may-ari kundi si Tao. Hindi mo na kailangang dumilat para malamang EXO ang kasama mo. Ang hindi mo lang alam ay kung bakit may pakidnap-kidnap pa silang nalalaman.

"Manahimik nga kayong dalawa dyan! Syempre buhay pa yan anong akala nyo sakin mamamatay tao?" Sita sa kanila ni DO na halatang naiinis na.

"Ay hindi ba? Diba ikaw si Satansoo?"

"Isa Baekhyun"

"Ahehe peace!" Salita pa rin sila ng salita na parang mga bubuyog na kung ano-ano ang sinasabi.

"Eh bakit hindi sya gumagalaw?" Rinig mong tanong ni Chanyeol sa likuran.

"Eh bakit ang ingay mo?" Pambabara naman sakanya ni Kris.

OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon