Chapter Nine

18.5K 661 141
                                    

Note:

Warning: Byuntae Alert. Hahaha. Dejoke.

-Jihwanxxi

--

"Bakit mo ako nagustuhan?"

Kasalukuyan kayong nasa isang coffee shop ni Sehun. Pagkatapos ng nakakawindang na pangyayari kanina ay naghintay ka pa ng limang minuto bago lumabas. Mahirap na baka mabuko ka pa.

Nakita mo syang nakaupo sa lobby ng hotel na pinuntahan nyo. Nabasa mo rin kanina na nasa Busan pala kayo. Ano kayang sadya nyo dito?


Nang makita mo sya ay bigla syang tumayo at hinigit ka papunta sa isang coffee shop na katabi lang ng hotel.

"Kumain muna tayo" Kaswal nyang sabi sayo at tumango ka na lang.

Hindi mo na namalayan ang mga napag-usapan nyo ni Sehun hanggang sa natagpuan mo na lang ang sarili mong sinasagot ang mga tanong nya.

"Hiindi ko rin alam oppa, basta nangyari na lang" Tumango sya sa naging sagot mo.

"Pano mo nakilala ang EXO?"

"Nung una, ikaw lang talaga ang kilala ko, tapos bigla akong pinasahan ng mga video nyo ng kaklase ko tapos sabay-sabay naming pinanood"

"Anong una mong napanood?' Kahit nagtataka ka sa mga inaasal ni Sehun ay pinili mo pa ring sagutin ang mga tanong nya.

"Yung Wolf Drama. Akala ko pa nga ikaw si Luhan-oppa" Natawa ka nang maalala mo yun. Sa unang tingin kasi ay magkakamukha silang lahat. Lalo na silang dalawa ni Luhan.

"Akala mo ako si Luhan-hyung?" Napatingin ka sakanya nang biglang nag-iba ang tono ng boses nya. Nakita mong nakakunot ang noo nya. Bigla kang nataranta at binawi ang sinabi mo. Hindi mo rin alam kung bakit ka natataranta pero may nagsasabi sayong dapat mong bawiin ang sinabi mo.

"Noon yun oppa, nung hindi ko pa kayo kilala. Pero syempre ngayon kilalang kilala ko na kayo. Mula sa tenga ni Chanyeol-oppa, sa kamay ni Baekhyun-oppa, at pati hanggang baba ni Kris-oppa"

"Pati parte ng katawan nila kabisado mo pero wala ka man lang na binanggit tungkol sa katawan ko?" Bigla kang namula sa sinabi nya. Lalong kumunot ang noo nya. Paano mo sasabihin sakanya na kabisado mo lahat ng parte ng katawan nya?

"ANO?! Hindi ka sasagot?!" Nagulat ka nang bigla syang sumigaw.

"Syempre kabisado ko lahat ng parte ng katawan mo mula sa mata, ilong, ngipin, baba, pati yang tyan mong mas flat pa ata sakin at pati bakat" Dire-diretso mong sabi dahil sa sobrang gulat at bigla kang napatakip sa bibig mo nang mapagtanto mo kung anong sinabi mo. Gusto mong magpalamon sa lupa sa sobrang kahihiyan lalo na nang makita mo ang malaking ngisi sa mukha ng asawa mo.

"Pati bakat pala ha??" Nakangisi nyang sabi na mas lalong nagpapula sa mukha mo.

"Ah eh.. " Hindi mo na alam ang sasabihin mo kaya naman ininom mo na lang ang bubble tea sa harap mo.

Oo bubble tea. Nagulat ka pa nga nang ibigay to sayo kanina ni Sehun. May bubble tea din pala ang mga coffee shop dito.

"Sinong unang bias mo sa EXO?" Nagpatuloy sya sa pagtatanong habang may amused na ngiti sa mukha nya.

"Ikaw" Totoo naman.

"Talaga?? Eh bias wrecker?" Aba. May alam siya sa mga bias wrecker na yan?

"Wala ako nun. Pero kung ayaw mong maniwala, si Kris oppa ang gusto ko sunod sayo. Kumbaga sa ranking, 97% kitang gusto. 80% naman sakanya"

"97?? Asan yung 3%?"

"Nasa sarili ko. Syempre kahit gaano kita kamahal, kailangan ko pa rin magtira kahit konti lang. Tsaka hindi ko naman inaasahang magiging asawa talaga kita. Kahit 'asawa ko' na ang tawag ko sayo noon"

Tumango-tango naman siya sa sinabi mo.

"Paano pag nagkaguusto si Kris hyung sayo? Anong gagawin mo? Diba sya ang bias wrecker mo" Tanong nya na parang bata. Natawa ka naman.

"Imposible yan!" Natatawang sagot mo. Bigla siyang napanguso. Aww ang cute!

"Hindi mo sinagot ang tanong ko"

"Wala"

"Anong wala? Wala kang gagawin?"

"Wala. Oppa, ikaw ang asawa ko. Ikaw ang mahal ko. Wag mong intindihin ang mga nakapalibot sakin kasi ikaw lang ang gusto ko. At kahit pa magkagusto sakin lahat ng lalaki sa mundo wala pa rin akong pakialam kasi ikaw yung mahal ko. Ikaw lang" Nakangiti mong sabi sakanya at bigla naman syang namula.

"Gabi na pala. Bumalik na tayo" Pag-iiba nya sa usapan at tuluyan nang tumayo. Sumunod ka naman sakanya ng may malawak na ngiti.

Mamahalin mo rin ako Oppa. Tiwala lang.


OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon