Chapter Fifty Seven

13.7K 589 170
                                    

Note:

Nagkakatotoo ang mga sinusulat ko dito and it's starting to scare me. Sana magkatotoo tong chapter na to hahaha. Vote and comment~

-Jihwanxxi

--

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong mo sa mga kaibigan mo habang naglalakad kayo sa loob ng mall. Pagkatapos ng nakakawindang mong eksena kay Taejun ay nagpaalam na siya bago pa man siya nakita ng mga kaibigan mo at pagkatapos ka nilang paulanan ng sobrang daming tanong dahil bigla ka na lang daw nawala ng parang bula ay basta ka na lang nila hinila papasok sa mall.


Bakit ba ang hilig ng mga tao manghila ngayon?!


Hindi ka nila pinansin at nagpatuloy lang sila sa pagkaladkad sayo. Tumigil kayo sa harap ng isang pizza stand.


"Bibili kami ng pizza at bubble tea. Sasama ka ba samin o mauuna ka na sa taas?" Tukoy nila sa foodcourt na madalas nyong tinatambayan. Umiling ka naman.


"Diretso na ako sa taas. Ako na lang magrereserve ng upuan" Tumango naman sila sa sinabi mo.


**


Hindi mo na rin kayang magsinungaling sa mga kaibigan mo kaya pagdating nila ay ipinagtapat mo na sa kanila ang lahat ng nangyari sayo sa Korea.


Pagkatapos mong ikuwento ang lahat sa kanila ay lahat sila nakatanga lang sayo. Walang umiimik, walang nagsasalita.


"Seryoso?!" Sa wakas ay binasag na ng isa mong kaibigan ang nakakabingin katahimikan.


"Hindi man kapani-paniwala, totoo yun"


"Pinatulan ka talaga ni Sehun?"


"Walanghiya ka!" Naiinis na sabi mo at nagtawanan silang lahat. Napailing ka na lang. Hindi ito ang inaasahan mong reaksyon mula sa kanila pero masaya ka dahil hindi ka nila hinusgahan.


"Ano nang plano mo ngayong nandito sa Pilipinas si Sehun? Ayiieee sinundan ka pa nya." Tanong ng isa mong kaibigan.


"Wala. Hindi naman ako ang pinunta nya dito eh. At hindi naman yun pupunta dito para sundan ako" Asa pa ako. "At saka hindi naman siguro magtatagpo ang landas naming dalawa" Sigurado mong sagot sa kanila. At ano naman kung magkita kayong dalawa? Tapos na ang kabanata ninyo.


"Pero pano pag nagkita at kinausap ka nya? Anong gagawin mo?"


Natawa ka ng mapakla.


"Wala na kaming pag-usapan. At isa pa, malabong mangyari yan."


"Sabi mo eh" Pagkatapos ay kung ano-ano naman ang pinag-usapan nyo.


OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon