Chapter Fifty Three

15.4K 644 348
                                    

Note:

Are you guys ready? Haha. Vote and comment!

-Jihwanxxi

--

SEHUN

"Sehun! Hindi ganyan! Umayos ka nga!" Sinigawan ulit ako nung choreographer. Hindi ko alam kung pang-ilang beses na to.


"Mianhaeyo" Sabi ko at nagbow ulit. Kahit anong gawin kong pagfofocus, bigla na lang lumilipad ang isip ko.


"Break muna tayo. Kausapin nyo yan si Sehun!" Galit na sabi ng choreographer namin at padabog na umalis sa practice room. Isa-isa namang nagsilapitan sakin sina hyung.


"Sehun" Seryosong saad ni Suho-hyung kaya napayuko na lang ako. Sorry hyung. Pakiramdam ko mas lalo akong nanghihina sa bawat araw na lumilipas na wala ang asawa ko. Alam kong hindi ko dapat to dinadala sa trabaho ko pero hindi ko mapigilan. Pakiramdam ko sinama nya sa pag-alis nya ang buong pagkatao ko. Para nya akong ninakawan ng lakas. Magtatatlong buwan na at pakiramdam ko ay mababaliw na ako. Sinusubukan ko siyang hanapin pero walang magandang resulta.


Wala rin akong tulog ngayon dahil ginagawa ko ang lahat ng paraan para mahanap siya. Para bumalik siya sakin. Ang tanga ko rin kasi, hindi ko man lang alam kung saang lupalop sya ng Pilipinas nakatira.


"Alam namin nasasaktan ka ngayon pero sana ayusin mo rin ang trabaho mo" Pangaral sakin ni Kris-hyung.


"Sorry talaga hyung"


Nilagay nila ang mga kamay nila sa balikat ko.


"Mahal mo na ba ang asawa mo?" Natigilan ako sa tanong nila at nablanko ang isip ko. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit.


"Pano ba malalaman kung mahal mo na ang isang tao hyung?" Nahihiya kong sambit.


"Kapag siya palagi ang iniisip mo" Sagot ni Chanyeol hyung.


"Kapag mabilis ang tibok ng puso mo pag siya ang kasama mo" Dagdag ni Luhan hyung.


"Kapag pinagseselosan mo ang mga lumalapit sakanya" Nakangising sabi ni Kris-hyung. Psh.


"Kapag iniisip mo palagi ang kapakanan nya kesa sa kapakanan mo" Sambit ni Kai.


"Kapag tanggap mo ang lahat sakanya" Ani ni Jongdae-hyung.


"Kapag pinaplano mo ang buhay mo kasama siya" Saad ni Lay-hyung.


"At kapag hindi mo kayang mawala siya sa buhay mo" Wika ni Suho-hyung at nagsitanguan silang lahat.


"So ano Sehun? Mahal mo na ba ang asawa mo?" Sabay-sabay na tanong nina Tao, Xiumin, at Baekhyun hyung.

OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon