Chapter Forty

15.4K 612 173
                                    

Note:

Natatawa ako sa chapter na to HAHAHA. Anyway maraming salamat po sa lahat ng mga nagvovote at comment sa story ko. Jeongmal Kamsahamnida~ Sige bye muna, manonood ako ng Insidious 3. TTYL chingus!

-Jihwanxxi

--

Gagawin na ba namin? Hindi pa ako ready!


Waah. Ito na ba yun? Yung smut version ng kwento namin ni Sehun? Teka nga, akala ko ba angst at fluff lang ang genre nito?? Bakit may smut?!


Pero hindi pa ako tapos mag-aral! Hindi pa ako handang bigyan sya ng cute na anak.


Leshe, anak agad?! Kung ano-ano nang kabaliwan ang pumapasok sa utak mo kaya kinagat mo ang labi mo para pigilan ang kabyuntaehan na sumisingit sa utak mo. Baka mamaya ikaw pa ang mangrape sakanya.


Pero responsibilidad mo bilang asawa nya na punan ang mga pangangailangan nya. Anas ng traydor mong utak kaya para ka nang kamatis sa kapulahan.


Naglakad si Sehun papunta sa kama nya at sumalampak doon. Hindi ka naman mapakali habang nakatayo sa gilid ng kama niya at tinititigan siya. Tumagilid sya ng higa at pinagtaasan ka naman nya ng kilay na para bang nagtatanong kung nababaliw ka na ba.


"A-anong gagawin ko d-dito Opp-" Sasabihin mo na sana ang Oppa nang bigla ka nyang tiningnan ng masama kaya tinikom mo agad ang bibig mo.


Kasi naman eh! Hindi kaya ng feels kong tawagin syang jagi!


"E-este j-jagi pala." Sabi mo habang iniiwas ang tingin.


"Matutulog" Kaswal na sabi nya kaya agad na napabaling ang ulo mo sakanya at lumakas ang tibok ng puso mo.


Ito kasi ang unang beses na nakapasok ka sa kwarto ni Sehun nang hindi sya nagagalit sayo at ito rin ang unang beses na matutulog ka sa tabi nya na alam mo talaga kung sakali man.


"Tatayo ka na lang ba dyan? Bahala ka" Sabi nya at pumikit. Bigla ka namang nagpanic. Wala naman sa plano mo ang matulog ng nakatayo pero mas lalong wala sa plano mo ang matulog ng katabi ni Sehun.


"Ahm. Sa sofa na lang ako"


Baka mamaya nyan ay tulo laway pa ako. Nakakahiya! Akmang maglalakad ka na papunta sa sofa nang may mga bisig na biglang pumulupot sayo dahilan para masubsob ka sa kama ni Sehun.


"Wag ka nang pasaway. Pagod na ko Aegi."


Ilang minuto ka nang parang tuod na hindi gumagalaw at mukhang nakatulog na si Sehun dahil kanina pa sya hindi gumagalaw at naririnig mo na rin ang banayad nyang paghinga. Dahan-dahan kang umayos ng pwesto at iniiwasang magising sya. Unti-unti mong inilapit ang katawan mo sa tabi nya.


Ilang sandali ka ring nakatingin sa kisame at hindi malaman ang gagawin. Nilingon mo ang gwapo mong asawa na mahimbing na natutulog sa tabi mo. Pumihit ka paharap sakanya at dahan-dahang hinaplos ang buhok nya pababa sa noo nya, sa mga mata nya, sa ilong nya, at sa mga labi nya. Pilit mong kinakabisado lahat ng parte ng mukha nya dahil hindi mo alam kung hanggang kailan kayo ganito.

OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon