Chapter Five

18.5K 655 120
                                    

JiHwan's Note:

Inuulit ko, ang istoryang ito ay pawang trip trip lamang. Bunga ng pagiging fangirl at frustrated writer. No offense, pero di ko kasi masyadong trip yung mga fanfic ni Sehun except sa OSHC. Di ko kasi mafeel na ako yung bida. Hahaha.

Dedicated sayo michiinthegalaxy dahil natusok ka ng dalawang deadly weapon hahahaha.

--

SEHUN

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa sala. Tiningnan ko ulit ang orasan. Alas diyes na!!

"Wag ka na rin umuwi"

"Wag ka na rin umuwi"

"Wag ka na rin umuwi"

Sht. Sinabi ko nga pala yan. Di ko naman sinabing totohanin nya!

Nag-ikot ikot ulit ako sa sala. Nakapatay na ang mga ilaw. Sinubukan ko na ring matulog kanina pero bigla akong nagigising. Bwisit na babaeng yun. Bakit ko ba sya iniisip?

Maya-maya pa narinig ko na ang pagbukas ng gate sa labas. Tumayo ako sa may pinto at sinilip kung sya nga ba yon at di nga ako nagkamali.

Mukhang di nya ako napansin at tuloy-tuloy lang syang naglakad. Tsk. Di ko alam pero mas lalo akong nagalit sakanya. Binuksan ko ang ilaw at tiningnan sya ng masama.

"Yan ba ang oras ng pag- uwi ng matinong babae?!"

"S-sorry"

"Sorry?! May asawa ka na kaya matuto kang tumingin sa oras!"

Hindi ko rin alam kung bakit nagagalit ako, basta ang alam ko bigla na lang uminit yung ulo ko nang makita ko silang magkayakap ni Kris hyung. Pagkatapos nya akong ikulong sa walang kwentang relasyong to manlalalaki sya?! Subukan nya lang.

"Date daw sa sarili o baka naman meron kang ibang lalaki?!"

"Wala akong alam sa sinasabi mo" Pagmamaang-maangan nya eh nakita ko syang kasama ni Kris hyung kanina.

Nginisihan ko sya.

"Siguraduhin mo lang dahil kapag nalaman kong meron kang kinakalantaring iba, papatayin ko kayo ng kabit mo" Madiing sabi ko at tumungo na papunta sa kwarto.

Wala akong pakialam kahit si Kris hyung pa yun. Sa oras na malaman kong meron silang relasyon hindi ako magdadalawang-isip na patayin silang pareho.

Napailing ako. Ano ba tong iniisip ko?

--

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may sumampa sa kama ko. Hindi na ko magtataka kung sino to. Malamang pinagnanasaan na naman ako nito. Ganun naman talaga ang mga fan diba? Tssk. Sasaeng nga pala to.

Nagkunwari akong tulog. Bigla kong naramdaman na hinalikan nya ako sa noo. Aba! Sumusobra na sya ah! Bubulyawan ko na sana sya nang bigla syang magsalita.

"Konting-tiis nalang Sehuna. Konting-konti na lang"

Magsasalita na sana ako pero narinig kong sumarado na ulit ang pinto.

Anong ibig nyang sabihin?

**

"Good Morning Oppa!" Masayang bati mo sakanya. Katulad ng dati, nilagpasan ka na naman nya. Pero katulad ng lagi mong ginagawa, sinundan mo sya. Pabukas na sya ng pintuan nang maabutan mo sya. Hinawakan mo ang braso nya. Agad naman nya itong tinabig na para bang diring-diri sya.

Nasaktan ka na naman. Inalis mo na lang ang kamay mo at nagkunwaring masaya.

"Kumain ka muna bago ka pumuntang SMent"

"Wag mo kong pakialaman. Sa papel lang tayo mag-asawa kaya wag kang umasta na mahal kita at kailangan ko ng pag-asikaso mo. Di na ko bata"

Alam ko naman yun eh. Wala naman akong sinabi. Bulong mo sa isip mo.

Naglakad ka na lang ulit papuntang kusina at niligpit ang hinanda mong pagkain sana para kay Sehun. Sayang na naman. Ibibigay mo na naman sa kapitbahay. Sabagay wala namang bago dun. Kelan pa ba kumain si Sehun ng luto mo?

Siguro iniisip nyang may lason o kaya gayuma yung mga luto mo. Tss. Kung pwede lang nga sana eh matagal mo na syang ginayuma yun nga lang hindi ka naman mangkukulam at di ka rin marunong manggayuma. Alangan naman bumili ka pa sa Quiapo eh nasa Korea ka nga at di naman yun uso dito. Tsaka baka mafood poison lang si Sehun. Eh di mas lalo yung nagalit sayo. At mukhang di rin naman yun tatalab sakanya eh. Masyado syang manhid.

Napabuntong-hininga ka na lang at tiningnan ang kalendaryong nakasabit sa pader ng bahay nyo.

Animpu't-isang araw na lang.

OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon