CHAPTER 16 (Topless Squid)

491 11 4
                                    

CHAPTER 16

(Topless Squid)

(A/N: Natuwa naman ako kasi kahit guy ka binabasa mo to. Waaa. Thank po. Dedicated po sayo.  :D )

(Poor Girl's POV)

Nakita kong lumabas ng bahay si pusit. Sa bahay lang ha, hindi mismo sa may gate.

Tapos pumunta sya dun sa storage room sa likod ng bahay. Ilang minuto lang nakita ko na tulak-tulak niya yung lalagyan ng gardening tools.

O____O

Wag niyang sabihing..mag ga-garden sya?

Pinagmasdan ko yung buong garden. Medyo malago na nga yung damo pero maganda pa rin yung garden. Ang gaganda nga nung mga halamang nakatanim at orchids.

Maarte lang talaga ang pusit na to. -____-

Sabagay, mahigit isang bwan na naman ang nakakalipas nung huli nya tong nilinisan.

E ano pa nga bang gagawin ko e di tutulong. Hindi naman nya masyadong kinalbo yung mga damo. Parang inayos lang nya yung pagka landscape. Ako naman nagkakalaykay ng mga dahon na galing sa puno nila tsaka yung mga damong ginupit nya.

Malinis na yung damuhan, ang ginawa naman ni pusit nag arrange sya ng mga paso. Sa totoo lang hindi ko mapigilang hindi mapa-wow sa mga ginagawa niya. Promise, pwede na syang maging landscape architect. :D Wala kasi akong talent sa pag aarrange ng mga ganito. Hanggang pag dilig lang ako ng halman. -___-

May mga nilabas din syang pang spray para sa mga nakasabit na paso na halaman. Kung makikita nyo kasi ang garden nila super ganda.

Dun sa may left side may parang green house na maliit dun tapos sa taas may mga nakasabit na nakapaso na halaman, yung mga halaman tag bulaklak nila ngayon kaya ang gaganda nila. Tapos may pinaka magkaharapang swing yun. Yung bakal na swing. And then pinalilibutan na yun ng magandang damo.

Sa gitna naman ang pinaka way na papunta dun sa gate nila. Yung way na yun may nakatanim na bonzai sa tabi kaya ang ganda gandang tingnan. At sa right side naman..dun na nakalagay yung mga orchids nila. Ang gaganda nga grabe. Ang kukulay nila dahil lahat sila namumulaklak. Basta palibot ng buong bahay nila puro halaman pero malinis at hindi magubat tingnan. Yung feeling na parang ang relax relax tingnan..

Sa left side sa may pa west nandun na yung pinaka pool nila.

Nag i-spray na ko sa mga orchids nang biglang may bumuhos na tubig sakin.

Gulat na gulat ako at napasigaw pa nga ako e.

Pati si pusit nabasa rin.

Nanggaling pala yung tubig dun sa pinaka fountain sa damuhan. Pang dilig yun sa damo at halaman e. Pero ang ipinagtataka ko lang kung bakit biglang bumukas ang fountain na yun. Sorry di ko alam ang tawag dun kaya fountain na lang ang itinawag ko tutal muka naman syang fountain. -___-

Basang basa na kaming dalawa kasi lahat ng fountain naka bukas at nag lalabas ng tubig. -____-

"Naapakan mo yung switch."

Kalmadong sabi ni pusit.

Switch? Nasaan?

Tumingin ako sa damuhan at nakita ko nga dun katabi ng paa ko ang isang switch. Kyaaaa. Naapakan ko nga. =________=

"Hehe. Sorry ha. Di ko kasi nakita. Hehe."

"Next time tingnan mo ang inaapakan mo. Pano kung tae yan? E di naka apak ka ng tae? Psh."

The Man of My Dreams (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon