CHAPTER 9.1 (Couple Phone: Buy 1 take one daw?)

526 17 13
                                    

CHAPTER 9.1

(Couple Phone: Buy 1 take one daw?)

(A/N: Hello. Enjoy reading..)

Continuation..

(Jacky's POV)

Nandito na ako sa mall para ipaayos yung cellphone ni poor girl.

Badtrip e. Ilang mobile shop na ang napuntahan ko at sabi di na nila kaya pang ayusin. I offered them highest amount para lang maayos ang lecheng cellphone na to pero di talaga nila maayos..

"Ah, sir. Pasensya na po kasi hindi na po talaga kayang maayos e. Sobra po kasi syang nababad sa tubig.."

"As in..hindi na talaga?"

"Opo sir e." tapos napakamot siya sa ulo..nanghihinayang siguro sa deal ko na kapag naayos niya triple ang bayad ko sa kanya pero bigo sya e. Sorry na lang.

Kahit ako dismayado din. Tsk. Pano na to? No choice na ako..

Bilihan ko na lang sya ng katulad nito..kung may makikita pa ako.

"Pero sir dont worry. Di naman po affected ang mga files sa phone na yan. Pede nyo pa pong makuha kasi nasa memory card naman."

"Okay, pakigawaan na lang ako ng back up if ever na mainfect din yung files."

"Sige po sir."

Nagtanong tanong ako na katulad ng unit nitong phone na to. Kaso wala na daw silang unit ng ganitong phone. Syete, pinapahirapan ako ng cellphone na to ah..

Ang dami ko nang napuntahan na mobile shop kung may katulad silang unit nito pero wala. Kesyo lumang unit na daw at wala na sa uso kaya di na mabenta. Karamihan daw nito mga second hand na. Tss.

Kung san ba naman kaya napulot ng babaeng iyon ang pangkaskas ng yelo na cellphone na to e. Nakakaasar na, pagod na rin akong maghanap!

May nakita akong shop kung saan ang mga binebenta ay mga latest and exclusive phone. Alam kong wala akong makikitang katulad ng unit na to kaya hahanap na lang ako ng kapalit nito. Ibang unit na lang ang bibilhin ko, e sa wala na talaga akong makitang katulad nito e di iba na lang ang bibilhin ko. Bahala na. -__-

Nagtanong tanong ako ng mga latest phone at marami silang nirecommed. Karamihan puro android. -.- Luma na yan saken e, pero sige. Para naman yan kay poor girl to at hindi saken.

"Sir try nyo itong latest couple phone namin. 50% discount na po sya and para po talaga ang latest phone na ito for couple."

o_o for couple daw..

"Pa try nga miss."

"Sige po sir."

Ayun, kinutingting ko naman kung ano bang mga applications ang nasa loob nun. Tama nga sila, latest nga at may mga new applications dun na hindi ko pa alam kahit computer geek ako. Okay din to. Maganda, sosyal naman kaso..

Di ko gusto ang kulay!

Pink!

Ginawa naman akong bakla ng babaeng to?!

"Ah miss, may other color ba kayo bukod dito?"

"Yes sir. Kaso ang available nalang po kasi ay color white."

"Uh its ok. Sige, yun ang kukunin ko."

Okay din ang couple phone na to ah. For couple talaga. May application dun na ang may communication lang e yung mismong nagmamay ari o may hawak nung phone. Well, ayos din.

May couple headphone din to. Tamang tama, mahilig mag music ang poor girl na yun. Pano ko alam? Kasi laging may nakasalpak na headphone sa tenga niya. -.-

The Man of My Dreams (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon