CHAPTER 22 (Bikey)

304 8 0
                                    

CHAPTER 22

(Bikey)

(Ivan's POV)

Iyon na mismo ang una't huli ko'ng papasok sa loob ng banyo ni Pusit. Aaay! Nakakainis talaga! Alam n'ya kaya? Dyusko nakakahiya 'tong ginawa ko. Kakaiyak.

Kahit na masabon ang kamay ko tinuktukan ko pa rin ang sarili ko. Naghuhugas kasi ako ng pinggan habang iniisip yung pag ligo ko sa banyo ni Pusit. At syempre ang pag gamit na rin sa shampoo niya. Natural na makikilala niya ang amoy ng shampoo niya kasi kanya yun eh. Kainis. I'm so tanga talaga. Eh malay ko ba naman kasi na bigla syang uuwi ngayon. Kainis.

"Hoy, anong ginagawa mo sa sarili mo?"

Napatigil ako sa pagtuktok sa ulo ko.

"Ha? W-wala. Masakit lang ang ulo ko. Tama. Masakit nga." Sabi ko sa kanya na may halong tense. Ermergerd.

"Palagay ko'y hindi masakit ang ulo mo. Baka nababaliw ka lang talaga."

What the--?! Kumunot kaagad ang nuo ko at sinamaan siya ng tingin. Kainis talaga 'tong Pusit na 'to! Pwe! "Masakit talaga ang ulo ko!"

Tumawa sya habang pailing-iling. Naku! Kung hindi ka lang gwapo habang tumatawa! Tss. Tumalikod na siya at umakyat na sa hagdan papuntang taas. Pupunta na siguro siya sa kwarto niya. Pero nakakailang hakbang pa lang siya nang tawagin niya ako.

"Pagkatapos mo maghugas ng pinggan pumunta ka sa kwarto ko."

Napatitig ako sa kanya at nakaramdam ng konting kilabot. Ano'ng ibig niyang sabihin? Omg! Kaya napayakap ako sa sarili kong katawan.

Napansin ko naman na napa poker face siya.

"Ang halay ng isip mo. Pumunta ka sa kwarto ko dahil bibigyan kita ng gamot sa sakit ng ulo mo." Tumalikod na siya. "Tss. Baliw talaga." At pumasok na sa kwarto niya.

Ay futa. Akala ko naman kung ano. Kakahiya. Ikaw naman kasi Ivan! Kung ano-ano kaagad ang pumapasok sa isip mo. Kaloka ka.

Pero ang totoo ay hindi naman talaga masakit ang ulo ko. Huhuhu.

Lunes ng umaga. Back to school na ulit. Pero nauna akong magising kay Pusit ngayong umaga. Alam nyo na, hindi ko pa kasi ulit kayang makipag titigan sa kanya. Nahihiya pa rin kasi ako sa kashungaan na ginawa ko noong isang araw. Nakakaloka.

Alam kong alam niya. Peste naman kasi e. Buong akala ko madaling araw pa sya uuwi. Napa aga pala ang uwi niya dahil sa bagyo. Nakakaiyak lang. Hiyang-hiya talaga ako kasi nakigamit ako ng banyo niya. Hindi naman niya sinasabi sakin pero alam ko talaga na alam niya ang tungkol doon dahil sa nakakalokang shampoo na 'yon. Huhuhuhu.

Kaya heto ako ngayon, iniiwasan ko si Pusit ng bahagya. Tehehe.

Pinarada ko na ang aking pinaka mamahal na bike katabi ng mga ibang bike dito. Ang gaganda ng mga bike na nakaparada dito. Pero walang tatalo sa samahan namin ni bikey! Kahit na luma na si bikey ko mahal na mahal ko 'to.

"Huwag kang mag-alala, bikey. Kapag natapos ang second grading exam namin bibilhan kita ng bagong gulong, kadena at pipinturahan kita. Okay?"

Nilagyan ko na sya ng padlock at pumasok na ako sa school. Saktong nakita ko si Anthony.

Nang makita ko sya napangiti kaagad ako. Ewan, crush ko na ata si Anthony. Ang gwapo gwapo niya kasi tapos ang bait pa. Full package. Hehe. Kelan pa ako natutong lumandi? Charing lang.

"Good morning, Ivan." Bati niya sakin habang nakangiti.

"Good morning din." Ngumiti din ako sa kanya. Landi ko. Hehe.

"Ako na ang magdadala niyan." Ang ibig nyang sabihin yong mga librong dala ko.

"Ah hindi, ako na. Magaan naman e."

"I insist."

Okay. Kaya binigay ko na sa kanya yung libro ko. Ang gentleman pa nya. 'San ka pa? Talagang kinikilig ng bongga ang bangs ko.

Pinagdala niya ako ng libro. Syemey. Nakakakilig. Perstym na may gumawa niyan sa tanang buhay ko.

Ni hindi nga 'yan ginagawa sakin ni Pusit. Hindi kaya gentleman ang Pusit na 'yon. Hindi nga rin niya ako pinagbubuksan ng pinto ng kotse niya eh. Pero ayos lang. Bahala sya sa buhay niya.

Teka. Eh bakit ko ba pinagkukumpara si Pusit at si Anthony? Nakakaloka.

Pero ang mas nakakaloka ang pag hatid sakin ni Anthony hanggang sa labas ng classroom namin. Pumasok na ako sa loob ng makaalis na siya. Saktong palapit na ako sa room ko nang may tumawag sakin mula sa likod ko.

Kilala ko na kung kaninong boses yun. Dyusko! Sa wakas! Pumasok na rin sya! Ang tagal niyang absent!

"Nick!" Lumapit kaagad ako sa kanya para yakapin. Grabe, na-miss ko talaga ang babaeng ito! "Kumusta ka na? Buti nakapasok ka na." Ngumiti ako ng napaka lawak sa kanya.

"Hindi halatang na miss mo ako, Ivan! Na miss din kita. Hindi na kasi ako masyadong busy ngayon. Pero alam mo ba, buti na lang nakapag home study ako kaya hindi pa rin ako na late sa discussions natin."

"Ay ang galing! Mabuti kung ganon."

"Syanga pala. Kilala ko iyong naghatid sayo dito kanina. Nakita kita kanina sa corridor. I was about to call you kaso you're with someone pala. Is he your admirer?"

"Si Anthony? Admirer? Nako, hindi ah! Friends lang kami 'non!"

"Talaga?"

Tumango ako at bigla syang ngumiti. "Uhh, bakit nga pala kilala mo si Anthony?"

"Hindi mo ba sya napapanuod sa TV?"

"TV?" Teka, hindi naman kasi ako palanuod sa telebisyon. At kung manu uod man ako, news lang at tsaka SpongeBob SquarePants. Alam nyo na. Nahihiya naman akong makinuod sa bahay dahil ng masungit na si Pusit. Nakakapanuod lang ako ng TV kapag binubuhay niya. Huhuhu.

"Oo. Isa kaya syang artista."

Sa narinig ko halos matapilok ako sa pagkakatayo ko. "'Di nga?" Hindi pa rin ako makapaniwala.

"Oo nga. Kaso wala syang show ngayon. Gusto daw kasi muna niyang i-focus ang studies. Kaya mga commercial projects lang ang tinatanggap niya ngayon."

"Ohh. Ganon pala."

"Pero, don't worry, Ivan." Tinaas ni Nick ang manggas ng kanyang uniform. "Ako ang bahala sayo kung kuyugin ka ng mga fans niya. Bubugbugin ko sila para sayo."

Kaloka. "Ay. Hahaha. Salamat, Nick. Sige pagtulungan natin sila."

Nag dismiss na ang klase at nasa labas na ako ng school. Alam nyo na, mag isa naman akong umuuwi tsaka hindi ako sumasabay kay Pusit. Si Pareng Art naman hinatid niya si Denisse. May something na talaga sa dalawa. Kinikilig ako pag iyon ang naiisip ko eh. Hihihi. Sabi nga ni Preng Art na sumabay na lang daw ako sa kanila. Nako hindi na, gusto ko silang mapagsolo. Wihihihi.

Si Nick naman nasa loob pa ng school dahil marami pa daw syang gagawin. Nahihiwagaan din ako kay Nick. Parang.. Ay ewan.

Papunta na ako sa paradahan ng bike nang makita kong..

Halos manlaki ang mata ko sa nakita ko.

Hindi.. Bikey..

Si Bikey.. Sira-sira. Tapos tanggal pa yung gulong niya. Basta, parang nasagasaan ang bike ko na ewan.

Sa bigla ko sa nakita ko napaluha ako. Halos hindi ko mahawakan ang bike ko. Matagal din ang pinagsamahan namin ng bike ko. Sinong tarantado ang gumawa nito?!

"Bikey.."

Nanlalabo ang mata ko habang iniipon ko ang body parts ni Bikey habang nakalunod sa semento. Nanlalambot ako hanggang sa mapalupagi na ako sa sahig. Paano ako makakauwi nito? Paano ko madadala si Bikey? Hindi ko siya pababayaan dito.

"Poor girl?"

Napatingin ako sa isang tinig na tumawag sakin. Sino pa bang tao ang tatawag sakin ng 'Poor girl'. Pagharap ko sa kanya nabigla sya nang makita niya akong luhaan. Kasunod niyang tiningnan ang bike ko na sira-sira.

The Man of My Dreams (on hold)Where stories live. Discover now