CHAPTER 9 (Couple Phone: Buy 1 take one daw?)

502 12 1
                                    

CHAPTER 9

(Couple Phone: Buy 1 take one daw?)

(A/N: Okay. Ako na nga ang author na nag uUD ng maraming stories. -____-

I LOVE THAT WEIRD GIRL

LOVE BULLETIN BOARD

A MAN OF MY DREAM

IM IN LOVE WITH MY BESTFRIEND

SCRAP BOOK AND DIARY NOTE

Oww syemeey. @___@ Di ko po sila kayang pagsabay-sabay i UD kaya sorry po. Waaah. Basta wait nyo na lang po ang UD ko ha. ^.^ Thank you.)

(Ivan's POV)

=_____= Hanggang ngayon hindi ko pa rin na iichika kay bestfren Denisse at Pareng Art na sa Western Town na rin ako nagaaral. And still..di pa rin kami nagkakasalubong sa campus. Hanobaa. Ang laki kasi ng school na yun e. Well, malilibot mo naman sya sa loob ng two hours kaso nakakapagod nga lang. 

Magloload na lang ako para ma inform sila na dun na ako pumapasok. Nahihiya naman akong makitawag sa landline nina pusit, isipin pa niya kapal ng muka ko at nakikipag phone pal pa ako sa kanilang telepono. Kaya mag loload na lang ako mamaya at tatapusin ko lang tong ginagawa ko.

Wala nga pala kaming klase ngayon dahil half day lang kami, may meeting chu chu daw yung mga student council participants. Well, good luck sa kanila. Runner nga pala si Nick as President. Sana manalo sya and take note. =____= Isa si Nathan sa mga kalaban niya. Waaa.

Pagkakataon nga naman.

Well, nandito ako ngayon sa pool side at naglilinis ng pool habang nag sasoundtrip. Tinatanggal ko yung mga dahon sa tubig ng biglang may humila ng kamay ko..

papunta sa tubig..

"Waaaaa~"

Huli na ng maalala ko na nasa bulsa ko yung cellphone ko kaya yun..pihadong basa!

Nasa ilalim pa ako ng tubig at keri ko to. Di ako basta basta malulunod no dahil swimmer ako.

Ang nakakabwisit lang..pihadong sira ang cellphone ko! Waaaa~

Alam ko na rin kung sinong shokoy ang humila sa akin dito sa tubig, wala namang iba kundi ang bwiset na si pusit sunget! Di na lang basta sya pusit ngayon kundi shokoy na rin sya! Leche!

Naaaninag ko sya sa tubig. Kamatis, =_____= naka topless e. Tsk, wag na nga muna akong mahumaling sa sexy bods niya! May kasalanan pa sya saken! Tung unu!

Sa inis ko nagwala ako sa ilalim ng tubig, naramdaman ko na lang na humawak sya sa bewang ko kaya lalo akong nagwala! Siomaii~ wag mo akong hawakan lalo lang ako naiinis sayo! Tapos naramdaman ko na umaangat ako..wala na ako sa tubig at tsaka siya tapos inihiga niya ako sa pool side. Tapos ako..nagwawala pa rin!

Naiinis ako! Kahit pa mumurahin ang pinaka mamahal kong selpon kahit hindi tatskrin yan mahal na mahal ko yan. Bili pa yan sakin ni mama kaya super pinapahalagahan ko. Tapos..

Tapos..

Wala na..sira na..

Agad kong dinukot sa bulsa ko ang phone ko and tadaaaah! T____T Ayaw ng mabuhay..uwaaah! Sinubukan ko uling buhayin pero ayaw pa rin..

Uwaaa~ di ko na talaga kayang itago ang emotion ko kaya umiyak na ako, nanginginig ang kamay ko habang sinusubukan ko pa ring buhayin ang cellphone ko and still..ayaw talaga. 

Napipikon na talaga ako sa pusit na to! Nauubos na talaga ang pasensya ko! Wag na wag nyang sasabihin na biro lang to, dahil hindi ako natutuwa! Nag aalinlangan lang akong patulan sya dahil hamak na nakikitira lang ako at nagtatrabaho si mama sa kanila. Pero nawawalan na talaga ako ng pasensya sa kanya kaya magtitimpi lang muna ako kahit gusto na talagang sumabog ang galit ko.

The Man of My Dreams (on hold)Where stories live. Discover now