CHAPTER 7 (Jealous Pusit?)

632 19 10
                                    

CHAPTER 7

(Jealous Pusit?)

(Ivan's POV)

Guess what kung ano yung sinasabi niyang pupuntahan daw namin.

Tumingin ako taas. Nakakalula ngang tingnan e kasi bihira kaming pumunta dito ni mama. At kapag pumupunta kami dito ni mama namamasyal lang kami.

Mall Of Asia.

Okay. May balak siguro siyang magshopping. At kaya siguro niya ako biniyabit dito is siguro pagdadalahin niya ako ng mga pinamili niya dahil nga julalay niya ako. Urgh. Nakakainis siya. Ang lawak lawak pa naman din ng mall na ito! Tss. Baka kung saan saan pa yan magsusuot! Lam nyo na mga boys tings!

Nasa likod lang niya ako habang naglalakad, muka tuloy akong aso dito na bubuntot buntot. Tss. Pag sumabay ako sa paglalakad baka sabihin nanaman niya ang lines na ito:

"Dont come any closer to me, baka isipin nila na magkakilala tayo. Diyan ka nalang sa likod ko and act that you dont following me."

Hmp! Alerto na ako kaya bago pa niya sabihin sa akin yan e gagawin ko na! Psh!

Habang naglalakad kami nagpapalinga linga ako sa paligid, tapos napatingin ako sa isang boutique. Which is puro dress ng mga babae. Grabe, siguro ang mahal ng damit na ito. Sobrang ganda talaga, color pink siya at hindi naman daring tingnan. Ang cute nga e.

At dahil nga naglalakad ako habang naniningin ako sa paligid, di ko nakitang huminto pala sa paglalakad si pusit kaya nabunggo ako sa likod niya. Ooww. Ang sakit! Ilong ko yung tumama e. Napansin kong nagulat si pusit sa pagkakabunggo ko sa kanya kaya humarap siya sa akin.

Ganito hitsura niya. ('-_-')

Ow, may sungay! Kulang nalang ay buntot, tinidor na mahaba at fire effect para makompleto na ang pagka devil face niya..

hayan oh..galit na naman!

"Tingnan mo nga yang dinadaanan mo! Kung saan saan ka tumitingin!"

"Sorry naman, ikaw diyan ang basta basta humihinto sa paglalakad e. Aarraay! Ang sakit ng ilong ko!" hinawakan ko yung ilong ko na nasaktan.

"So what do you mean na kaylangan ko pa munang magsabi sayo na titigil ako sa paglalakad? Ganun? Tss."

Napakasama talaga ng ugali niya grabi. Hindi manlang niya tinanong kung nasaktan ako? Kung okay lang ako? Or what else! Grabe talaga ang lalaking ito! Walang concern sa katawan! Ang sarap niyang i taekwondo ng mapilayan na siya! Argh!

Kaya inismiran ko nalang siya.

"Bakit ba kasi nasalikuran kita?! Muka ka dyang aso sa likod ko na bubuntot buntot! D-dito ka nga sa tabi ko!" tapos bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinila niya ako sa tabi niya.

The Man of My Dreams (on hold)Where stories live. Discover now