CHAPTER 12 (Date?)

486 16 7
                                    

CHAPTER 12

(Date?)

(Ivan's POV)

Yung feeling na..abot langit ang saya ko! Uwaaah! At ngayong araw na ito ay magkakasama na kaming tatalo nina Denisse, Pareng Art Paper at ako! Ang sayaaaa~.

Nakakapagtaka lang kasi hindi na bumalik si Nick simula kaninang lunch..tapos may mga mamang naka black siut at black shade na kumuha ng mga gamit niya sa room. Hindi ko alam kung bakit ako lang yung nagulat nung makita ko sila. parang natural na silang nakakakita nun at ako lang yung tanging nagulat. -_- pati nga si Art Paper at Dennise parang wala lang e. Siguro ganun lang talaga, school kasi to ng mayayaman tapos natural lang syempre na magkaroon ng mga bodyguards ang mga mayayamang istudyante dito. talagang nabundok ang ako nung mga oras na yun. -___- E ano bang magagawa ko e ipinanganak akong dukha. -___-

Oh well, nagkayayaan naman kaming tatlo na mag miryenda sa Don Samto's coffee shop. Sa dating pinagtatrabahuhan naming tatlo..ang lugar kung saan kami unang nagkakila-kilala. ^__^

Pero bago ako pumunta dun umuwi muna ako sa bahay para makapag palit ng damit. Ipagluluto ko na rin kaagad si kamahalang pusit once na nagutom yan e di may lalantakan sya.

Pero bago kami naghiwa-hiwalay kanina..sabi ni Pareng Art na susunduin na lang daw nya kami. Uunahin daw muna nya ako kasi mas malapit daw ako sa kanila than sa bahay nina Denisse e sa kabilang baranggay pa. Kaya ako nalang daw muna ang una nyang dadaan.

Nag text na sa akin si Pareng Art. Oo. May communication na ulit kaming tatlo sa phone. Kaya daw pala nagtataka sila kasi hindi ako nagreresponse sa mga text messages nila or calls kasi nga nasira yung phone ko. 

Bale palabas na ako ng balcony nang biglang sumulpot si Jacy boy kung saan at nagsalita.

"Saan ang lakad mo?"

Yung tanong nya may halong iritasyon. Okay, kaylan ba sya naging good mood? -__-

"Mabilis lang ako."

"Tinatanong ko ba kung gano ka katagal? Ang tanong ko kung saan ka pupunta."

Okay, ayokong patulan dahil gusto kong maging masaya ngayong oras na to. -__-

"Doon lang sa dati kong pinagtatrabahuhang coffee shop. Bakit ba?"

"A-ano..uhh, if you dont mind..uhh..ihahatid na kita." -_-

O__O Okay..natulala ako..I mean nakanga-nga pala ako. Eer? Naman? Ihahatid niya ako? bakit parang..ang weird ng chest ko? -__-

Pero maalala ko..di ba susunduin ako ni pareng Art at nasa labas na daw sya? Pano na yan? Kaloka. Anong sasabihin ko? =___=

"A-ano e..k-kasi..wag na lang..ahehe. Maglalakad na lang ako. Malapit lang naman.."

Kamot sa ulo. Tapos biglang nag ring yung phone ko. Tumatawag pala si pareng Art. -_- Nak ng..naiinip na yata to sa labas. -_-

"Uhh, h-hello. Heto palabas na ko. Wait lang."  Tinapos ko na yung call tapos humarap ako kay pusit.

"A-ano..thank you na lang. Kaylangan ko na talagang mag madali. Salamat na lang. Hehe."

Tumakbo na ako papunta sa may gate at lumabas na. Nomoooon! nandito na nga si pareng Art at naka parada na yung gwapong car niya. *O*

"What took you so long? Hehe. Joke lang. Hop in, lets go."

"Sige, sige."

Umalis na kami nun at pumunta na sa bahay nina Denisse.

(Jacky's POV)

Kadarating ko lang sa bahay from game practice. Hindi pa nga ako nakakapasok sa loob ng bahay e dahil katatanggal ko lang ng rubber shoes ko nun ng makita kong lumabas ng balcony si poor girl. Medyo nakabihis sya ng simple at mahahalata mo na may pupuntahan sya.

"Saan ang lakad mo?"

"Mabilis lang ako."

"Tinatanong ko ba kung gano ka katagal? Ang tanong ko kung saan ka pupunta."

"Doon lang sa dati kong pinagtatrabahuhang coffee shop. Bakit ba?"

"A-ano..uhh, if you dont mind..uhh..ihahatid na kita." -_-

Kahit ako hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi yun. -_-

"A-ano e..k-kasi..wag na lang..ahehe. Maglalakad na lang ako. Malapit lang naman.."

Sana pala hindi ko na sinabi. -__- 

"Uhh, h-hello. Heto palabas na ko. Wait lang." After nyang kausapin yung caller niya humarap sya sakin. "A-ano..thank you na lang. Kaylangan ko na talagang mag madali. Salamat na lang. Hehe."

Tapos tumakbo na sya papunta dun sa gate at binuksan..pipigilan ko pa sana sya kaso..

>:| Teka..anong ginagawa nang hudas I mean ng Art na yun dito? Kaya ba ayaw ni poor girl na ihatid ko sya dahil..

=__= Badtrip! kaya pala! May date pala sila ng hudas na yun! Kakaasar! Bwiset talaga. Napahiya lang ako. Sana pala hindi na alng ako nag offer. -__-

Pero namalayan ko na lang ang sarili ko na ini-start ang car ko. Gusto ko lang malaman kung saan sila pupunta, at kapag inabot ng dilim sa pag uwi si poor girl..patay sya sakin. >:|

(A/N: Pardon for the super 'long' chapter. Haha. Napagtripan ko lang mag type ng ganyan kaikli sapagkat..katatapos ko lang mag encode ng madaming libro sa MS Access. -__- Dedicated ko nga pala ang chapter na to kay cHaeInson. thank you for reading and waiting sa super slow na UD's ahaha. Sensya na po sapagkat..likas na tamad lang ang otor. Basta thank you! Comments and vote guys! Love, Gabby.)

The Man of My Dreams (on hold)Where stories live. Discover now