CHAPTER 18 (Market)

385 7 0
                                    

CHAPTER 18

(Market)

(Ivan's POV)

Tama lang sa oras ang pagkagising ko ngayong umaga. After kong maghilamos at mag toothbrush bumaba na ako papuntang kusina para magluto ng almusal.

Kaso pagdating ko dun may nakahayin na sa lamesa. Puro breakfast dishes. Sunny side up egg na dalawa. Tig isa talaga kami. Tapos dalawang sausage at konting tocino. Wow.

Tapos may mabangong friedrice pa. Kyaaa. Kumalam tuloy ang sikmura ko. *m*

Bagong hayin pa lang yung mga pagkain tapos nakita kong nagsusulat si pusit ng list ng mga bibilhin sa grocery store.

Mag go-grocery nga pala kami ngayon kasi ubos na yung one month stocks namin sa fridge.

Ang haba na nung list ni pusit at iniisip ko kung magkano kaya ang aabutin nun lahat lahat? Kyaaa. Ayoko nang isipin. -___- Maloloka lang ako kung magkano ang magagastos. -___-

Haaaay. Enebe. Para kaming timang nito ni pusit. Akalain nyo yung nalalampasan namin ang mga araw na lagi kaming ganito? Parang magkagalit. Ay ewan. Sobrang silent mode nya kasi e tapos lagi pang masungit. Nak nang..

Makakain na nga lang tutal nag i-start na rin syang kumain. -___-

Nom. Nom. Ang sarap. *O*

Bakit ba kahit simpleng ulam lang ang lutuin niya napapasarap nya ng bongga? Try ko ngang i-check ang timbang ko mamaya. Palagay ko kasi simula nung lumipat ako dito hindi ko na nacheck ulit yung timbang ko. =___= pupusta akong tumaas. Lagi kasing madami ang nakakain ko everytime na sya ang nagluto. Ang sarap kasi e. Bet ko, HRM or Culinary ang possible na kuhanin ni pusit na course pag nag college na kami. XD

“Bilisan mong kumain. Tutulala ka pa dyan!”

Muntik ko nang mabitawan yung kutsarang hawak ko. Nabigla kasi ako sa kanya e. Hayan na naman po ang menopausal pusit..nagsusungit na naman. Bilisan ko na nga lang ang pagkain.

“Ano ba? Bagal mo? Ayokong pumili sa ATM machine ng matagal!”

Opo nandyan na! Napaka sungit talaga nito. Nakakainis na minsan. Sabihin natin na lagi akong naiinis. E kasi naman, lagi nang masungit. Hindi naman ako katagalan e. Sadyang mabilis lang siya. -___-

Nakasakay na kami sa pick up car niya. Yung whitecar ang ginamit ni pusit pang market. Remember, ito yung binagga ko ang bumper a month ago. Hehe. Tae, naalala ko na naman yung unforgettable utang kuno ko. -__- Kaya madali niya akong utus-utusan e tsaka sigaw-sigawan, dahil CERTIFIED JULALAY niya daw ako. Anak nang..balang araw makakaganti rin ako sayo pusit ka! Bwahahaha.

Nakapila na siya sa ATM machine. Hehe. Ang haba pa ng pila at ang init. Kawawa naman siya. Kaya pala maraming nagwi-widraw ngayon kahit sahod day. Nakakamiss yung araw na sumasahos ako sa coffee shop. Sa sem break talaga babalik ako dun. :D Babalik kami nina Denisse at Pareng Art. Nakakamiss din kasi si Don Samto.

Pinagmamasdan ko lang si pusit sa labas habang nakapila. Pihado akong barino na naman yan. Okay, ako na naman ang may kasalanan. =__= Ako naman lagi ang cause nang pagka badtrip niya e. Putspa. =___=

Kung titingnan mong mabuti, nangingibabaw ang appeal ni pusit. Ang gwapo kasi. Ang tangkad pa tsaka ang puti rin. Full package na para sa instant dream boyfriend. Choss! Kaso masungit kaya wag na lang. Bwahahaha.

After a while bumalik na sya. Ang O-M-G lang..ang laki nang kanyang winidraw! :D Kaloka. Siya na ang rich! :D Hindi naman kasi tinatanggap ang credit card sa school. Dapat papel nap era talaga. Sa market naman, in case na hindi gumana yung system for credit cards, meron syang cash. Ganyan si pusit. Kaya pag minsan nakaktuwa din sya e. Lagi syang may back ups. :)

The Man of My Dreams (on hold)Where stories live. Discover now