CHAPTER 2 (The Five Signs)

1K 30 7
                                    

CHAPTER 2

(The Five Signs)

Tatlo sa mga kaibigan ni mama ang pinuntahan namin para makitira muna pansamantala.

Kaso..

Wala..wala talaga. Halos mga close friends yun lahat ni mama pero wala saming nakatulong.

Mahirap lang din sila katulad namin.

Yung kaibigan number one na pinuntahan namin ni mama, ang dahilan niya, dadating daw ang mga kamag anak niya kaya wala ng bakanteng kwarto.

Then, nag thank you nalang kami at umalis na.

Yung kaibigan number two naman ni mama, dyusko! Three months nang hindi nakakabayad sa upa kaya sabi niya na hindi kami kayang patirahin dun ni mama kahit pansamantala ng libre, magagalit daw lalo ang landlady niya.

At yung kaibigan number three naman,

well..

Ang alam kasi namin na pamilyadong tao na yun kaso..nadatnan naming may..alam nyo na!

At dahil sa nahiya kami, umalis nalang kami.

Nawawalan na talaga ako ng pag asa!

Baka nga sa kalye pa kami matulog ni mama.

Di naman yata ako papayag non! Kawawa si mama, mamaya magkasakit pa siya kaya kaylangan kong mag isip ng paraan.

Laylay na ang mga balikat ko.

Iniisip nyo siguro kung bakit hindi kami umupa nalang sa apartment ano?

Eto ang sagot ko.

Pengeng pera!!

Wala nga kaming pera e. Mama ko, isang waitress sa isang resto. Kaso kulang sa amin yung sweldo niya.

Ako naman, MWF then half day sa saturday ako dumuduty sa isang coffee shop.

Minimum lang ang sweldo ko dun at pandagdag lang sa pang gastos namin ni mama.

Nagpapahinga kami ni mama ngayon sa isang park sa ilalim ng puno.

Napansin kong tahimik si mama, naririnig ko rin ang mahinang hingal niya.

Naaawa ako kay mama.

Hindi pa nga pala kami nag aalmusal, bwiset kasing dimolisyon iyon e!

May bente pesos pa naman ako sa bulsa ko kaya bumili ako ng bottled cold water at isang skyflakes, pampalaman ng tiyan ni mama.

The Man of My Dreams (on hold)Where stories live. Discover now