CHAPTER 23 (The other side of him)

267 8 0
                                    

CHAPTER 23

(The other side of him)

(Ivan’s POV)

“Hop in.”

Utos sa akin ni Pusit. Pinapasakay niya ako sa loob ng sasakyan niya. “P-pero baka may makakita na magkasama tayo.” You know, ayaw ni Pusit na may makakakitang magkasama kami. Dito sa school stranger kami sa isa’t-isa.

“I don’t care! Just go inside!” Hindi naman niya ako sinigawan pero irita ang boses niya. Siya pa ang may ganang mag sungit eh ako na nga yung nasiraan ng bike! Kainis. Huhuhu. Bikey.. anong nangyari sayo? Bakit ka sira-sira? Sinong gumawa sayo?

Ilang minute lang pumasok na rin sa loob ng sasakyan si Pusit. Nilagay niya ata sa compartment ng sasakyan niya si Bikey. Teka, mukhang malakas ata ang pag-iyak ko.

“Did you hurt?”

“H-hindi naman.”

“Eh, anong nangyari? Bakit nagkaganoon ang u-ugod-ugod mong bike?”

“Hindi ko alam. Pag dating ko kanina nakita ko na siyang ganyan.” Malaman ko lang kung sino ang may kagagawan niyan nako patay sakin ng wagas!

“Para bike lang iniiyakan mo. Tss. Ang babaw mo talaga.”

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. “Kahit na luma na si Bikey, mahalaga siya sakin. Magkasama na kami bata pa lang ako. Siya ang kauna-unahan kong bike. Kaya sobrang sakit sakin ang nangyari sa kanya.”

“Tss. Ewan.” Pina andar na niya ang sasakyan at sinadsad na naming ang daan pauwi sa bahay.

Pero inihinto lang ni Pusit ang kanyang sasakyan sa harap ng bahay. Bakit kaya hindi niya ipinasok sa loob?

“Bumaba ka na. May pupuntahan pa ako.”

Tumango na lang ako at bumaba na ng sasakyan niya. Hindi na lang ako nagtanong kung saan siya pupunta kasi alam kong susungitan lang niya ako.

Pero saan kaya siya pupunta? Nakaka-curious naman. Malayo na ang sasakyan niya ng may maalala ako. Hala! Nasa compartment nga pala ng sasakyan niya si Bikey! Kainis! Sana pala pinakuha ko muna sa kanyang sasakyan. Eh, mukha naman kasi siyang nagmamadali. ‘Di bale na nga. Hindi naman siguro siya gagabihin ng uwi.

Nagpalit na ako ng pambahay para magluto ng hapunan namin. Ano kayang mailuto ngayon? Minsan naman kasi nagluluto ako ng depende sa gusto ni Pusit. Kahit kaylan hindi ko nagawang magtanong sa kanya kung ano ang gusto niyang kainin. Para kasing nahihiya ako.

May naisip akong ideya! Bakit nga ba ngayon ko lang ito naisip?

Tumawag kaagad ako sa mommy ni Pusit. Sa kanya ko na lang itatanong kung ano ang mga paboritong pagkain ni Pusit.

“Hello, Ivan? Oh, kumusta?”

“Mabuti naman po, Tita. Kayo po ni mama?”

“Okay naman kami, nag e-enjoy naman ang mama mo dito. Kaso syempre, hindi niya mapigilang hindi ka ma-miss.”

Namasa ang mata ko. Kahit ako miss na miss ko na si Mama. “Miss ko na rin po ng sobra si mama.”

“Sasabihin ko na lang na tumawag ka. Tulog kasi siya ngayon. Oh, kumusta naman ang anak ko? Kumusta si Jacy Boy? Hindi ka ba niya inaaway? Close na ba kayo?”

Close? Masyadong malabong mangyari. Hindi ako inaaway? Dyusko, araw-araw. At kumusta ang anak si Pusit? Nakakainis siya everyday!

“A-ah.. okay naman po si Pusi—Jacky.. h-hindi naman po niya ako inaaway. Mabait naman po siya.”

The Man of My Dreams (on hold)Where stories live. Discover now