CHAPTER 11 (New Classmates)

510 17 2
                                    

CHAPTER 11

(New Classmates)

(Ivan's POV)

Ganito naman tuwing umaga..

Kung sino ang unang magigising sya ang magluluto. E ako ang naunang nagising kasi feeling ko hindi naman ako nakatulog ng maayos last night.

Kasi yung taong yun ang laging tumatakbo sa isip ko..

Ang taong tumatakbo sa isip ko buong gabi ay nasa kabilang pader lang ng kwarto ko.

Ewan ko, basta maya't maya na lang sya pumapasok sa isip ko. Nakakadistract lang ee. Siguro dahil lang sa nangyari kahapon..

Nagluto lang ako ng bacon at sunny side up egg. Nagmuka pa ngang galaxy yung sunny side up ko e. -___- Nabasag kasi yung egg yolk.

At gaya rin ng kinagawian ni pusit sunget. Pagkagising niya, medyo basa ang muka niya dahil sa paghilamos tapos pupuntang kusina at iinom ng tubig. Every morning ganyan sya. Nakagawian na siguro niyang uminom lagi ng tubig tuwing umaga imbes sa coffee or milk. Ang unique naman niya.

Kahit bagong gising siya ang gwapo gwapo niya. Fuuuu~ bakit ba ang hot ng lalaking ito kahit bagong gising? Kaloka. Parang ang sarap sarap pisilin ng pisngi niya e. Grrr. Nanggigil lang? Hehe.

Ang kyot kyot niyang tingnan. Kaso ang sungit sungit naman. Tss. Laging seryoso ang muka, pero kahit ganun..di naman nababawasan ang good looking niya..

Kung baga sa iba, mas lalo daw nakakainlab. Lol. XD

Hay, makaligo na nga..

Ready to go to school na ko. Tinitigan ko ang new phone ko na hawak hawak ko. Kasalukuyan naman akong nag sa soundtrip. Ang gaganda nga ng mga new songs na naka save dito. Nagulat pa ako nung makita ko rin dito yung mga old files ko na nasa phone ko dati. Siguro si pusit ang naglagay..

Kaloka tong uniform ko. Di pa rin ako sanay suotin. Kyaaa~ masasanay din ako tiwala lang..

Nakakamiss lang ang old school ko. Kasi hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na iba na yung takbo ng buhay ko. Waaa~ dahil na to sa tulong ni tita Jane. At pati na rin ni pusit. -.-

Waaa~ kawawa naman tong inbox ko. Walang message! Ang masaklap pa. Nawala ang contacts ko kay pareng Art at bestfren Denisse. T___T paano ko na sila maiinform nito? Kinamalas malas nga naman oh. Tsk, tsk. Sana naman paladin na akong makita sila sa campus. Syemey kasi. Ang laki laki ng school na yun tapos ang dami pang estudyante. Nakakaloka lang, puro pa mayayaman. Nagsama sama yata dun ang mga anak ng mayayaman e. =_____= Ako lang ang dukha.

Nasaan na ba yung pinaka mamahal kong bike? Hoho~ mauna na akong pumuntang school kay Jacy boy. Baka masungitan lang ako niyan e.

"Hoy."

"Ay kabayo ka!"

"Kabayo? Ako? Sa gwapo kong ito mukang kabayo? Tss."

Nakakainis naman tong pusit na to! Nakakagulat. Akala ko mamaya pa to papasok e.

Di ko alam kung bakit ako biglang napatingin sa ID niyang color pink. Buti na lang bumabagay sa boys ang pink dahil na rin sa kulay ng uniform nila..

Bakit parang..iba yata ang pakiramdam ko sa color pink na yan sa kanya? Ang weird e.

Nga pala, sabi niya gwapo daw sya? Totoo naman e. Kaso..may pagkamayabang din pala tong pusit na to. -__-

"Bakit? May kaylangan ka ba?"

"Sumabay ka sa akin pag punta ng school."

O__O

Ano daw? Gusto nya akong isabay? Weh? Di nga? Kyaaaa~

The Man of My Dreams (on hold)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora