CHAPTER 20 (A Strange Guy in My Dream)

364 11 1
                                    

CHAPTER 20

(A Strange Guy in My Dream)

(Ivan's POV)

Pagkagising ko nag toothbrush kaagad ako at uminom ng isang basong tubig. Pasado alas sais na ng umaga. Na late ako ng gising. Sana hindi ako ma late pag pasok.

E pano ba naman, yung panaginip ko dati biglang napanaginipan ko na naman. Parang continuation lang. Same place, same time at same ambiance. Ang lalaking iyon pa rin ang kasayaw ko sa panaginip na iyon.

Ang weird nga e. Hindi talaga ako marunong magsayaw pero bakit sa panaginip ko ang galing galing ko daw sumayaw na halos hindi ko naaapakan yung paa ng gwapong lalaking kasayaw ko. Kaloka.

Alam kong gwapo siya kahit may takip na half mask yung mukha niya. Ang ganda kasi ng lis niya. Super nakakaakit tapos ang tangos pa ng mukha niya.

Nararamdaman ko rin yung init ng kamay niya. Habang hawak niya ang kamay ko parang ingat na ingat siya. Nararamdaman ko pa rin nga hanggang ngayon yung kilig na nararamdaman ko sa panaginip ko e.

Hay, panaginip lang 'to. Makapag ayos na nga ng sarili. Baka ma-late pa ako.

Pagbaba ko sa kitchen nakita kong naghahayin na si Pusit ng aming breakfast. Nakakagutom na naman ang niluto niya. At tsaka kahit simpleng sunny side up egg nagagawa niya pasarapin. 

Kakaiba talagang lalaki si Pusit. Hindi mo akalain na sobrang galing magluto. Magaling maglinis ng bahay. Matalino tapos ang sipag-sipag. 'Yon nga lang, masungit at pilosopo. Medyo sumablay ng konti.

Pero kung mabait siya sakin. I mean, kung magkasundo lang kami baka..

Never mind.

Pagkadating ko sa bahay from school ginawa ko kaagad yung mga nakakaloka kong assignment. Nang matapos ako napatingin ako sa Pusit's booklet ko. Nakasulat kasi dito about kay Pusit. Syempre, pinag aaralan ko ang ugali niya kaya sinusulat ko dito.

Pero this time, parang hindi about sa kanya ang gusto kong isulat dito. Gusto kong isulat dito ang misteryosong istrangherong kasayaw ko sa panaginip ko. 

Kahit nasa klase ako kanina bigla-bigla na lang pumapasok sa isip ko ang panaginip na iyon kaya nawawala ako sa focus.

Naisip ko lang. Ano kayang ibig sabihin 'non? Naguguluhan ako e. Pero sana hindi naman masama ang tungkol 'don. Kung may maidudulot na maganda ang paulit-ulit kong panaginip e di ayos.

Pero sa totoo lang, gusto ko syang makilala. Gusto kong makilala ang estrangherong kasayaw ko sa panaginip ko.

Nasa ganoong kalalim na pag iisip ako ng tumunog ang selpon ko. Tumatawag si Denisse. Bakit kaya?

"Bespren!"

"Oh? Napatawag ka?"

"Sasama ka ba sa Tour?"

Oh that. May tour kasi yung mga players ng school namin. Isa ako sa mga player pero wala akong balak sumama. Wala akong budget e.

"Hindi ako sasama. Bakit?"

"Ay? Pero okay na rin. Hindi ako kasama e. Hahaha!"

Kahit magkausap kami sa telepono napa poker face ako. Pano e hindi naman talaga sya makakasama kasi hindi naman sya player.

Si Pusit slash Jacy Boy slash Jacky Hernandez kasama sya sa tour. 'Yon pa! Papahuli? Bumili na nga sya ng snack para sa tour e. Naka prepare na kasi sa fridge.

Hindi ko nga alam kung tutulungan ko pa ba siyang mag prepare bukas o hindi.

Siguro kaylangan ko syang tanungin. Mabuti pa nga.

Pagkababa ko sa salas nakita ko syang nanunuod ng spongebob squarepants! Kalurkey! Nakalimutan ko na may spongebob nga pala ngayon.

Tumabi ako sa kanya sa couch. Syempre, sa may kabilang dulo ako at sya naman sa kabilang dulo din 'no. Hindi kami totally magkatabi. Napatingin pa nga sya noong umupo ako.

"Pwedeng makinuod?" tanong ko.

"Bawal."

Bwiset. Isaksak nya sa baga nya ang T.V! Enjoyin ko na nga lang ang palabas.

At dahil tawang-tawa ako sa episode ng spongebob squarepants, hindi ko mapigilang tumawa ng wagas. Ito namang katabi kong pusit hindi manlang matinag. Normal lang ang mukha. Zero expression. Kaloka. Hindi manlang tumatawa sa episode kahit sobrang nakakatawa. Ano bang meron sa taong ito? Ay hindi nga pala sya tao. Pusit nga pala sya.

"Hahahaha!" Syet! Tawang-tawa talaga ako sa episode ngayon.

Bigla na lang ako napanganga dahil ang bwiset na pusit nilipat sa ibang channel! Inilipat nya sa basketball! AXJPTHNZPS! Patapos na yung episode nilipat nya sa ibang channel! Argh! Kakainis!

"Bakit mo nilipat?!"

"Pakelam mo."

Pinigilan ko ang inis ko. Pero gusto ko talagang matapos yung episode kaya hinablot ko yung remote sa kamay niya at ibinalik yung channel sa spongebob.

Siya naman yung nabwisit. "Hoy! Bakit mo nilipat?!"

Ano? Isasagot ko ba ay pakelam mo rin? Hahaha.

Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy na lang ulit ako sa panunuod.

Siya naman yung kumuha ng remote sa kamay ko at ibinalik yung channel sa basketball.

May lumabas na usok sa ilong ko dahil inis na inis na ako. Ang nangyari e nag agawan na kami sa remote.

Tama. Nag aaway na talaga kami dahil sa remote. Hindi na kami nakafocus sa pinapanuod namin. Focus na kami sa pag aagawan ng remote. Para kaming mga bata sa hitsura namin. Nag aagawan kami ng remote habang nakatayo sa ibabaw ng couch.

Since nasa kamay ni Pusit yung remote, sinubukan kong makuha iyon sa kamay niya with matching ninja moves. Kaso na out balance ako. Ang resulta nahulog kami ni Pusit sa carpet.

Buong akala ko masasaktan ako mula sa pagkahulog pero.. yung braso ni Pusit naka yakap sakin at yung kamay niya nakahawak sa ulo ko para hindi ako mauntog sa sahig.

At sa hindi ako maintindihan.. sa ibang airport naglanding yung lips niya. Syet! Yung lips nya naglanding sa lips ko. Alam nyo na kung ano ang hitsura namin ngayon kaya sobrang nanlalaki yung mata ko sa kanya. Gaya ko nagulat din sya. At nanlalaki rin ang singkit niyang mga mata.

After a second lumayo na siya sakin. Parehas kaming hindi pa makarecover sa nangyari.

Totoo bang nangyari 'yon? Nagkiss kami ni Pusit?

Hindi! Hindi 'yon kiss dahil naglapat lang naman ang lips namin. Ehmeged parehas lang ata 'yon? Nakakaloka!

"S-sorry." sabi niya pero hindi sya nakatingin sakin.

"S-sorry din." nilapag nalang niya yung remote sa couch.

"Nasaktan ka ba?"

"Hindi naman. Okay lang ako."

Tumango na lang sya at umakyat na papuntang kwarto niya.

"Nga pala, tutulungan pa ba kitang mag prepare sa tour nyo bukas ng umaga?"

Nasa ikatlong baitang pa lang siya nang huminto siya. "Bahala ka." he said without looking at pinagpatuloy na ulit ang pag lalakad.

Bahala daw ako? E di ako ang bahala. Choss.

Napahawak ako sa lips ko.

Ganoon pala ang feeling ng.. first real kiss.

Nakakakaba..

The Man of My Dreams (on hold)Where stories live. Discover now