CHAPTER 10 (Weird Plan)

515 14 3
                                    

CHAPTER 10

(Weird Plan)

(A/N: yung gusto pong magpa dedic sa story na to..libreng libre po ang comment box..request lang po kayo. Wee. Thank you po sa mga readers nito.)

(Ivan's POV)

*O*

Teka ano to? May kakaibang bagay na nakalagay sa study table ko na color white tapos..

Ano ba to? Mahaba sya na manipis tapos ang cute! Waaa.

Ay kamote! Kakagulat naman tong bagay na to! Biglang umilaw nung hinawakan ko. Kyaaa~

Alam ko na kung ano to..

Isang bonggang cellphone!

Hmm..may alam ko na din ang ibig sabihin nito..

Nawala kasi sa table ko yung sira kong phone. Ahh..

Tss..

Ewan ko kung bakit bigla akong napangiti..

Gets ko na. Tss, pinalitan niya ang phone ko. Siguro hindi niya napa ayos? Lumang klase na kasi yun. Nga pala..asan na ba ang luma kong phone?

Kinutingting ko yung new phone "ko". Ko na talaga? Hehe. Kaloka naman tong cellphone na to oh. Touchscreen. -___- Ang hirap gamitin. Waaa~ sanay ako sa keypad! Waaa. Ano ba to. Hirap na talaga pag di nakakasabay sa mga new gadgets. Kaloka. -___-

Kyaaa! Nga-nga lang ako sa selpon na to. Ang bongga ng mga apps e. Waaa. Nawindang ako. Di ko pa rin maimagine na ganito na ngayon ang new phone ko. Kaloka~

Ang cute naman ng kulay nito. Teka..masaya siguro kung magpipicture picture ako dito. Baka sakaling maganda ako. Mehehe~

*click!*

Oh ha? Ang ganda ko kahit mukang duck. Nyahaha.

*singhot! singhot!*

Uuy, ang bango naman ng naaamoy ko. Nagluluto ba si pusit sunget? Ang bango ee..kyaaa~ nakakagutom. Makababa nga para tingnan..

Sa kusina..

*O*

Woow!! Hala! Kakaloka naman ang nakahain sa mesa. Sya ang nagluto nyan? Waa~ di nga? Gurabe..saludo na talaga ako sa kanya sa cooking!

Ang strange nitong mga pagkain ee. Parang japanese style..

"Kumain na tayo."

Ay kamote! Kagulat naman tong pusit na to oh. -___- Sa totoo lang nagugulat pa rin talaga ako once na una syang magsalita..

Makakain na nga lang dahil gutom na ako. Kyaa~

Kruuu~ ang lakas ng tunog ng tyan ko. Syemey.

Nakakainis nga lang! Kyaaa~ di ako marunong gumamit ng chopstick! Uwaaa. Pano ba to? Nahuhulog yung kinukuha ko e. Waaa. Nakakahiya na tong ginagawa ko..

Napatingin ako kay pusit. Haluuu, ang galing naman niya gumamit ng chopstick. Buti pa sya dirediretso ang subo! Waaa~ gutom na talaga ako!

Tss! Nakakainis tong pusit na to! Alam kong pinipigilan lang niyang matawa! Nakakaasar. Tss. Makagamit na nga lang ng kutsara at tinidor!

"Hindi mo yan mafefeel kainin kung hindi mo yan gagamitin." -.-

Feel. Feel! Ang hirap kaya! E di ikaw na marunong humawak! Halika dito, turuan mo ko. Lol. As if! -___-

"E di naman ako marunong gumamit nito e."

"Tss. Madali lang yan."

"Magtitinidor na lang ako."

Halaaa! Nagulat ako nung bigla syang tumayo at lumapit sa akin.

"Ganito ang tamang paghawak dito."

Tapos kinuha nya yung chopstick ko at pinahawak niya sa akin tapos..

He grabed my hand..

Kinikilig ba ako? Medyo. Mehehe~

Ahh, ganito lang pala ang tamang pag hawak..

Kyaaa~ kaylangan kong mag focus dahil nakakailang..

Kyaa~ buti na lang tapos na niya akong turuan dahil bumalik na uli sya sa pwesto nya. Kakaloka..matagal din niya hinawakan ang kamay ko ah. Kyaaa.

Buti na lang natapos din kaming kumain. At ako..pinanindigan ko na talagang gumamit ng kutsara at tinidor. Kaloka yung chopstick e. Kyaaa.

Siguro ito na ang time para tanungin ko sya sa selpon na to..

"Sinubukan kong ipayos yung phone pero di na kayang ayusin. Naghanap ako ng katulad pero wala akong nakita. Kaya bumili na lang ako ng bago."

Eer! O___O Talaga? Waaa! Bakit ganito ang nafe feel ko? Touch ba ako? Baka? Speechless ako..

"Uhh, o-okay.."

Pero sandali lang..bakit parang katulad ata nitong phone ko yung phone na katabi niya? As in..magkatulad talaga..

"M-magkatulad tayo ng phone?"

"Buy one take one, sayang kung isa lang ang bibilhin ko at mataas din ang discount."

Buy one take one? Ayos ah..

"Uhh, ganun pala."

Tumayo na siya tapos pumunta sya sa living room. Okay, ako naman lagi ang taga pag ligpit ng pinagkainan. Tss..okay lang. Sya naman ang nagluto e..

Spongebob Squarepants.

Kyaaa! Oo nga pala! Waaa. Muntik ko ng makalimutan. Buti nalang nagbukas ng TV si pusit! Weee~

Spongebob my loves! Ano kayang episode ngayon? Kaloka..

Nung pagkaupo ko sa couch bigla namang tayo ni pusit tapos pumunta sya sa kitchen. Waaa~ mamaya na ako maghuhugas ng pinggan, papanuorin ko muna si spongebob my loves!

Pero ilang sandali lang bumalik na si pusit na may dalang..

Sliced cake na chocolate flavor! Waaa! Oh my. Seems delicious! Kyaaa. Nakakatakam!

Tapos nilapag niya sa harap ko yung sliced cake.

Wait..para sa akin yan?

Ang weird ngayon ni pusit..may pumasok tuloy na pasaway sa ulo ko..

Alam ko na para ma reduce ang pag susungit niya sa akin..

Dapat pala..lagi syang may nagagawang kasalanan sa akin. Wahaha. Dapat lagi akong gumawa ng plano kung paano sya magkakaroon ng kasalanan sa akin. 

Oh syet..ang weird ng plan ko. Haha.

E bakit ba..para hindi sya makapag sunget no. Kyaaa~ ang saya.

Nasaan na ba yung pusit's booklet ko? Maisulat nga. Weee~

Habang nanunuod kami ng spongebob squarepants kumakain kami ng sliced cake. At dahil pabalik balik kami sa pag slice uli ng cake, dinala na ni pusit yung cake sa living table. 

Take note..naubos namin yung isang round.

Kaloka. Ang sarap kasi..

Mahilig din pala sya sa something sweet. Kyaaa! Pusit's booklet..sulat ko ulit. Weee~

(A/N: Sino pong marunong gumawa ng book cover? Plano ko po kasing mag change ng book cover nitong AMOMD..gusto ko kasi kasama na si Ivan sa cover..waaa~ sana meron..

Maraming thank you in advance! Muah tsup tsup. Mehehe~)

The Man of My Dreams (on hold)Where stories live. Discover now