CHAPTER 24 (Selos?!)

246 10 1
                                    

CHAPTER 24

(Selos?!)

(Pusit’s POV)

Bago ako pumunta ng classroom dumeretso muna ako sa Student Council Office.

“Yow, Jacky! Glad to see you here.”

Nag bro-fist kami ni Mac. Siya ang student council president ng campus. Barkada ko siya kahit hindi ko siya classmate. Ka-team ko rin kasi siya sa basketball kaya ganun. Bihira nga naman ako makapunta dito.

“So, ‘sup? May I help you?”

“May gusto lang sana akong hingin na pabor.”

Alam kong marami siyang ginagawa. Ni hindi nga siya makalingon sakin dahil marami siyang ginagawang paper works.

“All right. Let me hear it.”

“’Di ba, covered nyo ang mga CCTV ng school.”

“Uh-huh.”

“I want to see the video footage yesterday at the parking lot.” Alam kong hindi niya ako matatanggihan.

“Sure.” Pumasok kami sa isang room. Sobrang dami ng monitor. Natural. CCTV room ito eh.

“Bakit nga pala gusto mong makita? Pasalamat ka malakas ka sakin.”

“Thanks for that. Gusto ko lang kasi makita kung sino ang nangtrip sa bike ng kaibigan ko.” Kaibigan. Kaibigan nga ba? Tsk. Bwiset tong other mind na ito ah.

“Nang trip? Tsk. Ang dami na talagang loko-loko ngayon. Pati bike hindi pinalampas.”

Makilala ko lang kung sinong gago ang gumawa non sa bike ni Poor Girl, hindi ko siya palalampasin.

Pinabilis na lang niya ang video dahil napaka tagal. Nagulat na lang kami nang mapanuod namin na may bumanggang sasakyan sa bike ni Poor Girl. So binangga pala kaya nasira.

“Sa video na ito halatang sinadyang banggain yung bike.” Sabi ni Mac.

“Tama. Pero hindi natin nakita yung driver.”

“Hindi nga natin nakita, pero nag iwan naman siya ng ibedensya.” Napatingin ako kay Mac.

“Huh?”

May itinuro siya sakin sa screen. “Yung gago, hindi niya naisip na posibleng makita sa CCTV ang plate number ng sasakyan niya. AFG 1685 ang plate number. Sa pamamagitan nito malalaman natin kung sino siya.”

“Great! Ngayon, humanda siya.” Kaso biglang nag bell. Hudyat na umpisa na ang klase. “We’re going to continue this after the class.”

“Sure. At your service, Mr. Hernandez.”

“Sira ulo.”

Habang naglalakad ako papuntang classroom, iniisip ko kung kaninong sasakyan ang nagma-may ari ng plate number na AFG 1685. Puting sasakyan siya at mukhang mamahalin. Pero bakit kaya niya ginawa iyon? Sinadya nya yung ginawa niya at hindi iyon aksidente.

Kilala ba niya si Poor Girl? Siguro malalaman ko ang kasagutan na iyan mamaya. Hindi na tuloy ako makapag hintay ng hapon.

“Hi, Jacky. Bell na ah. Bakit nasa labas ka pa?”

Si Antonette. Classmate ko. Medyo kakaiba ang babaeng ito. Hindi ako assuming pero hindi naman ako tanga para hindi mapansin ang pagpapapansin sakin nito mahigit dalawang taon na. Gusto ko siyang deretsohin na hindi ko siya gusto. Ayoko lang manakit ng babae. Mabuti na nga lang dahil last year na naming na magkakasama.

“May inasikaso lang ako.” Walang gana kong sagot. Ni hindi ko nga magawang lumingon sa kanya.

Sa gulat ko humawak siya sa braso ko. Nakapamulsa pa naman ang kamay ko sa pantalon ko. Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Hindi ko gusto ang ginawa niya. Ewan, parang na a-allergy ako sa babaeng ito. Maganda naman. May utak din. Kaso may nafe-feel akong kakaiba sa babaeng ito.

“Sabay na tayong pumunta ng room.” Marahan kong tinanggal ang kamay niya.

“Pwede naman tayong mag sabay na hindi ka nakahawak sakin.”

“O-okay.” Napatungo na lang siya at sumabay na lang ng tahimik sa paglalakad ko.

Lunch break. Usapan naming ni Poor Girl na magsasabay kami kumain ng lunch. Siya na mismo ang nagsabi na hindi daw ata siya sanay na kumain na hindi ako kasabay. Napangiti tuloy ako sa sinabi niya kagabi. At mas napangiti pa ako nang maalala ko noong tumawag din siya sakin kagabi. Ang weird niya. Nakakatawa yung sinabi niya sakin sa telepono. Dinaig pa niya ang isang asawa.

“Nakahit-hit si Jacky ng katol.”

Napalingon ako kay Mac. Magkatabi lang naman kami ng room at dito sa room naming ang daan papuntang canteen.

“Masama ang tumatawa mag-isa.”

“As far as I know, hindi ako tumatawa. Nakangiti lang ako, Mac.” Napatawa lang siya. At pag lingon ko..

Naningkit kaagad ang mata ko. What the.. kasama na naman niya ang lalaking iyon? Huwag niyang sabihin na nakalimutan niya na dapat magkasabay kaming magla-lunch ngayon!

Lumapit ako sa kanila. Naka sunod naman sa likod ko si Mac. Pumagitna ako kay Poor Girl at Kapre. Yes. Kapre ang tawag ko sa mokong na kasama ni Poor Girl dahil mukha siyang kapre.

Sinamaan ko ng tingin si Poor Girl na habang ang mukha naman niya ay gulat na gulat. “Dinaig mo pa ang matandang ulyanin.” Sabi ko sa kanya.

“B-bakit ba? A-ano na naman bang problema mo?” tanong niya. Nasa likod ko si Kapre at hinaharangan ko siya sa paningin ni Poor Girl.

“Kasasabi mo lang kagabi na ‘hindi ka sanay na hindi ako kasabay kumain’. And then what now?”

Nagulat naman sa sinabi ko si Poor Girl. Mukha siyang hiyang-hiya. Aba dapat lang na mahiya siya. Kabadtrip!

“Nandyan ka lang pala, Ivan! Akala ko nasa canteen ka na! tara na sa canteen. Gutom na ako!” Si Nick?! Halos matumba pa kami ni Kapre dahil sa pagtulak ni Nick sakin. Buti na lang na-control ko kaagad ang sarili ko. Ano bang ginagawa ng babaeng ito? Epal masyado.

Hinawakan niya sa braso si Ivan. “Sama ka na rin samin mag lunch, Anthony!” At hinila naman niya sa braso si Kapre. Wala na lang nagawa si Ivan kaya nagpadala na lang siya sa paghila ni Nick sa kanya.

T-teka! Sandali! Ako dapat ang kasabay ni Poor Girl kumain! Asaaaar!

“What is that, Jacky?” natatawang tanong ni Mac.

“What?!” irita kong tanong sa kanya. Badtrip na nga ako tatawa pa siya dyan. Bwiset!

“That! You looked jealous.” At tumawa na siya ng halakhak. Pakyu talaga ang bwiset na tio. Kung wala lang akong kailangan dito nabigwasan ko na ito ng isa e.

“You f*cking asshole! I’m not! Mamatay na kung sino ang selos!” naglakad na ako papuntang canteen.

“Oh, baka mamatay ka. Hahahaha.”

Pinigilan ko na lang ang sarili ko. Hanggang sa marealize ko na lang ang ginawa ko kanina. Napahinto ako sa paglalakad at napailing sa inakto ko kanina. Geez, Jacky! You acting like an idiot! I swear, it won’t happen anymore!

This is weird. No, I mean, this is not me. Im acting like.. what the f*ck! What the hell is wrong with me? Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ba ayokong nakikita kalapit ni Poor Girl ang lalaking iyon?

Damn it!

The Man of My Dreams (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon