CHAPTER 1

3.4K 58 53
                                    

MAN OF MY DREAMS

By Ayoshi Fyumi


CHARACTERS:

Jacky Hernandez

Ivan Sebastian

Art Steeves

Denisse Chua

Nick Arcoa


CHAPTER 1


Hay...

Nararamdaman ko ngayon ang tunay na ibig sabihin ng sobrang kinikilig.

Isang malaking spotlight na sa amin lang nakatutok.

I'm wearing the most beautiful pink ball gown in this prom.

A prom?

Yeah. A prom.

Okay, let's continue.

We're both staring at each other's eyes.

And were both dancing in sweet background music.

Hay... sarap ng feeling.

I-ikot, then step forward, sideward, and with holding hands. Then mag bebend ng katawan, then tititigan ka niya...

Ang gwapo niya.

Wait? Gwapo?

Naka half mascara. Woah.

Kaya soft lips na nakakaakit lang ang nakikita ko at matangos niyang ilong...

Basta, mukha talaga siyang prinsipe.

Sana hindi na matapos ang oras na ito.

Sana...

Sana...


"Sana!"

Naramdaman ko na lang ang kirot sa likod ko at tuluyan nang nagising mula sa magandang panaginip. Panaginip. Oh. Panaginip lang pala... pero bakit gumagalaw ata ang paligid? Teka...

Lumilindol?!

Hindi tama to! As in gumagalaw talaga ang paligid ko! Oh, no... si mama! Ang mama ko!

Bumaba ako ng hagdan. Ang hagdan naming na kawayan. Pero naasaan na ang mama ko?

"Mama!" Malakas kong tawag sa kanya.

Nakita kong nagpapanic ang mama ko. Dala-dala niya ang mga gamit namin na hindi ko maintindihan kung mahahakot namin lahat.

"Naku, Ivan! Dinidimolish na tayo! Kuhanin mo na ang mga gamit mo! Basta! Yung mga importante na lang, kung kukuhanin mong lahat, baka makasama pa tayo sa pagguho ng bahay natin! Kaya bilisan mo na!"

Naiiyak na ako.

Kung ganoon hindi pala lumilindol kundi tinatrucktura na pala ang bahay namin para magiba! Oh Lord, bakit nangyayari po ito? Tulungan Niyo po kami...

Kanina lang ang ganda ganda ng panaginip ko tapos ngayon... hay. Ano ba naman to? Pero teka. Hindi ito ang oras para umiyak ako. Kaylangan kong magpaka tatag!

Yeah, tama! Ivan! Kaya mo to! Aja!

"Ivan, ano ba? Matagal ka pa ba? Bilisan mo! Wag mo nang kunin lahat! Basta yung importante lang!"

Okay yung importante.

Eh lahat naman sa akin na gamit ko importante! Oh, I almost forgot. I'm Ivan. Ivan Sebastian. Taga dito sa bayan na ito na ngayon ay dinidimolish. And opo squaters po kami. We're poor. Pero kahit ganon, nakakaraos pa rin kami sa araw-araw.

Nakalabas na kami sa aming bahay. Dumaloy na nga ang mga luhang pinipigilan ko kanina pa habang pinapanuod ko̶este namin ng mama ko na gumuguho ang aming munting bahay. Kahit ganyan ang bahay namin, mahal na mahal ko yan. Halos walong taon na rin kaming nakatira dyan. Kaso nga lang ganito pa ang nangyari dahil sa bwisit na trucktura na yan!

Tumingin ako sa mama ko. Naaawa ako sa kanya. Gusto na rin niyang umiyak, pero alam kong pinipigilan lang niya.

Matatag ang mama ko. Tabletas yan, eh! Nga pala, ang tabletas e salitang kalye which means matibay o matatag. Well dito ko lang din natutunan ang mga ganitong salita.

Halata ko talagang gusto na niyang umiyak. Simula noong mamatay ang papa ko iyon ang huli na nakita ko siyang umiyak. Simula noon, isang matatag na mama na ang nakita ko.

Humahanga ako sa mama ko kasi ang tatag-tatag niya. Kaso nga lang fifty percent lang ng katatagan niya ang namana ko. Nabuhay nga niya akong mag isa, eh. Take note, napagaaral niya rin ako sa magandang eskwelahan.

Speaking of eskwelahan.

Buti nalang vacation month ngayon. One week to go before school day, at hindi pa ako enroll. Inihanda ko na talaga ang sarili ko na baka mag stop ako. Kung sakali mang mag stop ako this coming school year, okay lang. Hindi ko na lang sasayangin ang buong taon na dadaan, baka mag work nalang ako. Then yung suweldo ko idadagdag ko nalang sa pang tuition fee ko.

Ayos di ba? Diskartehan lang sa buhay basta maganda yung gagawin ko at marangal.


NAGKAKAGULO pa rin ang iba naming kabitbahay. Yung iba lumikas na at hindi ko alam kung saan na pumunta. Buti na lang nadala ko 'tong pinaka mamahal kong kakaragkarag na luma kong bike.

Grabe, nakakapanghinayang... ang dating mga bahay dito ngayon ay wala na. Puro giba na at mukhang di na mapapakinabangan lahat. Well, ganito talaga ang buhay. Minsan nasa ibabaw minsan nasa ilalim.

'Di ko masisisi ang may-ari ng lugar na ito, kanya ito. Ang alam ko may ipapatayo daw ditong mall.

"Ngayon, kaylangan nating humanap ng matutuluyan kahit pansamantala lang."

Tama, kahit pansamantala lang. Pero ang tanong...

"Saan na tayo titira ngayon, 'Ma? Wala na yong bahay natin at..."

Napaiyak na naman uli ako.

Hinawakan ng mama ko ang magkabilang balikat ko at iniharap niya ako sa kanya.

"Ivan, wag kang umiyak. Kaylangan nating magpakatatag. Alam kong wala tayong kamag anak ritong matitirahan pansamantala kaya kaylangan nating magpakatatag."

Tumango nalang ako.

Nagsimula na kaming maglakad. Ngayon, saan naman kaya kami pupunta?

The Man of My Dreams (on hold)Where stories live. Discover now