CHAPTER 8 (Certified Julalay)

577 19 6
                                    

CHAPTER 8  

(Certified Julalay)  

"Bakit hindi mo manlang ako ginising?!"  

"Ayos ka rin no? Ano ako human alarm clock mo?! Tss."  

Opo.  

Kagandahan ng umaga nag aaway kami. Pano ba naman, 07:00am na ako nagising and 08:00am ang class namin. Kaloka, hindi ako nagising sa alarm clock ko! As in ganun pala kalalim ang naging tulog ko? Gulay.  

Nagising lang ako nung sa panaginip ko ay natapilok daw ako sa pakikipagsayaw sa lalaking nasa panaginip ko. Oo, napanaginipan ko na naman siya kagabi, same place, same time, same ambiance and same happening. Ano bang meron sa panaginip kong iyon at paulit ulit nalang? Tss.  

At iyon nga..nung magising ako agad kong tiningnan ang oras. Tss. Di manlang ako ginising ng pusit na yun. Muntik na tuloy akong malate buti nalang mabilis akong kumilos. Asar lang.  

Buti naman with in 25mins nakapag ayos na ako ng sarili ko and ready to go to school, hindi naman kasi ako naglalagay ng kung ano anong borloloy o kolorete sa muka e. Im just simple, at iyon ang kaibihan ko sa school na pinapasukan ko na ngayon. Doon, lahat sila mga mukang artista, ako lang dun ang mukang PA. Sabagay, PA naman talaga ako e. Isa akong Certified Julalay ng gwapong masunget na pusit na yan.  

Muntik ko pang makalimutan na kaylangan ko pa nga palang mag luto for my pack lunch dahil ginto ang presyo ng pagkain dun sa school canteen. Isa lamang akong dukha and cant afford ko ang mga pagkain dun, kaylangan ko pating damihan para kay Nick, pagpapasalamat ko na rin sa kanya kasi tinulungan niya ako kahapon at siya pa ang una kong naging friend sa school na full of socialites.  

Hay. Buti nalang malapit lang dito ang Western Town. Pwedeng pwedeng lakarin, pero dahil mahal ko ang aking uugod ugod na bike..gagamitin ko siya ngayon dahil may nakita naman akong parking lot ng mga bike dun. Kaso mukang nakakahiyang ihelera ang bike ko dun, ang bibigatin kasi ng mga nakapark dun na bike e, yung sakin kahit walang kalawang muka pa ring pang junk shop ang bagsak.  

Kinuha ko na sya sa garage then nag start na akong magpidal papuntang school.  

-____- di ko pa rin ma imagine na iba na ang daily routine ko araw araw. Kaloka lang. Ang daming nangyari e tapos sa isang magarang school na ako ngayon pumapasok, dati iniimagine ko lang na pumapasok daw ako sa maganda at sikat na school pero ngayon totoo na at--  

*ubo-ubo-ubo*  

Poshet namang usok ah! Sino bang nilalang na yon na nagpapalala ng air polution? Grabeng usok yun ahh..non sense na ang morning bath ko, uusukan lang pala ako ng maduming tambutso ng sasakyan! Bathrep. >___< Asar.  

Sinundan ko ng tingin yung kotseng bumuga ng usok sa akin. At dahil araw araw kong nakikita ang kotseng yun at madalas ko pang masakyan..kilala ko na kung kanino yun.  

Nakakainis ka talagang pusit ka!  

Pusit! Pusit! Pusit! Pusit! Argh!  

Masunget na nga wala pang modo! Ampupu. Amoy usok na tuloy ang uniform ko. -_____- johson baby cologne pa naman din ang dala ko at hindi perfume. Ang mahal naman kasing bumili ng perfume e. Di bale na..pagtyagaan nalang kesa mag amoy usok.  

The Man of My Dreams (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon