CHAPTER 21 (Pusit's Shampoo)

361 9 4
                                    

CHAPTER 21

(Pusit's Shampoo)

(Ivan's POV)

Maagang umalis si Pusit ng bahay kasi maaga ang alis nila para sa tour.

Syempre maaga din akong nagising para tulungan syang mag prepare. Medyo awkward lang yung paligid kanina pero keri naman. Ang dami niyang ibinilin sa bahay. Siguraduhin ko daw na nakalock yung pinto. Huwag daw ako magpapapasok ng kung sino-sino. Mag isa lang daw kasi ako. Pero siniguro naman niya na secure ang buong bahay.

Medyo natuwa naman ako.

Sobrang tahimik nga nitong bahay ng mag isa na lang ako. Simula nang umalis si Pusit kanina parang naging mapanglaw.

Pano na lang dati noong mag isa lang dito si Pusit? Siguro sobrang lungkot niya. Kaya siguro ganyan ang ugali ni Pusit. Suplado. Tahimik. Masungit.

Lalo pang naging mapanglaw dahil umuulan. Ang lamig tuloy. Nag linis na lang ako ng buong bahay para hindi ako maboring. Naglaba din ako para mabawasan ang labahin.

Busy ako sa pagsasampay ng mag ring ang selpon ko.

Tumatawag si Pusit. Bakit kaya?

"Hello--"

"Kumusta ang bahay?" Wala man lang hello? Kaloka. Akala ko ako ang kakamustahin. Yung bahay pala.

"Nilinis ko."

"Good. Ang mga gate ng bahay sa harap at likod i-check mo kung naka lock. Mahirap na, mag isa ka lang dyan." Medyo kinilig ako sa huli niyang sinabi. Hehe. "Baka manakawan ang bahay." tae. Akala ko concern sakin. Sa bahay pala concern. Anak ng tofu talaga.

"Na check ko na po."

"Ano'ng ginagawa mo dyan?"

"Nagsasampay ako. Naglaba kasi ako e."

"Ganun ba. Geh. Baka madaling araw pa ang uwi namin."

"Ah sige. Enjoy sa tour--"

Tot. Tot. Tot. Binaba na niya yung tawag. Hay ewan ko sa kanya.

Teka, madaling araw pa ang uwi niya? Ang tagal naman. Masyado atang malalayo ang pupuntahan nila.

Kung may budget sana ako e di kasama sana ako. Pero di bale na. Masarap mag stay sa bahay.

Pagkatapos kong maglaba nag linis naman ako ng glass window. Syempre with background music. Pasayaw sayaw pa ako habang naglilinis kaya kahit malakas ang ulan sa labas e pawis na pawis naman ako. Pinatay ko kasi yung aircon. Pero talagang medyo malamig pa rin. Malamig kasi ang lugar na ito.

Kahit papano nakakamiss din pala si Pusit. Halos ilang buwan na rin akong nakatira sa bahay na ito at mula sa pagtulog at pag-gising ko, si Pusit ang una kong nakikita.

Bale ang kinain kong ulam katulad ng binaon ni Pusit ngayon. Siguro kumakain na rin sila ng lunch ngayon? Sana naman mag picture taking si Pusit para makita ko kahit sa picture manlang yung mga pinuntahan nila.

Kakaloka kasi si Pareng Art e. Player naman pero hindi din sumama sa tour. Sabi nya sasama lang daw sya kung sasama kami. Hay. Triplets talaga kami.

Mga bandang pahapon, medyo hindi ko na nagugustuhan ang amoy ng katawan ko. Pero nakakaloka naman maligo. Ang lamig-lamig ng tubig. Ang lakas kasi ng ulan. Ang malala pa, walang heater yung banyo ng kwarto ko. Kaloka. Hassle naman pag nag init ako ng tubig sa takure. Hindi unlimited ang tubig. Enebeyen. Las-las na Ivan!

Pero may naisip ako. Hehehe. Since wala naman si Pusit, at may heater sa banyo ng kwarto niya.. e kung makiligo kaya ako? Hehe. Wala naman sya dito e. Tsaka madaling araw pa ang uwi niya.

The Man of My Dreams (on hold)Where stories live. Discover now