CHAPTER 19 (Mr. Gwapings)

346 11 1
                                    

CHAPTER 19

(Ivan's POV)

Nagalit na naman sakin si Pusit sungit ngayon. E pano naman kasi. Hindi niya sinabi sakin na may list to buy pa pala sa likod ng papel na binigay niya sakin. Kaso talo ako e. Bakit daw naman kasi hindi ko tiningnan yung likod. E malay ko bang meron pa pala sa likod. Kainis e.

Napansin niya noong inaayos na namin ang mga pinamili namin. Sabi kasi niya parang may kulang daw. Tapos hayun, hiningi niya sakin yung list at nakita niyang hindi ko nilagyan ng check yung likod. Nagalit tuloy kaya bumalik ulit kami sa Market. Mga laundry soap pala yung nakaligtaan namin bilhin. Mahirap na kapag wala kaming stocks no'n. Lagi pa naman din naglalaba at naglilinis si Pusit. Alam nyo na, hobby niya ang paglilinis ng bahay.

Kapag pumapasok kami sa school, pag minsan si Pusit ang nauuna pumasok. Pag minsan naman ako. Pero hindi kami dapat na magkasabay. Hindi dapat malaman ng kung sino na sa iisang bubong lang kami ni Pusit nakatira. Kung maaari lang huwag malaman ng mga classmates namin.

"Pareng Ivan!"

Lumingon ako sa tumawag sakin. "Oy, Pareng Art!"

Nagsabay na kaming maglakad.

"Kumusta ka naman?"

Napatawa ako bigla. Kung makakumusta itong si Pareng akala mo naman matagal kaming hindi nagkita.

"Bakit ka tumatawa?"

"Natawa ako sa tanong mo e. Kung makakumusta ka naman dyan. Parang hindi tayo classmates 'no?"

Siya naman ang natawa. Aba'y nakakaloko 'tong si Pareng Art ah.

"What I mean is, kumusta ka ng Saturday and Sunday habang kasama mo si Jacky."

Oh. 'Yon pala ang ibig sabihin ni Pareng Art. Ako na ang LG. Low Gets.

"Tsk. As usual. Ganoon pa rin kami. Bangayan here, bangayan there. Tapos kahapon.."

Kinuwento ko sa kanya yung kashungaan ko sa Market kahapon at yung mga nakalimutan kong bilhin. Pati na rin yung sa ATM machine. Tawa lang ng tawa si Pareng Art. Ako naman natatawa sa way ng pagtawa niya. Kaloka.

Pag pasok namin sa room nandoon na rin si Bespren Denisse.

"Ivan! Good morning! Kumusta ka na?"

'Yan, alam ko na rin ang ibig sabihin pangungumusta niya. Si Pareng Art na lang ang nagkwento kay Bespren Denisse. Tawa rin siya ng tawa.

"Alam mo, Ivan. Kapag inaway ka talaga ng hard ng masungit na Jacky na 'yan tawag ka lang sakin ha? At kung gusto mo, sa amin ka na lang muna ulit mag stay. Para naman umaliwalas ang isip mo sa Jacky na yan."

"Salamat, Denisse. Pero sana hindi bumongga ang bangayan namin ni Pusit. Alam mo na, maraming natulong sakin si Pusit kahit papano."

"Sabagay. Basta alam mo'ng nandito lang kami ni Pareng Art. 'Di ba, Pareng Art?"

Napansin ko na parang kumislap ang mata ni Pareng Art. Parang may nase-sense akong something. Kakaiba talaga 'tong si Pareng Art pag dating kay Bespren Denisse.

"O-oo. Tama."

Sagot ni Pareng Art. Oh see? Nabubulol pa sya.

Sa kasarapan ng kwentuhan namin bigla akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan. Oh my ghad. Buti na lang hindi pa nag be-bell at maaga pa.

Kaya pumunta na akong bathroom dahil lalabas na. Ang gross ko. After a few minutes nakaraos din ako. Buti na lang sobrang linis ng comfort room dito sa school. Sosyalin kasi nitong school e.

Naglalakad na ako sa hallway papuntang room. Pero may nakita akong isang pamilyar na lalaki. Naglalakad sya at palagay ko magkakasalubong kami. Pero hindi siya sakin nakatingin. May nakapalsak pang headset sa tenga niya.

Bigla kong naalala kung sino sya! Siya yung Mr. Gwapings sa supermarket kahapon na tumulong sakin hilahin yung cart! Oo tama! Siya nga 'yon. Akalain mo'ng dito rin pala sya nag aaral? Akalain mo nga namang magkikita pa pala kami ni Mr. Gwapings!

Grabe, muka talaga siyang artista. Kakainggit ang kinis ng mukha niya tapos parang nag re-red to black yung buhok niya tapos ang perfect ng kilay niya. Syet! Gwapo talaga.

Ang landi ko.

Hindi ko nasa sya papansinin kasi kapag tinawag ko sya hindi rin naman niya ako mapapakinig. Lalampasan ko na lang sya at sa ibang dereksyon na lang ako tumingin.

Kaso..

"Hi."

Tumingin ako sa kanya. Sakin ba sya nag 'Hi'? Hindi nga ako nagkakamali. Sakin nga! Nakatingin siya sakin tapos nakangiti pa--AXJPSMGC!

Feeling ko nalaglag ang panty ko. Echoss! Ang gwapo kasi niya e tapos ang perfect pa ng teeth niya. Kaloka. Saan ba nakuha ng lalaking ito ang gwapo niyang mukha? Tapos ang tangkad pa niya. OMG.

"Ikaw yung girl sa supermarket yesterday right?"

Tumango ako. Nagulat ako ng nilahad niya sakin ang kamay niya.

"I'm Anthony Reyes. And you are?"

Napatulala ako. Ehmeged. Nagpapakilala siya sakin. Anthony pala ang name niya. Kakaloka.

Agad akong nakipagkamay sa kanya.

"Ivan Sebastian." nakatulala akong nakangiti sa kanya. Grabe, starstruck talaga ako sa kagwapuhan niya.

"Ang cute ng name mo. Nga pala, pasensya na kung hindi tayo nakapag kilala kahapon. Luckily dito ka rin pala pumapasok."

Gwapo din ng boses. Syet! "Oo nga e. Salamat ulit kahapon ha?"

"Ayos lang 'yon. Hindi ka naman inaway ng boyfriend mo di ba?"

Napanga-nga ako. Ang tinutukoy niya ay si Pusit!

"Hindi ko sya boyfriend!"

"Sabi nyo nga kahapon. But seriously, hindi talaga?" Tumango ako. "Good." tapos ngumiti siya.

Napaisip ako. Anong ibig sabihin ng ngiti niyang 'yan?

Bigla na lang may bumunggo sa balikat ko kaya medyo napa dikit ako kay Anthony. Nahawak naman niya ako para hindi ako ma out balance.

"Pasensya na. Pahara-hara ka kasi sa daan e."

Boses pa lang niya kilala ko na. Kaya hindi na ako nagtaka kung sino yung nakakainis na bumunggo sakin.

Walang'ya ka Pusit! Asungot ka talaga forever!

Nakatingin sakin si Pusit pagkatapos kay Anthony naman. Nilampasan na rin niya kami kaagad at naglakad na palayo.

Hindi naman ako nakaharang sa daan e! Kainis siya! Sinadya nya 'yon.

"Hindi ko gusto ang atittude niya." nagulat ako sa sinabi ni Anthony. "Siya yung kasama mo kahapon sa market right?"

Tumango ako.

Kainis ka talaga Jacky Hernandez!

The Man of My Dreams (on hold)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum