CHAPTER 25 (He can't be the guy in my dreams)

380 19 10
                                    

CHAPTER 25

(He can’t be the guy in my dreams)

 

(Poor Girl’s POV)

 

Patay ako.

Hindi na ako magtataka kung aawayin na naman ako ni Pusit. Eh kasalanan ko naman kasi, dapat naman kasi sabay kaming kakain ngayong lunch. Kasama ko naman siya sa loob ng canteen. Kaso sa ibang table siya naka upo. Kasama niya yung mga tropa niya. Yung isa hindi ko kilala. Pero may hitsura. Iyon nga lang, minsan naririnig ko na nangingibabaw ang boses.

Oo. Ang atensyon ko nakay Pusit. Wala sa mga kasama ko dito sa table. Ako, si Nick, Anthony, bespren Denisse at Pareng Art ang magkasabay ngayon kumain. Maingay silang apat. Ako lang ang tahimik dahil nagmamatyag ako kay Pusit. Kanina nga nagkatinginan kaming dalawa. Aba’t inirapan ako! Kaasar to the max! Singkit na nga ang mata niya lalo pang naningkit dahil siguro sag alit sakin.

Dyeske. Handa na po ako na pagsungitan niya mamaya. Kaya after class hindi ko alam kung sasabay ba ako sa kanya o hindi. Haist. Bahala na nga!

Pero nakakainis siya kanina. Nakakahiya yung nireveal niya yung sinabi ko sa kanya kagabi! Paano na lang kung mabuko kami ng iba na magkasama kami sa iisang bubong? Haist! Nakakainis talaga ang Pusit na ‘yon!

“Kainis!” Sa asar ko tinurok ko na malakas yung meat ball ng tinidor. Kaya naman nagulat yung apat na kasabay ko kumain. Napahinto pa sila sa tawanan nila.

“Sinong kaaway mo, bespren?” tanong sakin ni Denisse.

“H-ha? Ahehehehe. W-wala!” sinubo ko na lang ng buo yung meat ball. Nahirapan man akong nguyain pero kinaya ko. Habang nginunguya ko ang pagkain ako nakatingin ako ng masama kay Pusit. Hindi ko talaga siya maintindihan! Dinaig pa niya ang isang babaeng may buwanang dalaw! Dinaig pa niya ako.

Pabago-bago pa siya ng ugali. Tsk. Para talaga siyang si Squidward Tentacles.

 

Ilang minute na lang malapit nang matapos ang last subject naming at uwian na. Kaya naman tinext ko si Pusit kung sasabay ako sa kanya. Nag reply naman si Pusit. At ang reply niya: “Baka gusto mong maglakad na lang?”

Bwiset talaga kahit kaylan. Pilosopong Pusit! Kainis! Hindi ko na lang siya nireplayan. Tiningnan ko siya sa kanyang kinauupuan. Nakatingin din siya sakin. Nagsamaan kami ng tingin. Nakakabadtrip siya to the max! At ang tinamaan ng magaling, inirapan na naman ako! Damuho talaga! Argh!

Nag vibrate na naman ang cellphone ko. Kanya galling yung message. “Hintayin mo na lang ako sa kotse mamaya.” Tss. Masusunod po.

At iyon nga, nauna akong dumating sa kanya sa parking lot kung saan naka parke ang sasakyan niya. Ang sasakyan niya na binunggo ko ang bumper dati. Hehehehe. Utang ko pa nga rin pala iyon hanggang ngayon. Pero mukhang mas marami pa ang naibigay sakin ni Pusit. Kakaloka.

Basta ang mahalaga, sumunod lang ako s autos niya. Di ba nga dati, sabi niya isa daw niya akong ‘julalay’. Ang bait talaga niya. Tss.

Pero aba ha. Bente minutos na ata akong naghihintay sa kanya dito. At hanggang sa dumating ang kwarenta minute. Wala pa rin siya. Nasaan nab a ang Pusit na iyon? Nakakangalay tumayo dito ah. Nagtatago pati ako sa ibang estudyante. Baka naman kung ano ang isipin nila kung bakit ako sa tapat ng sasakyan ni Pusit.

Pero sa gulat ko may tumawag sakin. Ayoko sanang lumingon pero si Athony yun eh.

“Oh, bakit hindi ka pa umuuwi?” Tanong sakin ni Anthony.

“Ano, hinihintay ko pa kasi si Jacky.”

“Kanina pa kitang nakikitang naghihintay dyan. Kung gusto mo sakin ka na lang sumabay. Ihahatid kita.”

“Hindi na kaylangan dahil sakin siya sasabay.” Sabay kaming napalingon ni Anthony sa nagsalita.

Ow, si Pusit! Nakakagulat naman ang isang ito at bigla na lang dumating. Pero ang nakakagulat pa, pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya. “Sumakay ka na sa loob.” Utos nya sakin.

“Sige, Anthony. Mauna na kami.”

“Sure. Take care.” At ngumiti sakin si Anthony. Gwapo talaga! Nakaka good vibes!

“Ano’ng tingin mo sa akin hindi maingat?” epal talaga ang Pusit na ito! Kainis! Hindi naman siya ang kausap.

Sumenyas na lang ako kay Anthony para humingi ng pasensya. Pinaandar na ni Pusit ang sasakyan at umuwi na kami ng bahay.

Pagkababa ko ng sasakyan dumeretso kaagad ako ng kwarto ko. Kainis talaga si Pusit! Ang sarap niyang batukan! Makapag gawa na nga lang ng assignment!

At sa pag labas ko ng mga notes ko sa bag ko nahulog yung booklet ko. Ito nga pala yung booklet ko kung saan nakalagay ang mga impormasyon ni Pusit. Nagsulat ako ng panibago.

“Nakakainis kang Pusit ka to the highest level! Hindi ko maintindihan ang ugali mo. Minsan, ang bait mo. Minsan, nakakabwiset ka.”

Medyo nawala ang inis ko sa kanya nang maisulat ko iyon. So, ito pala ang ‘inis reliever’ ko sa kanya. Ang dami ko na palang naisulat dito about sa kanya. Yung mga inis at nangyari samin simula nang tumuntong ako sa bahay na ito.

Kokonti lang ang mga nakasulat dito na naging mabait siya sakin. Yung iba, ramdom lang na nagyari samin. Parang diary ko na rin ito. Diary ko about sa kanya.

Pero nakakaloka. Bakit ko ba siya pinag aaksayahan isulat sa booklet na ito? So yung nga, siguro pang tanggal inis ko lamang sa kanya. Mabuti na rin itong ganito.

Noong dinner time naming tahimik lang siya. Hindi niya ako iniimik ka o tinitingnan man lang! Feeling ko hindi ako nag e-exist. Bakit ganun? Parang mas lalo akong naninis sa kanya noong hindi niya ako pinapansin. Nakakainis na talaga. Hindi ko talaga maintindihan ang ugali ng Pusit na ito.

Naghugas na lamang ako ng pinagkainan ko. Pagkatapos ko ayusin ang hapag umakyat na ako sa kwarto ko at nagkulong. Hindi na ako lumabas. Siya naman naririnig kong nanunuod ng TV. Hanggang sa makatulog na ako.

Pagkagising ko nang umaga, pakiramdam ko tulog pa rin ako. Sariwa pa rin sa isip ko ang naging panaginip ko kagabi. Naloloka na talaga ako sa panaginip ko. Madalas ko talaga siyang mapanaginipan. Paulit-ulit lang naman. Pero ang naging panaginip ko kagabi kakaiba. Muntik ko na sanang malaman ang mukha niya kaso naantala dahil sa tulog ng alarm clock ko. Bigla kasi akong nagising.

Katulad ng dati kong panaginip, maliwanag ang paligid. Lahat ng taong nakapaligid sakin magaganda ang suot. Ganoon din ako. Nasa isa akong sayawan daw. Hindi ko naman alam kung bakit ako nasa isang sayawan. Hanggang sa may lumapit sa akin na lalaki. Kahit na naka maskara ang mukha niya alam kong gwapo siya. Sa ayos ng suot niya, tindig at galaw niya pangita na.

Pero kakaiba ang nangyari kagabi. Nang matapos ang sayaw namin, niyaya niya akong lumayo salugar na iyon. Hindi ko alam kung bakit ako sumama. Ang natatandaan ko, tumalikod siya sakin, yung buhok niya pamilyar sakin.

Parang hairstyle ni.. Pusit. Sa oras na iyon, tinatanggal niya ang maskara niya. Pero noong saktong pagharap niya sakin, biglang tumunog ang alarm clock ko kaya hindi ko na nakita ang mukha niya.

Ang nakakapagtaka lang, parehas talaga sila ng hairstyle ni Pusit. Same hair color din. Naloka tuloy ako. No. He can’t be the guy in my dreams. Imposible naman na maging siya iyon dahil ayaw niya sakin. Lagi niya akong inaaway at sinusungitan. Kaya napaka laking imposible talaga. Tss.

 

Pero kung sino man ang lalaking iyon sa panaginip ko, sana makilala ko na siya..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Man of My Dreams (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon