Chapter Five

717 52 2
                                    

"I don't have magic"

Harper's POV

Kinabukasan ay maaga ako nagising at agad nag handa ng sarili ko. While sitting in front of my mirror  combing my hair naalala ko ang sinabi ni Jerra at Leila kahapon. They were supposed to tour me around the academy but it was postponed dahil may ginagawa silang importante at dahil na din sa naging kalagayan ko, I'm not sure kung naalala pa nila ang mga sinabi nila kahapon.

Humugot ako ng malalim na hininga bago binaba ang hawak na suklay at tinitigan ang sarili sa salamin. By now nasa kwarto ko na sila Mia, Ria, at Lena na dapat ay aayusan ako, but now I'm sitting in front of my mirror preparing by myself.

Napangiti ako. This is just getting better. I missed them alright, but who am I kidding? I was once a princess, known for a 'rebel princess' who dreamt of an ordinary life but now here I am, just a girl staring at herself, not a princess, but a girl.

I smiled at myself, once again, before skipping my way out of my room. Birds chirping outside the windows greeted me. The sun's light made its way through the windows making the place more bright.

Agad ko namataan si Jerra na may hawak na mug at ngumiti saakin. Nginitian ko siya bago lumapit.

"Good morning!" Bati niya.

"Morning", bati ko sakanya bago umupo sa upuan ko.

"Nakatulog kana kagabi?" Tanong niya at sumimsim sa kape niya.

"It's so obvious," singit ni Leila at inilapag sa harapan namin ang pagkain at umupo.

"Morning," bati niya saakin. Binati ko naman siya.

"Pilosopo mo hindi ka naman philosopher!" Pang aasar ni Jerra bago kumuha ng kanin.

"Then consider me as a philosopher," komento naman ni Leila. Napailing na lamang ako sa kanila at nag simula na kumain.

"Nga pala anong oras na kayo naka-uwi?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Siguro'y mga nine. Tulog ka na ata nang makauwi ako," sabi ni Jerra

"Ewan ko lang kay Leila," she shrugged her shoulders. Inilipat ko ang tingin ko kay Leila nag iintay ng sagot ngunit nanatili lamang siya tahimik at hindi ako sinagot.

Hindi ko nalang iyon pinansin at kumain nalang. Ayoko pilitin siya baka magalit pa saakin. Hindi sa takot ako sakanya, hell I'm not even afraid of her, ayoko lang talagang may kagalit lalo na sa kanilang dalawa.

"Ready ka na ba?" Biglang tanong ni Leila na siya bumasag sa katahimikan na namamagitan sa amin. Napasulyap ako sa kanya, tinaasan niya ako ng isang kilay at naghintay sa sagot ko.

Akala ko ay nakalimutan na nila.

"Ano ka ba! Why would we forget? We're not oldies Harper," tumawa si Jerra nang marinig niya ang laman ng isipan ko.

"Pagkatapos nito aalis na tayo," ani Leila. Nilingon namin siya ni Jerra.

"Ang aga naman ah!!" Bulyaw ni Jerra.

"Malawak ang boung academy Jerra," aniya Leila.

Matapos namin kumain ay agad na kami nag linis. Tinulungan ko pa sila sa pag liligpit dahil nakakahiya naman, sila na nga nag luto tapos hindi pa ako tutulong sa pag liligpit manlang ng hapag-kainan?

Nakaupo ako sa couch ng sala habang hinihintay ang dalawa bago kami lumabas ng dorm.

Kumapit si Jerra sa braso ko habang nasa gilid ko naman si Leila na tahimik na pinagmamasdan ang mga studyante na nakaka salubong namin, ang iba pa nga ay napapalingon saamin o kundi sa kanilang dalawa ni Jerra.

Oxzoria Academy: The Heart of Zaronaria Where stories live. Discover now