Chapter Thirty Eight

245 25 0
                                    

Disappeared

Harper's POV

I stared at Timothy. Nakatagilid ito kaya kita ko ang kalahati ng kanyang mukha habang kausap si Harmony na bakas sa mukha ang pagiging masaya habang nasa likuran nito si Leo.

Timothy and Harmony seemed to be closed with each other. The way Timothy talks to her comfortably. He was smiling while talking to her na siyang panibago sa mga mata ko. He never smiles whenever we talk. Tanging nakikita ko lamang sakanya ang pagiging malamig ng kanyang mga tingin.

Malayo ang agwat namin ni Timothy sa isa't isa. Magkaibang magkaiba ang pakikitungo namin. My heart started to pound heavily. Hindi ko maintindihan bakit biglang nag iba ang hangin na nakapalibot saamin. Why do I feel ashamed with what I'm feeling right now. Nanghihinayang ako.

Hindi ko gusto pahabain ang iniisip ko tungkol sa pakiramdam ko ngayon dahil alam kong sa malilim ang tungo nito. Tumalikod ako upang mawala ang atensyon sakanila bago nagpakawala ng malalim na hininga.

"C'mon," nag angat ako ng tingin kay Wonter.

"Saan?"

"We'll get some ice cream," ngiti niya bago hinawakan ang kamay ko. Napangiti ako at hinayaan siya.

"What flavor do you like?" Tumigil kami ni Wonter sa isang stall. Pinagmamasdan ko ang mga flavors ng ice cream.

"Hmm, cookies n'cream," turo ko.

"I was about to get you some ice cream but when I came back you were gone," rinig kong sabi ni Wonter habang naglalakad kami.

"You left me," that moment, the guilt started to crawl from my conscience. Napanguso ako.

"Hindi ko naman sinasadya," I heard him laugh.

"Walang nakakatawa, ahh!!" I burts out.

••••••

"The sun is already setting down. What time is it?" Nag angat ako ng tingin sa clock tower.

Alas cinco na ng hapon at kulay kahel na din ang kalangitan. Bumalik na kami ni Wonter sa tagpuan namin ng magkakaibigan. Nang makarating kami sa gitna ng fountain, naaninag ko kaagad ang iilan sa mga kaibigan lalo na sina Harmony at Leo na kasama si Timothy.

"Did you found him?" Bungad ko sakanila ng makalapit. Gaya samin ni Wonter ay wala din silang nahanap na salamangkero.

Hinintay pa namin ang iba bago sumakay sa karwahe at bumalik na sa bahay. Hanggang sa makarating kami ay kasama pa din namin sina Leo at Harmony. Dumiretso kaagad ako sa kwarto upang makapag bihis.

"Ugh, we spent all day to find that mage and we didn't see not a single shadow of him!" Sumalampak si Aizha sa higaan habang hinuhubad ko ang cloak.

Nahagip ng mga mata ko si Jerra na kakabihis lamang. Naalala ko bigla si Leo. The both of them didn't work things out, they didn't even talk.

"We still have tomorrow. I'm sure we'll find him in no time," I said.

"Oo nga pala. Did anyone of you knows Harmony? She seems close with Timothy," wika ni Eunna.

"Nope. We just meet earlier when we've arrived at the fountain. She's fun to talk to," komento ni Kate.

Tahimik akong nakinig sakanilang kwento tungkol kay Harmony. Kagaya ko ay naninibago din sila sa pagiging malapit nila Timothy at Harmony.
Maganda at mabait si Harmony at kitang kita ito sa kanyang mukha at sa kilos.

Oxzoria Academy: The Heart of Zaronaria Where stories live. Discover now